Naturuan ka bang mabuti sa iyong pagkabata?

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong

Naniniwala ako na ang magandang ugali ng isang tao ay naguumpisa sa magandang ugali na natutunanan mula pagkabata. Ang isang batang naturuan ng maaga ng mga mabubuting ugali ay lumalaki na isang responsable at disiplinadong mamamayan balang araw. Ito ay simpleng prinsipyo na madalas hindi natin nakikita at nabibigyang pansin kaya naman marami sa ating mga kabataan ngayon
ang salat sa mga mabubuting pag-uugali na dapat ay itinuturo ng kanilang mga magulang at nakatatandang kapwa-tao mula pa sa kanilang pagkabata.

Ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming disiplina at mabubuting ugali na hindi natin nabibigyang pansin:

1. MALIIT NA BASURA, ITAPON NG TAMA.

Meron kaming maliit na tindahan at madalas kong makita ang mga bata na kung saan-saan itinatapon ang pinagbalatan nila ng kendi, chichiriya, ice candy at balat ng bubble gum. Hindi ko matiis na hindi sila pagsabihan at turuan sila na itapon sa tamang basurahan ang kanilang mga kalat. Pinagtitiyagaan kong paulit-ulit na pagsabihan sila na itapon sa tamang basurahan at hindi sa kanal ang kanilang mga pinagbalatan.  Maging ang aking mga pamangkin ay hindi ko hinahayaang makalakihan nila ang hindi pagtapon sa tamang basurahan ng kanilang mga kalat.

Minsan nakasakay ako sa jeep papuntang eskuwelahan noong ako’y nag-aaral pa sa Baguio ng makita ko ang isang bata na walang  humpay sa pagtatapon ng pinagbalatan niya ng kanyang kinakain na nilagang mani sa bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero sigurado ako hindi tama ang ginagawa ng bata. Ang tanging nasabi ko na lang sa ina niya na katabi ko sa loob ng sasakyan, “Habang tumatagal, dumudumi na ang Baguio noh? Ang mga tao ngayon kung saan-saan nagtatapon ng basura”. Awa ng Dios, nagets naman niya kaagad ang aking sinabi at kinalabit ang kanyang anak na itigil ang ginagawang pagtapon ng pinagbalatan ng nilagang mani.

Maging tayong mga nasa wastong gulang na ay dapat tayo ang mauna sa ganitong simpleng disiplina. Ugaliin nating ibulsa muna ang maliliit na basura at itapon ito sa tamang basurahan sa ating mga tahanan. Malaking tulong ito sa ating komunidad at sa ating kapaligiran.

2. HUWAG SAYANGIN ANG PAGKAIN.
“Maraming bata ang hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Masuwerte ka at nakakakain ka ng agahan, tanghalian at hapunan – may kasama pang dalawang meryenda sa maghapon.” Ito ang madalas na ipaalala natin sa ating mga maliliit na chikiting kapag hindi sila kumakain ng maayos o hindi nila inuubos ang kanilang mga pagkain sa kanilang pinggan.  Matiyaga din nating tinuturuan silang huwag maghulog ng kanin sa gilid ng kanilang mga pinggan kapag sila ay kumakain.

Minsan kumain kami sa Mang Inasal kasama ang dalawa kong pamangkin at ang aking ina. Palibhasa’y mga bata pa ang dalawa naming chikiting ay hindi pa makontrol ang mga kamay sa tamang paghawak ng kutsara at tinidor. Napapansin ko na may mga nahuhulog na mga kanin sa gilid ng kanilang pinggan kaya naman pinagtitiyagaan kong pulutin ito ang mga ito ng tissue. Naisip ko na ipapulot ang bawat butil ng kanin na mahuhulog sa kanilang pinggan. Dahil sa matiyaga akong bantayan ang bawat kanin na mahuhulog, madalas silang magpulot. Hanggang sa nakuha na nila ang mensahe ng ginagawa ko sa kanila. Sa katagalan natuto din ang dalawa na kumain na walang nahuhulog na pagkain sa kanilang mga pinggan.

