Silip sa Japayuki
Pokpok… hostes… malalandi… bugaw…
Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag na JAPAYUKI.
Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?
Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na “Karayuki”. Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na “Karayuki” na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.
Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa clubentertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ay isang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga “hospitality girls” sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.
Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.
Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo o sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.
Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.
Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga “Bagong Bayani” sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapada sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.
Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ito ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.
Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayong Filipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ng Education, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga “Mombusho” (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.
Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging “Japayuki” na sa marami ay isang maruming trabaho.
Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.

geishaPokpok… hostes… malalandi… bugaw…

Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag na JAPAYUKI.

Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?

Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na “Karayuki”. Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na “Karayuki” na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.

Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sa kalaunan naging pangkalahatan ang tawag na Japayuki sa sinumang Pililipino na naghahanapbuhay sa Japan.  Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa club-entertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ay isang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga “hospitality girls” sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.

Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos na hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.

Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo na pangunahing dahilan ng karahasan at sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.

Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.

Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga “Bagong Bayani” sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ng ating ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapadala sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.

Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.

Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayong Filipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ng Education, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga “Mombusho” (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.

Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging “Japayuki” na sa marami ay isang maruming trabaho.

Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Ispesipiko man o naging pangkalahatan ang turing na Japayuki, nararapat lamang na bigyan natin sila ng marapat na pagrespeto sa kanilang hanapbuhay at pagkatao. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.

Advertisements

12 responses »

  1. taympers ay nagsasabing:

    talentado naman talaga ang pinoy di ba? masipag at madiskarte sa buhay.

    Like

  2. mr. yuz ay nagsasabing:

    para sa akin, masakit ang trabahong ito, namomolestsa ang mga GRO, pagagalitan sila ng amo nila pag tumatanggi! LECHE!
    ayaw ng iba ung trabaho,
    pero kailangan! para sa pamilya nila!
    GALIT AKO SA HAPON!
    bkit kelangan nilang harasin mga babaeng nag ttrabaho lng para sa pamilya nila!
    lalake ako,..
    girl friend ko nag sinungaling xkin,..
    pero inamin din nya na gro xa sa Japan for almost 8 months!
    hinihipuan! !@#&!@# sila!
    aayain pa sa labas!
    di ko kayang sikmurain,..
    naaawa ako,..
    gusto ko mang suntukin mga hapon n manyak n yan! wala ako magawa,.. naaawa ako,. kasi ayaw din nila ng ginagawa nila,..pero kailangan!
    SANA!!! MAGBAGO NA ANG PILIPINAS!!
    AYAW KONG MINSAN SA PAG GISING KO!
    ANAK KO NAMAN ANG MAGIGING JAPAYUKI!
    ipag papatuloi ko pag aaral ko ng doctor!!!!

    Like

    • NEIL LORD GUITANG ay nagsasabing:

      mahirap nga talaga ang trabaho ng mga Japayuki kaya naman ginawa ko ang artikulong ito para sa kanila. Kinikilala ko ang kanilang mga pagsisikap para makapaghanapbuhay. Dapat natin silang bigyan ng respeto at alisin ang pagtatatak sa kanilang trabaho na ito ay marumi sapagkat ang totoo, kung may kakayahan lang silang huwag sumabak sa ganito kahirap na trabaho, hindi sila susuong dito. Salamat kaibigan sa iyong ideya.

      Like

      • Lily ay nagsasabing:

        Hmmmm di ba dapat hindi lang japayuki?
        Oo nga nakakaawa sila.
        At yung iba pumapayag na makipg S*x sa mga hapon para mas dumami or lumaki ang kita…kaya nga halos karamihan din sa kanila nagkakaasawa ng hapon, pag nasa pinas na pupunta ang hapon at imeet nila.

        Pero hindi ba mas nakakaawa yung MGA GRO dito sa pinas?

        Kumpara sa mga japayuki mas maliit ang sahod nila.

        Mas malala pa dahil kailangan lagi silang magpa bar fine para kumita ng maayos.
        Araw- araw iba-ibang lalaki ang kailangan nilang paligayahin para lang magkapera..

        Pero ano?
        Ang tingin sa kanila mababang uri,
        Binabastos
        Pinangdidirihan…

        Eh yung mga japayuki…
        Sino ba nakakaalam ng nangyayari sa kanila sa japan?
        Makukwento ba nila sa mga kamag-anak nila, magulang nila or kaibigan ang nangyayari sa kanila don?
        Malamang hindi diba?
        Karamihan sa kanila nagpapa barfine din para malaki ang kita . Pero yung iba hindi..

