Txt…txt…txt. Wala akong pakialam sa mundo at sa mga taong sumasakay sa jeep na sinasakyan ko nung isang araw. Hindi ko inaasahan na may magaganap na drama at krimen sa araw na yun…sa loob ng jeep.

Binabaybay ng jeep ang kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo ng biglang may sumakay na limang lalaki. Ang tanging kapansin-pansin sa kanila bukod sa malalaki ang katawan, pare-parehas silang may dalang backpack bag. Wala ng maupuan pero nakipagsiksikan pa rin sila sa loob. Ang tatlo ay nakahanap naman ng masisiksikan, yung isang lalaki sumabit at ang isa pa ay pumwesto sa gitna. Tuloy ang buhay.  Wala pa rin akong pakialam.

Txt pa rin ako ng txt… ng biglang may nahulog kuno sa ilalim ng upuan yung isang lalaki na wala ng maupuan. Dito na nagumpisa ang drama. May hinahanap kuno yung lalaking nakatayo sa gitna ng jeep sa ilalim ng upuan sa may bandang harap kung saan nakaupo ang magiging biktima ng krimen. Hindi ko alam kung ano yung inilaglag pero may kunwaring hinahanap sa ilalim ng upuan. Mahirap gumalaw sapagkat siksikan sa loob ng jeep. Dahil sa sadyang matulungin ang ilang kapwa nating mga pinoy, hindi nakakapagtaka na may tumulong sa lalaki upang hanapin sa ilalim ng upuan yaong nalaglag na bagay (kung meron man talaga). Epektibo ang drama ng lalaking may hinahanap na kung ano. Nakabingwit siya ng isang biktima. Tinulungan siya ng isang ale na nasa bandang harapan. Ngunit sabi nga minsan, kung sino pa yung tumulong siya pa ang dehado at napagsasamantalahan.

Nakikiramdam na ako sa mga nangyayari sapagkat nakaramdam ako ng kakaiba sa dramang nagaganap sa loob ng jeep. Patuloy pa rin ang  paghahanap sa nahulog na bagay. Pinapakiramdaman ko na ang dalawang katabi ko sapagkat naging malikot ang nasa kanan ko. Maya-maya pa biglang pumara ang lalaking nasa gitna. Maaaring nahanap na niya ang nahulog na bagay sa ilalim ng upuan o baka sasakay na lang siya sa ibang jeep na mas maluwag. Ngunit nakakapagtaka, hindi sumunod ang apat pa niyang mga kasamang lalaki. Maaari bang hindi talaga niya ito mga kasama o may ibang dahilan kung bakit nagpaiwan ang mga ito?

Akala ko tapos na ang drama pero umpisa pa lang pala yun. Biglang sumigaw yung babae na tumulong dun sa lalaki bago pa man ito nakababa ng jeep. “SANDALI! NAWAWALA CELLPHONE KO!”, malakas na sigaw ng babaeng tumulong. Nagkagulo na sa loob ng jeep. Naalerto ang lahat ng pasahero sa sinabi ng babae. Ako din mahigpit ko ng hinawakan ang aking dalang cellphone tsaka wallet at nakiramdam sa mga susunod na mangyayari. Sumagot ang pababa ng lalaki, “BAKIT KO KUKUNIN ANG CELLPHONE MO? MAY SARILI AKONG CELLPHONE (sabay hugot sa cellphone na nasa bulsa niya). Bumaba na ng jeep yung lalaki na galit na galit pagkatapos niya itong sabihin . Umiiyak na ang ale na nawalan ng cellphone. Lahat din ng pasahero nagulat sa sinabi ng babae. Pero ako kahit wala akong pakialam kanina, alam kong may kakaibang nangyayari.

Maya-maya nagsalita ang ibang mga aktor sa dramang nagaganap. Kunwari ay nagagalit naman yung isang kasama nung lalaki na bumaba kanina at sinabing, “HABULIN MO NA! NAKAKAABALA KA SA BYAHE. PARE-PAREHO TAYONG NAGMAMADALI.” Sinegundahan naman ito ng isa pang lalaki na kasama nila kanina. Ganito rin ang sinabi nung lalaki na nakasabit, “HABULIN MO NA, AYUN PA SIYA (sabay turo sa lalaking nag-aabang na ng sasakyan)”. Nagtataka na ako, bakit ang mga lalaking yun lamang ang nag-uudyok sa babae kung ano ang dapat gawin.

Bumaba yung babae. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sa pagitan nila nung lalaking hinabol niya. Malayo na ang jeep na sinasakyan  namin sa dalawa.

Samantala, ang mga naiwang aktor ay patuloy ang dialogo sa loob ng jeep at batid sa kanila ang lihim na nasa likod ng natapos na drama. Pinagmamasdan ko sila isa-isa lalo na yung lalaki na katabi nung babae kanina. Malikot ang mga mata at palinga-linga. Yung ibang lalaki nakangisi na parang may nililihim. Maya-maya nakarating na kami sa may bandang Ligaya ng pumara ang natitirang apat na lalaki. Noon ko napatunayan na tunay silang magkakasama…maaaring magkakasabwat din sa katatapos lang na krimen.