3. ANG SIMPLENG PUSTAHAN, SA KALAUNAN MAGIGING SUGAL.
Isang tipikal na laro sa mga bata ang teks, tatsing, kara-kross at spiderfight. Sabi nga, nagsimula sa pasubok-subok. Sa kalaunan ang simpleng mga teks magiging baraha na. Ang simpleng tatsing magiging pustahan na. Ang simpleng kara-kross ay sugal na.

Hindi ako tutol sa mga larong ito. Ang katunayan nga, ako din naman ay dumaan sa ganitong mga laro. Magaling ako noon sa pakikipaglaro sa teks at magaling din akong humingi ng pambili ng teks sa aking mga magulang. Umabot din ako sa puntong bumibili ako ng gagamba sa aking mga kaibigan upang ilaban sa isang duwelo ng gagamba o spiderfight kung tawagin. Madalas
akong matalo, at sayang ang perang pinambili ko. Ang perang yun ay galing sa aking mga magulang.

Marahil sa puntong ito, nakukuha niyo na ang aking ibig ipahiwatig. Oo ang simpleng mga larong ito ng mga bata ay ginagamitan ng salapi – pera ng mga magulang. Hindi natin nauunawaan na ang simpleng katuwaang ito ng mga bata ay isang sanga at elemento ng sugal. Simpleng sugal man, pero kalalakihan nila ito balang araw. Tamang gabay, ito lang naman ang kailangan. Huwag natin hayaan na ang mga simpleng larong ito ay kalalakihan nilang isang sugal. Alalahanin natin na pera natin ang kanilang ginagamit upang matututong makipagpustahan. Ika nga, tamang gabay lang. Sapagkat sila’y mga bata, nagkakatuwaan lang.

4. WAG NATIN KALIMUTAN ANG “PO AT OPO”
Mula pagkabata ng aking mga pamangkin, sinanay namin sila sa pagsasabi ng “po” at “opo” sa sinumang nakatatanda sa kanila kapag sila’y nakikipagusap. Naniniwala kami na ang pagsasabi ng po at opo ay simula ng disiplina sa “paggalang sa mga nakakatanda.” Ito rin ang simula ng kanilang pagkatuto sa tamang pagsunod sa gabay ng mga nakakatanda.

Madalas maraming mga bata ang bumibili sa aming tindahan na hindi marunong mag-po at opo. Hindi kami sanay na makarinig sa mga bata ng ganitong pakikipagusap. Para baga ay wala silang galang sa mga nakakatanda, kaya naman kahit sandali lang ay ipinaaalala namin sa kanila ang pagsasabi ng po at opo. Sa bawat batang bumibili sa amin na hindi marunong magsabi ng po at opo, sinasabihan namin sila na dapat marunong silang magsabi ng po at opo sa mas matanda sa kanila. Sa katagalan, napapansin namin na ang mga batang dati ay hindi marunong mag-po at opo, ngayon ay marunong ng magsabi ng tanda ng paggalang – ang PO at OPO.

5. UMUWI BAGO MAGTAKIP-SILIM.
Ang batang hindi naturuang umuwi ng maaga paglaki – LABOY! Ang pag-uwi ng maaga sa aming bahay pagkagaling sa paaralan ang isa sa mabubuting ugali na natutunan namin mula pagkabata sa aming mga magulang. Pagkatapos ng eskuwela, diretso kami uwi at hindi na kami naglalaboy pa. Nagagawa namin ito sapagkat mula pa pagkabata’y nasa loob na kami ng aming mga bahay bago pa man dumilim sa labas.

Madalas kaming makakita ng mga bata sa paligid na nagagawa pang maglaro sa labas kahit madilim na. Hindi na kami magtataka kung balang araw magiging problema sila ng kanilang mga magulang sa kanilang walang humpay na paglalaboy at paguwi ng dis-oras ng gabi. Sila rin ang mga batang magiging tambay sa mga kalyeng madilim at gumagawa ng kababalaghan. Sila rin ang mga batang balang-araw ay magiging problema ng mga tanod sa paglabag sa batas curfew.