        Pero ang japayuki oo nga ganun nga ang tingin sa kanila

        Pero kumpara sa GRO sa pinas mas ginagalang naman sila.
        Mas sosyal ang tingin dahil nga mas malaki ang pera.

        Diba mas kawawa yung mga GRO satin

        Like

      • Cris ay nagsasabing:

        Kamusta naman ang impresyon ng mga Hapon sa mga Pilipina? Mababa ang tingin nila satin. Kabisado rin nila ang flag natin kasi nakadikit ito sa mga club nila. Parehas lang ang trabaho nila sa mga gro satin. Lumalabas din sila para sa dagdag kita. Bakit pinayagan ng gobyerno natin na magkaganito ang ating mga kababayan sa pag payag nila na magpadala ng mga entertainers kuno pero karamihan ay mga prosti?

        Like

    • Doctora kathy yamakura ay nagsasabing:

      So by this time its year 2016, are you a doctor now?yung nilalait mong japayuki after all this year,look at me now, Im a degree holder, and respected Doctor of Dentistry, and board passer. tsaka mga kasamahan kong japayukis mga virgin,half of them ,kasali na ako dun, Ive got all my salaried money, Ive got house and lot, at ofcourse tapos nang college ang mga apat kong kapatid , at lahat nasa America, one lawyer, one teacher, one nurse, and bunso is architect,so now tell me, what you have got ? pumunta ka sana nang japan, pra makita mo kung ano ang trabaho namin.Before you keep your big mouth shut up!

      Like

      • sofia manduan ay nagsasabing:

        Hi Doctora!! Sa totoo lang, nais kong magtrabaho sa japan. Hindi ko man alam kung paano ang makipagsapalaran doon, kailangan. Gusto ko kasing matapos yung ititigil ko sanang krso, may problema kasi ako. And to be honest, once naisip ko yung usual misinterpretation ng tao sa mga entertainers doon. Doctora, as a person here who pursued her dreams (just as I am really planning to do) I need your urgent help and advise. Sana po magreply kayo or just contact me by mail sofiamanduan@gmail.com. I am really looking forward for a minute of your life. Sana po makatulong kayo. Salamat po!!

        Like

      • Chris ay nagsasabing:

        Good for you. Pero hindi lahat ay katulad mo at marami ang nagpakababa para lang sa salapi. Pwede naman na ang mga babae natin ay ipasok ng japan sa mga pabrika nila pero bakit sa ganitong trabaho ay pumayag ang gobyerno natin. Mababang uri ng trabaho ito balibaliktarin mo man. Wag mong sabihin na wala kang kasamahan na nagpapabayad kapalit ng sex. Magpakatotoo lang po. Kaya nga nga nagsumikap na maging dentista dahil marangal ito kahit mas mataas ang kita ng japayuki sayo.

        Like

  3. Erica Juico Tiongson ay nagsasabing:

    Erica Juico Tiongson

    Like

  4. sunday ay nagsasabing:

    mas nakakaawa nman yung mga taong nanghuhusga purki ba japayuki ibig sbihin nagbebenta na ng aliw sa japan.kung kayo Kaya pumunta sa japan at ng mlaman nyo kng paano sila mag trabaho doon.pilipino tlga wla ng ibang nkita kundi ung kapwa nila kya hanggang ngayun pobre prin sa buhay.mas nkakaawa nga yung mga GRO sa pinas sa Japan ang mga pilipina

    Like

  5. sundayb ay nagsasabing:

    mas kawawa ang mga GRO sa pilipinas kesa sa nag Japan atleast ang mga nag jajapan nag iintertain lng at nagtitimpla ng alak ng customer sumahod nag ng 70000tw everynight sosyal diba?

    Like

  6. mary jane ay nagsasabing:

    JAPAYUKI MAN O GRO..PARE PAREHO LAN GUSTONG MAKATULONG SA MGA PAMILYA YAN….di lahat ng japayuki nangungurakot o nag bebenta ng laman..at di lahat ng GRO sa pinas ganun din…mga tao pa rin sila na kahit anong pasukin trabaho kailangan pa rin ng respeto sa kapwa…e yun mga nasa gobyerno na nanungkulan e e mas mga hayop ang ugaling nakatago e..pustahan tayo sila pa mga rapist at magnanakaw ng bansa..pero …sinasaluduhan ng mga gago!!1..comment lan po

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s