Tumakbo na ang jeep at iniisip ko ang mga nangyari…

Naaawa ako dun sa ale sapagkat naisip ko lang na mali ang lalaking hinabol niya. Hindi yung lalaking bumaba ang tunay na dumukot sa cellphone niya, kundi ang lalaking katabi niya. Posibleng sinamantala ng lalaking katabi nung babaeng nadukutan ang pagkakataong dukutin sa bag ng ale ang cellphone habang tinutulungan niya kanina yung lalaki na hanapin yung nahulog na bagay sa ilalim ng upuan. Sa pagkakataong yun, hindi alerto ang babae sa anumang posibilidad ng pandurukot. Mahaba ang pagkakataon nung lalaki na dumukot sa bag habang abala yung babae kanina na nakikipaghanapan sa nahulog na bagay sa ilalim ng upuan. Naging malikot naman ang ibang mga kasama nila sa kani-kanilang mga upuan upang hindi mapansin ng ibang mga pasahero ang nagaganap na pandurukot. Ginawa nila ito upang hindi matuon ang pansin nila sa nagaganap na krimen.

Samantala, posible rin na hindi sa pagkakataong ito naganap ang pandurukot. May posibilidad ding nadukutan na yung biktima bago pa man ito nakaupo kanina.  Magkakasunod kasi silang sumakay. Kumbaga, PLAN B na lang ng limang lalaki ang dramang naganap sa loob ng jeep kanina.  Sinamantala naman ng ibang aktor na pababain yung babae habang ito ay nasa estado pa ng pagkabigla sa pagkawala ng cellphone niya. Ngunit kung iisipin sa estilo ng kanilang ginawang pandurukot, mas mangingibabaw na modus operandi nila yung drama kanina.

Ito ang estilo ng mga LAGLAG BARYA GANG. Isang estilo ng pandurukot na gamit ang drama at pagsindak sa mga biktima. Ayun sa mga eksperto, ang bawat nilalang ay may posibilidad na nakatuon lang ang pansin sa isang bagay at hindi na ito alerto sa ibang bagay na nangyayari sa paligid. Kapag nabigla ang isang tao, aabot ng pito hanggang sampung segundo o mas matagal pa bago ito maging alerto ulit. Ito ang sinasamantala ng mga LAGLAG BARYA GANG na kahinaan ng mga tao na kanilang mga nabibiktima. At ang kaawa-awang babaeng nadukutan sa pagkakataong iyon ang perpektong halimbawa nito.

Ingat na lang.

About these ads

16 responses »

  1. aubu22 ay nagsabing:

    naku, kahawig po ng nangyari sakin last xmas 2ng post nyo, pero sa bus nangyari, pagsakay ko po ng bus, biglang may sumalubong na 3 malalaking mama sakin tapos inipit ako tapos aun, nakuha na po ung celepono ko sa bulsa,

    hayst, mga salbahe sila >:!

  2. ph1l1p ay nagsabing:

    pabasa lang po..

  3. hitokirihoshi ay nagsabing:

    wawa nga yung ale. sa lagay talaga ngayon. marami ang nag-uudyok sa iba na magpakasama na lang. hayyy

    ibayong ingat na langa talaga ang kailangan. nanay ko dati nabudol-budol gang naman.

  4. saintsynth ay nagsabing:

    wow!asteeg…
    hehe.sana po ay mavisit nyo din ang aking blog…=)

    http://helloaliens.wordpress.com/

    salamat!(^^

  5. giobb ay nagsabing:

    ang pinoy nga naman… sadyang matulungin.. . ingat lagi mga bro and sis..
    nkikiraan lng po.. hehe

  6. fritzy ay nagsabing:

    MUNTIKAN na kong mabiktima kahapon nyan.. buti n lang naramdaman ko na my dumudkot na sa bag ko… kya wala silang nadukutan..

  7. cessfiles ay nagsabing:

    Sa mga nabiktima ng Laglag barya modus na ito, naghahanap po kami ng katulad na pangyayari na willing magkwento upang maging halimbawa at babala narin sa publiko. Makapagbigay babala sa maaari pang biktima. 0906-2265-262-

  8. stupido ay nagsabing:

    heh. bobo lang nabibiktima nyan. WAG NYO TULUNGAN PUTA SIMPLE NG SOLUTION EH. D SA LAHAT NG BAGAY KELANGAN MAGING MABAIT

  9. nice_try ay nagsabing:

    Ah shit dyan rin ako muntik madale kanina jeep n byaheng santolan-sta.lucia… tiniming nila rush hour.
    Kwento ko lng experience ko kanina, 2 silang lalaki ung isa nakasando lng at mukhang gagawa tlaga mg masama(sorry kung judgemental pero totoo) nasa late 30s’ ung isa naman may dalang backpack nasa late 40′s na. Hindi sila sabay n sumakay ng jeep e, pero pansin ko ung mama na may dalang bag ikot ng ikot ung mata nya s jeep di ko alam kung hindi nya alam pupuntahan nya o anu, so pinabayaan ko lng ung isa naman nakayuko lng sya nagbibilang ng barya, tapos nung may pasaherong nagpapaabot ng pamasahe inabot nung mama na nakasando inabot nya ung bayad tapos biglang nahulo kuno ung bayad. Di yuko ung mama tapos tinulungan ko naman nakita ko ug piso sabay abot s kanya, nagduda lng ako g biglang pinapataas nya paa ko kasi daw may napunta m barya