Ang mga simpleng ugali at disiplinang ito ang dapat maipamana natin sa mga bata higit sa kagustuhan natin na mapag-aral sila. Ang disiplina at mabubuting ugali ay nagsisimula sa loob ng tahanan. Ang mga magulang ang pangunahing dapat magturo sa mga bata ng ganitong mga disiplina at huwag iasa ito sa mga guro sa paaralan. Sapagkat ang mga ito ay hindi natututunan sa paaralan kundi sa loob ng tahanan.

Simple man, pero sa tingin ko dapat isama ng mga pulitiko sa kanilang mga plataporma ang edukasyon para sa tamang disiplina at pag-uugali sa mga bata. Isama nila sa kanilang mga programa ang plano ukol sa pagpapalaki sa mga bata sapagkat sa tingin ko, ang pag-unlad ng Pilipinas ay makakamit kapag ang bawat mamamayan ay may tamang disiplina at pag-uugali.

Kung ang bansang Korea ay nagagawang turuan ang kanilang mga batang mamamayan upang maging sundalo paglaki, hindi ba’t kaya rin dapat natin turuan ang ating mga batang mamamayan na maging sundalo ng disiplina at tamang pag-uugali?

Advertisements

8 thoughts on “Naturuan ka bang mabuti sa iyong pagkabata?

    1. salamat sa suporta sa aking adhikain. naniniwala ako na sa mga bata dapat natin umpisahan ang tunay na pagbabago. sapagkat sila ang susunod na magtataguyod ng ating lahi. pero syempre ano ang ituturo nating mabuti kung tayo mismong mga nakakatanda ay walang disiplina at magandang pag-uugali?

      Like

  1. mr. neil lord guitang,,,how are you?i hope that everythng is fine to you…i just want to ask your consent to use your articles/philosophies as my topic to my values education subject…i’m an education student and now having an on-the-job-training..values education is not my major and if i’m not mistaken,,nobody majors values education and it is also not being offered in schools,,for they believed that anyone can teach values education…the supossedly teacher in values education is in maternal leave and the school principal gave me her responsibilty..my problem now is i really don’t know what are the things i should teach to my student,,blessing in disguise i found your blogsite,,,i know it will somehow help me to fix my dilemma…i just hope that you will gonna allow me to use your ideas….many thanks in advance and always take care.

    Like

    1. Thank you for choosing my blogsite as one of your reference in teaching. My blogsite is available to anyone who believes it as a useful reference and tool in any purpose. Thank you for asking for my consent and I greatly appreciate it. Needless to say, I allow you to use my blogsite for your vital purpose. Goodluck to your teaching career.

      Mr. Neil Lord V. Guitang Creator and Developer of Blog Ong

      Like

  2. thanks for allowing me to utilize your knowledge…ahm,,,BTW can i ask what’s the difference between wordpress and blogspot??are they essentially different to each other or have the same purpose & usage??i’m a bit confused…hope you can explain it ‘coz i’m planning to create my own blogsite and i’m so torn where to create an account,,,at wordpress or blogspot??

    Like

    1. Greetings!

      WordPress and Blogspot are basically the same in terms of their purpose and objectives. They are two of the most popular blogsites in the web. Actually I have blog account in both sites. You may want to visit each of them. In blogspot >>> BLOG ONG In wordpress >> BLOG ONG

      I can recommend each of them with no hesitation because both of them are easy to use and easy to understand. In terms of readers, I believe wordpress writers are more active than blogspot writers. But if you want to get something out of your articles, you may try blogspot and utilize their Google Ads for money. Finally, you may want to create your own account in each of them to cater to a wider scope of readers. Hope this helps you.

      NEIL LORD GUITANG Creator and Developer of Blog Ong

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s