Marami ang nabahala ng pumutok ang balita sa buong mundo ukol sa nakamamatay na virus na AH1N1. Isa ang Pilipinas sa mga natamaan ng nasabing nakamamatay na sakit. Nakapasok ang AH1N1 sa Pilipinas ng ang isang sampung-taong gulang na babaeng bata ang umuwi sa Pilipinas galing sa North America noong Mayo 2009. Ito ay kinumpirma mismo ni Health Secretary Francisco Duque sa isang international health conference sa World Health Organization (WHO).

Nagtala ang Pilipinas ng mahigit 2,600 na kumpirmadong kaso ng AH1N1 noong July 2009 dalawang buwan pagkatapos makapasok sa bansa ang naturang virus. Sa kabutihang palad, tatlo lamang ang naitalang namatay ng buwan ding iyon sa kabila ng napakataas na kaso ng naturang sakit.

Umabot sa Phase 6 o Pandemic Level ang naturang epidemya na nagpapahiwatig na kanyang bangis at bilis ng pagkalat. Nagiging Pandemic Level ang isang virus kapag kumalat ito sa mahigit dalawang bansa. Ayon sa World Health Organization, kumalat sa mahigit 200 bansa sa buong mundo ang naturang virus.

Marami ang natakot at nabahala lalo ng malaman mula sa balita sa radyo at telebisyon na hindi pala sapat ang suplay ng AH1N1 vaccine sa Pilipinas. Lalo pang uminit ang ulo ng marami ng malaman na hindi sapat ang kahandaan ng gobyerno sa pagsugpo sa naturang sakit. Kaya naman hindi nakapagtataka kung gayon na lamang naging kabilis ang pagkalat ng sakit sa buong bansa.

Marami din ang naantalang aktibidad sa buong bansa dahil sa naturang sakit. Hindi lamang isang beses nasuspende ang mga klase, trabaho, at negosyo kundi higit sa dalawang beses ang mga suspensyon. Umaabot ng isang linggo ang bawat suspensyon. Kaya naman marami ang hindi natuwa lalong lalo na sa mga magulang na nagbayad ng napakamahal na tuition fee sa paaralan. Ginawa ang mga suspensyong iyon upang i-quarantine ang mga carriers ng AH1N1 virus.

Dahil sa bagsik ng naturang virus, itinuring ng World Health Organization (WHO) ang AH1N1 bilang “the first flu pandemic of the 21st Century. ” Ayon sa WHO, naitala ang pinakaunang Pandemic Level Virus noong 1968 at nasundan ito ng AH1N1 ngayong taong 2009. “This is a very important and challenging day for all of us. It is important because we will be raising our pandemic alert level to level 6,” WHO Director-General Dr. Margaret Chan told reporters on a teleconference.

Sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo 2009, nagtala ang WHO ng 29,669 na kumpirmadong kaso ng AH1N1 Virus sa buong mundo. Patunay ito na ang AH1N1 at ang taong 2009 ay magiging isang malaking bahagi ng kasaysayan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s