Rated 18: “Ayoko na, BREAK NA TAYO!!!”

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong

Paalala: Ang mga sumusunod na akda ay naglalaman ng mga sanaysay na maaaring makaapekto sa pag-iisip ng mambabasa. Naglalaman ito ng mga GARANTISADONG PARAAN UPANG SIRAIN ANG ISANG RELATIONSHIP.

Ooopsss! I know what you are thinking! I am such a bitter! Right? You are wrong! Sabi nga, you dont judge the book, you cover it. Anyway, dont be misled by the exaggerated title. Read on…

Paalala ulit: Bago mo basahin ang artikulong ito, siguraduhing nasa tamang edad ka upang maunawaan ang mga sensitibong bagay. Kung hindi, maaari kang pumili ng ibang mga artikulo na tugma sa iyong edad. Kung nasa tamang edad ka naman, magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Eto na…

Kadalasan mahirap sa isang relationship ang panatilihin itong matatag. Sa una, dahil sa lubos na sabik sa isat-isa ang dalawang umiibig, ang pagsasama ay wari baga ay parang isang pure honey na lintik naman sa tamis (yung tipong nilalanggam pa!). Ngunit sa kalaunan, ika nga e ang honey ay nauubos din!

Sa madalas na pagkakataon, ang pinakamahirap na gawin ng bawat magsing-irog ay baguhin ang paulit-ulit na pagkakamali sapagkat nakasanayan na nila ang gumawa ng
isang bagay na di nila akalaing makakasira sa kanilang relationship. Sa mga nabasa kong pagsusuri ng mga eksperto sa pagsasama (relationship of lovers) ang mga nakasulat sa ibaba ang mga paraan upang sirain ang isang relationship.

Isang babala: Tanging nasa kamay ng bumabasa nito ngayon kung ang mga sumusunod na paghahayag ay gagamitin sa tama o sa mali.

IPAGPILITAN NA IKAW DAPAT LAGI ANG TAMA. Ito yung sitwasyong hindi ka tumatanggap ng anumang paliwanag at ipinagpipilitan mong ikaw lang ang nakakaalam ng kung ano ang tama at kung ano ang mali kahit wala ka naman makatwirang dahilan, ebidensiya, at basehan sa iyong ipinaparatang.

HUWAG NA HUWAG KANG MAGSO-SORRY. Kahit anong mangyari, even if you were proven guilty beyond reasonable doubt, huwag na huwag kang hihingi ng tawad. Katulad ng nasa itaas, ipagpilitan mong ikaw pa rin ang tama.

MAGMATAAS LALO KAPAG NAPATUNAYAN MONG IKAW ANG TAMA. Be relentless in rubbing it, ika nga. Paulit-ulit mong sabihin sa kasintahan o asawa mo na “O kita mo na, AKO ANG TAMA, IKAW ANG MALI” kahit naiirita na ito sa iyo. At lalo mo pang dagdagan na di naman talaga siya kailanman naging tama.

UMASTANG MAS ALAM MO PA ANG GUSTO NIYA KAYSA SA KANYA. Ito yung tipong umasta ka na parang ikaw lang nakakaalam ng lahat ng gusto ng kasintahan o asawa mo. Na ikaw lang makakapagsabi kung magiging masaya siya sa isang bagay.

MAG-AKALA NA ALAM NG KASAMA MO ANG LAHAT NG INIISIP AT NARARAMDAMAN MO KAHIT DI MO ITO SINASABI KANYA. Mag-assume to the max! Mag-akala ka na isang “mind-reader” ang kasintahan o asawa mo at mag-assume na alam niya lahat ng nasa utak mo. At kapag nagkamali siya sa iniisip mo, take it personally at gamitin ito laban sa kanya.

NEVER KANG MAKINIG SA PRIORIDAD SA BUHAY NG PARTNER MO. Ipagwalang-bahala ang mga layunin niya sa buhay at ipagpilitan na ang mga layunin mo ang mas importante sa lahat at dapat itong matupad.

MAG-AKALA NA PAREHAS KAYO NG PAKIRAMDAM NG PARTNER MO PAGDATING SA SEX. Mag-akala na pag-aari mo ang katawan ng kasama mo. Ibig sabihin kapag gusto mo makipagtalik dapat ganun din siya, kahit di niya gusto o wala siya sa mood. Sa ganitong paraan maihahayag mo ang iyong kapangyarihan sa kanya.