  10. mag ingat tayo ay nagsabing:

    parang ganyan nangyari sakin kanina lang, pagsakay ako ng jeep ng may sumakay na dalawang lalaki sa magkabilang upuan ung isa katabi ko sa kanan ung isa sa harapan ko. tapos sabi nung katabi ko kaliwa kaliwa kanan kanan naghinala ako nun kung balow ba yun o may gagawing masam, kaya pagkabayad ko ng jip agad kung hiniwalay ung wallet ko at ibinalot ko sa twalya kong dala para kung sakaling magdiklara, e hndi makukuha ung wallet ko. Ayun tapos umandar na yung jeep biglang hinawakan ng nasa harapan ko ung paa ko at may tinitingnan sa ilalim ng upuan ko na may nahulog daw, tapos ung katabi ko na may shoulder bag e siksik na sik sakin kahit maluwag pa sa unahan, tapos sabi nung katabi ko ano yung nahulog ?? napansin konalng na ung kamay nya e malikot na sa bulsa ng bag ko, dahil sa gulat ko natabig ko yung kamay nya ayun sumiksik ako sa kasama ko tapos napansin kunalng bukas nayung bag ko agad kung kinapa ung cellphone ko at inabot ko sa kasama ko sa kaliwa ng patago sa ilalim ng bag ko. hindi ako nagsalita kasi mukang may hawak din syang kutsilyo tapos bglang me pumara ayun bumababa nadin kame. ayun kahit papano hindi kami nanakawan.

  11. […] Credits: INTRO: andresalvador.smugmug.com 8. lionheartv.net 7. opinion.inquirer.net 6. tatakblogong.wordpress.com 5. skyscrapercity.com 4. aenet.org 3. philstar.com 2. andresalvador.smugmug.com By Rico Mossesgeld […]

  12. pepper ay nagsabing:

    hi! nangyari sa’kin to kanina lang. galing ako sa work, nakasakay ako ng jeep going to prc sa makati. yung katabi kong lalake meron syang malaking bag. yung nasa tapat nyang lalake, hindi sila sabay na sumakay. pero yung lalaki na nasa tapat ko sabi nya may nahulog daw na barya sa ilalim ng upuan ko. tapos tinutukod nya yung kamay nya sa tuhod ko, so yung attention ko andun na sa paghahanap nya at dun sa sakit ng tuhod ko na tinutukuran nya. dalawang beses nyang inulit yung paghahanap ng barya, pagkakuha nya binayad nya yung barya saka sya bumaba. yung katabi kong lalake tinanong ako kung may nawala sakin. saka ko na-realize na nagstop yung music sa earphones ko, kasi wala na yung phone ko. bumaba ako ng jeep, nasa kabilang lane na sya, nakasakay ng jeep papuntang mantrade. hinabol ko yung jeep, hinila ko sya pababa ng jeep at saka ko sya inaway, minura at tinulak. tapos sumigaw yung isang guy na kasakay ko na naiwan daw yung phone ko sa jeep, yun pala, yung katabi nung guy na naka-bag eh nakaramdam na daw sa una pa lang na mukhang modus yon at inabangan daw nya yung phone ko dun sa likod ng bag nung lalakeng may dalang backpack dahil dun daw yung pinapadaan bago sya bumaba. sobrang nagpasalamat ako kay kuya na alerto din sa ganitong mga sitwasyon at handang tumulong sa mga biktima ng mga ganitong modus.

  13. […] liveinthephilippines.com, tatakblogong.wordpress.com, […]

  14. Jc ay nagsabing:

    It happened to me din yesterday. Pauwi na ako from Alabang going to SUCAT. Nasa jeep ako na parang normal lang ang pakiramdam. Until may nahulog na barya daw kuno sa may paa ko. So ayun, inabot sakin nung katabi ko ‘yung barya kasi akin daw ‘yun o sukli ng ibang nakasakay. Tapos ‘yung isa namang lalaki sa harap ko e hinawakan ‘yung paa ko kasi may ten pesos daw na nakaipit. Nagtataka ako kasi hindi nya makuhakuha samantalang tinaas ko na nga paa ko. Dun na ako nakaramdam ng kaba. Kaya kinapa ko samsung note 2 ko sa bulsa at dun ko nalaman na wala na. Ang ginawa ko e sumigaw ako na nawawala cellphone ko kaya napahinto ‘yung jeep. Tapos bigla na lang akong sinampal na sobrang lakas nung lalaki sa harap ko. Dun ko napagtanto na modus ‘yun at magkaka-sabwat sila. Hanggang bumaba sila ng jeep dala ang cellphone ko na wala man lang akong nagawa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s