Blog Ong’s: JOKES NA AYAW MO BASAHIN

Eto na sariwang-sariwa ang pagkabilasa ng mga jokes na ito na AYAW MO BASAHIN.

Sigurado ka gusto mo pa basahin?

Sige ka baka mabobo ka.

Teka, teka, sandali!!! Ge na nga, bahala ka! (e sa gusto mo matawa!!!)

1.
Tatay: ‘Nak, bili mo nga ako ng softdrinks.
Anak: Pepsi o Coke?
Tatay: Coke.
Anak: Bote o In-can?
Tatay: Bote.
Anak: 8 oz. o Litro?
Tatay: Buwisit ka! Tubig na nga lang!
Anak: Mineral o Distilled?
Tatay: Mineral.
Anak: Malamig o Hindi?
Tatay: Walang hiya ka, papaluin na kita!
Anak: Walis tingting o Tambo?
Tatay: Hayop ka!
Anak: Baka o Kambing?

2.
ANG ILONG!! (Bow!)

TUKMOL: Kung matalino ka talaga, bakit dalawa ang buyas ng ilong natin??
KUPS: yun lang, hindi mo alam?? Siempre, para makahinga habang nililinis natin yung isa!!!

3.
Barker: Ah Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Isa na lang aalis na! Cubao! Cubao! Cubao!
Pasahero: Cubao?

4.
Pag-uusap ng dalawang mag-syota matapos tumawid sa kalye ang babae habang umuulan ng malakas. Papunta ang babae sa kabilang kalsada para puntahan ang lalaking boypren.
Boypren: “O, bat basang-basa ka?”

5.
Dalawang bingi naguusap:
Bingi-1:
Mamamalengke ka ba?
Bingi-2: Hindi. Mamamalengke ako.
Bingi-1: Ah, kala ko mamamalengke ka.

6.
Praying for 10 Pesos Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.

Pulubi: “Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako.”

Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: “Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain”.

Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: “Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas”.

7.
TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
Blog Ong: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
Blog Ong: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
Blog Ong: MAGSASAMPAY mam!

8.
PILITA CORRALES – Asia ‘s Queen of Song
LANI MISALUCHA – Asia ‘s Nightingale
REGINE VELASQUEZ – Asia ‘s Song Bird
GLORIA MACAPAGAL ARROYO – “Mole of Asia “

Mga Puna

  1. Natuwa ako!

  2. wahahahaha…ikaw na talaga!!!!

    sobrang natawa na naman ako d2…. kala ng mga workmates ko, nababaliw na ako…finorward ko sa kanila..tawa much din sila….hahaha!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 29 other followers