KAPAG NASAKTAN KA, MAGALIT KAAGAD. Sa ingles, do not admit hurt, but go immediately to the expression of anger! Huwag ng magpatumpik tumpik pa, ito na ang pagkakataon mo na mag-astang ikaw na naman ang tama, kasi ikaw ang nasaktan.

KUMALAP NG MASASAMANG BALITA TUNGKOL SA PAMILYA NIYA AT GAMITIN ITO LABAN SA KANYA. Ang pinakamabisang paraan upang magsimula ng isang away ay isama sa pagtatalo ang tungkol sa pamilya.

MAGING ALERTO SA LAHAT NG PAGKAKAMALI NG NIYA. Mag-astang isang abogado sa pagkakalap ng “flaws” laban sa kasintahan o asawa mo. Ngunit kapag nakita mo siyang nakagawa ng tama, huwag magbibigay ng papuri sapagkat baka lumaki ulo niya.

HUWAG NA HUWAG SUMUKO SA PAKIKIPAGTALO. Huwag hahayaang matapos ang pagtatalo hanggat hindi nagwo-walkout ang partner mo. Kapag lumayas siya sa gitna ng inyong pagtatalo,sundan ito at ipagpatuloy ang pakikipag-away. Mas maganda kung hihiyain mo siya sa publiko.

HUWAG NA HUWAG KALIMUTAN ANG GALIT MO. Dont let go of the past, ika nga. Mag-ipon ka ng sama ng loob at laging ilabas ang mga ito kapag nagtatalo kayong dalawa.

GAMITIN ANG PAGBABANTA UPANG SUNDIN KA NIYA. Magbanta ka na magpapakamatay kapag hindi sinunod ang gusto mong mangyari. Mas lalo itong magiging kapaki-pakinabang sa iyo kapag alam na alam mong mahal na mahal ka ng partner mo. Samantalahin itong mainam!

KAPAG NANLALAMIG NA SIYA SA SEX, BIGYAN ITO NG IBANG KAHULUGAN. Mag-akala na kapag nanlalamig na ang partner mo sa iyo sa pakikipagtalik meron itong ibang kinakatagpo. Mag-isip ng sobra at paghinalaan mo siya kaagad. Pagbintangan mo siya na nangingibang-ilog at nilalagyan ng ipot ang ulo mo.

HUWAG NA HUWAG MAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA SA KANYA AT SA LAHAT NG GINAGAWA NIYA PARA SA IYO. Ito ang pinakamabisang paraan upang makakuha ng dahilan na wala ng tamis ang relationship niyo. Huwag magpapakita ng anumang pagpapahalaga sa partner mo. Take her/him for granted, ika nga.

MAKE PROMISES, BUT BE SURE TO BREAK THEM. Pwedeng-pwede mong gamitin ang katagang “Promises are made to be broken” kapag meron kang hindi natupad na pangako. At maggalit-galitan kapag hindi mo ito nasunod para walang dahilan ang partner mo upang magreklamo.

MAG-ALA HITLER O MARCOS. Maging diktador! Always make excuses for your bad habits. Insist that what you have to say is always important than what your partner is saying, so interrupt! Always make your point as an authority even if its wrong and destructive.

DONT ACCEPT CHANGES, LET HER/HIM DO THE CHANGE. Huwag na huwag mong papaibabawan ang iyong ego. Huwag tatanggap ng pagbabago sa sarili mo. E sa ganyan ka talaga. Dapat siya ang magbago para sa iyo kung talagang mahal ka niya.

Whew! Di ko kinaya yun! Habang isinusulat ko ang blog na ito, para akong papasukan ng demonyo sa kawalang katarungan ang pag-uugali ng nasabing tao na gumagawa nito.

Muli, hindi ko isinulat ang akdang ito upang gamitin ng mambabasa sa maling paraan. Do the said ways on the reverse side of the coin. Minsan kasi, mas tumatatak sa isip ng isang tao ang tamang pagsasagawa ng isang bagay kung ito ay ipinapaliwanag sa isang maling sitwasyon. Sapagkat sa pamamagitan nito, nasasakupan ang abilidad ng isang tao upang mag-isip at magdesisyon sa isang sitwasyon at bagay na alam niyang mali.

PBA099o53177

Advertisements

10 thoughts on “Rated 18: “Ayoko na, BREAK NA TAYO!!!”

  1. 2nd base ako..
    tiyak malamig na ito haha.. 😉

    hindi ko ipinagpatuloy ang pagbabasa kasi may nabasa akong paalala sa itaas..
    hindi kasi ako sigurado kong nasa tama na ba akong pag iisip..

    but still babasahin ko pa rin kahit wala pa ako sa tamang pag iisip.. 😉
    bangag ako eh! pero hindi ng droga ah! 😛

    Like

  2. i’ll recommend this one, sa mga kaibigan kong gustong kong makipaghiwalay sa mga nobyo at nobya nila..

    tiyak panalo to..
    hahahaha.. 😉

    ayos, may konek naman sa pamagat.. 😀

    Like

  3. ahm,,,i’m not trying to defy this article or anything,,,’coz it’s been more than a year since my boyfriend and i decided for a commitment & i’ll be honest to you,,he possessed some the “improper decorum” that you had been tackled but, we stay intact,,,i think it’s b’coz i usually try to understand him and let him believe on his discipline,, ‘coz i believed that at the end of the day he will realize his fault and feel be sorry,,,in that way we can avoid great strife…as of to the idea that,,IPAGPILITAN MO NA LAGI KANG TAMA,,,it’s very irrational,,wanna know why??because if a person didn’t know how to admit his own flaws,, then he can be labeled as IMMATURE…we were been given the wisdom for the discernment of what is right and what is wrong…well,,it’s definitely none of my business,,sorry i just expressed my opinion….i’m not against with this..

    it’s actually for those person who want a break-up and i’m absolutely not one of them..i love my hubby,,or i should call wifey…hehe

    P.S. i will never let irrationality nor immaturity to set us isolated..

    Like

  4. Grabe halos lahat yan ugali ko ngayon sa boyfriend ko.. Nakikipag’break na ako sa kanya hindi dahil hindi ko na sya mahal kundi gusto ko ng space gusto ko maging independent hindi yun palaging anjan sya kapag may hindi ako magawa.. Parang na’ffeel ko kase sa mga actions niya eh parang wala akong silbi.. To the point na siya pa ang maglilinis ng kwarto ko ipinagluluto ako… Oo sweet nga yun ganun pero naman hello! Tinuturuan niya ako mamatay kapag nawala na siya.. Kahit na minumura ko na siya kapag nagagalit ako sa kanya.. Haaaays grabe talaga! Pero mahal ko sya sobra pero I really need space… It reminds me of the movie of “One More Chance” na sana we still both have the last chance in the right time.. Pero kung talagang wala na It’s ok kase ako may gusto neto.. Sana lang maintindihan talaga namin ang isat isa bago mahuli ang lahat! Anyway Good Job to the writer! Thanks for sharing this one! 🙂

    Like

  5. Lahat nang nabanggit ay mga gawain/ginawa ng boyfriend ko sakin ngayon. As in lahaaaaat! Im wondering baka binasa nya tong article na to bago naging kame. Im going to talk to him tomorrow and u know blog ong, bukas na malalaman kung mahihiwalay na kme on hnde. first time ko magkaroon ng long term relationship pero yang mga yan ang napala ko, i love him but i guess it’s not right! 😦

    Like

  6. Gusto ko tong subukan…gusto ko na kasi talaga makipaghiwalay sa BF ko for almost 13 years…we are living together pero pagod na ako sa sitwasyon namin na sa akin nakaasa lahat specially when it comes to financial maters. Hindi sya halos nag work sa buong panahon na magkasama kami at kung mag ka work man sya halos hindi rin naman nya ako natutulungan dahil may iba pa syang obligasyon sa mga anak nya sa una nyang kinasama 😦 Actually nakikita ko itong ganitong ugali sa kanya pero feeling ko it is his way to manipulate me kasi ilang beses ko na ring sinubukang kausapin sya para makipaghiwalay pero ayaw nya 😦

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s