“Ignorance of the law, excuses no one” ito ang madalas nating sabihin at madalas na marinig. Ngunit alam mo ba na maaaring nakalabag ka na ng isang batas ng hindi mo pa nalalaman? Yun ay kung hindi mo pa alam ang tungkol sa Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law.

Ano ang batas na ito?
Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang PAMAMALIMOS AT MAGPALIMOS.

Bakit ginawa ang batas na ito?
Ang Mendicancy o Pamamalimos ay nanganganak ng krimen, nagiging dahilan ng trapiko sa pampublikong mga kalsada, nakakasama sa kalusugan ng mga mamamayan (gawa ng mga  madungis na namamalimos at maaaring may taglay na sakit), at nakakasira ng dignidad ng mga taong ginagamit ng mga sindikato sa pamamalimos. Kaya naman ginawa ng dating pangulong Marcos ang batas na ito upang supilin ang talamak na pamamalimos ng mga pulubi sa lansangan.

Sino ang isang mendicant o namamalimos at neglected child o pinabayaang bata?
Ang mendicant o namamalimos ay sinumang tao na walang hayag at legal na suporta o trabaho, ngunit may kakayahang maghanapbuhay, at ginagamit ang paghingi ng pera, solisitasyon, o pamamalimos bilang hanapbuhay.

Ang sinumang sanggol o bata, walong taong gulang pababa, na namamalimos o ginagamit ng isang indibidwal (tulad ng magulang, kamag-anak, o sindikato) sa pamamalimos ay tinitignan ng batas bilang isang “neglected child” o pinabayaang bata.

Sino ang saklaw ng batas na ito?
Saklaw ng batas na ito ang mga taong namamalimos, nagpapalimos at mga taong ginagawang hanapbuhay ang pamamalimos tulad ng mga sindikato at mga magulang o kamag-anak ng mga batang ginagamit sa pamamalimos.

Ano ang parusa sa namamalimos?
Ang isang mendicant, pagkatapos patawan ng desisyon sa hukuman, ay dapat patawan ng multa ng hindi tataas sa P500.00, pagkakabilanggo ng hindi lalampas ng dalawang taon, o pareho.

Ang sinumang namamalimos na dati ng napatawan ng parusa na nasa itaas ay tinatawag na habitual mendicant at mapapatawan ng parusa doble ng nasa itaas. P1,000 at pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa apat na taon.

Ang sinumang bata na namamalimos at ginagamit sa pamamalimos ay dapat hulihin ng mga awtoridad at ilagak sa pangangalaga ng Department of Social Service and Development o Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ano ang parusa sa nagbibigay ng limos?
Ang sinumang tao na magbibigay ng limos ay magbabayad ng hindi hihigit sa P20.00 sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas na ito.

Kung uunawain…
Kung titignan nating mabuti, ang layunin ng batas na ito ay mabuti sapagkat kung tutuusin prinuprotektahan nito ang kapakanan ng mga namamalimos at nagpapalimos.

Una, kung titignan natin, madalas mga batang walang kamuwang-muwang ang namamalimos at ginagamit ng mga magulang o ng mga sindikato upang mamalimos. Hindi ba dapat nga talagang ipatupad ang batas na ito upang mapangalagaan ang mga batang biktima nito?

Pangalawa, hindi bat nakakainis minsan na makita ang mga namamalimos na mas malaki pa ang katawan kaysa sayo? At kung tutuusin e mas may kakayahan sana siyang maghanapbuhay kaysa sa iyo? Kaya naman tama rin ang batas na ito sapagkat hindi nito kinukunsinte ang pagiging tamad ng ilan nating mga mamamayan.

Panghuli, ang pamamalimos ay isang hanapbuhay ng mga sindikato. Hindi naman ang mga batang ginagamit sa pamamalimos ng mga sindikato ang nakikinabang sa kanilang mga nakuhang limos kundi kinukuha ito ng mga sindikatong may hawak sa kanila upang gamitin din ito sa iba pang operasyon tulad ng droga, prostitusyon, at krimen.

Bente pesos lang pala eh…
Maaaring natawa ka sa parusang ipinapataw sa mga namamalimos sapagkat bente pesos lang ito. Ngunit kung iisipin mo, ang batas na ito ay ginawa pa sa panahon ni Marcos at ang bente pesos noon ay isang malaking halaga na. E di mas lalo na sa parusang P500 o P1,000 para sa mga namamalimos. Huwag sana nating tignan ang mga halagang ito kundi ang layunin ng batas.

Isipin na lang nating lahat na, WALANG NAMAMALIMOS KUNG WALANG NAGPAPALIMOS.  Kung hindi tayo nagbibigay ng limos, nakasunod na tayo sa batas, natulungan pa natin ang ating kapwa.

Advertisements

22 responses »

  1. lolosikat ay nagsasabing:

    kaya ayokong nagpapalimos dahil hindi ko kung ano meron sa likod nila. Kung sana lang naging mas responsable ang mga magulang nila.

    Like

  2. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    napaka-informative!

    ako rin lagi akong nag-iisip kung dapat ba talagang limusan ang mga ito. although alam ko na baka may batas na nagbabawaldito na nabasa ko noon sa may bandang UST.

    pero now, because sa info mo dapat ngan hindi.

    http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2008/01/22/professional-pulubi%E2%80%A6/

    Like

  3. martincarneo ay nagsasabing:

    ako hindi na ako nagpapalimos. minsan kasi sindikato lang yan. nabiktima na nga ako ng budol budol. nakuha cellphone ko ng isang babaeng namamalimos ng hindi ko namamalayan.

    Like

  4. […] similarly struggling Filipinos, and the fact that many of them belong to syndicates, as this article points […]

    Like

  5. Rai Miranda ay nagsasabing:

    Mabuti kung lahat alipores ng sindikato … panu kung hindi? Panu kung anghel yun na nagbalatkayo upang subukan ang kalinisan ng ating puso—? (Hebrews 13:1) The laws of man may be beneficient—but GOD’s laws are GREATER. Or would you like to have Christ say to you one day: “Namalimos ako pero di mo ako binigyan kasi napagkamalan mo Akong sindikato …” Nakiinom ako di mo ako pinagbigyan …” What would YOU say when He tells you: Out of My sight one day? (Matthew 25:31-46). Remember, THIS life is NOT all we have—there is the afterlife—so do what you think is BEST today—as long as you are PREPARED for the consequences of your actions HEREAFTER.

    So between the laws of men and GOD …

    Choose Wisely,
    Rai

    Like

    • markus ay nagsasabing:

      kung naawa ka. and you’re in favor of God. edi kupkupin mo sila. wala kang tulong na nabibigay sa kanila just by giving them small amount of money. better yet — kupkupin sila ng mga awtoridad at maiwan sa kanilang pangangalaga. dura lex.

      Like

  6. Rai Miranda ay nagsasabing:

    Happy Valentines Day pala … I pray that your hearts will be filled with GOD’s love and compassion even to your enemies. And if we are to show love to enemies—how much more to the poor?

    Think about it.

    God BLESS You!

    Like

  7. markus ay nagsasabing:

    Ganun naman pala, bakit walang nahuhuli. talamak kaya at nagkalat ang mga nanmamalimos sa mga lansangan, lrt, sa paligid ng mga fastfoods, sa hospital, sa eskwelahan, sa tulay, sa jeep, sa iskwater areas at sa maraming lugar sa kamaynilaan.

    gamitin sana ang media tulad ng “tv at radyo” para sa lalong pag papairal ng batas na ito, layuning maipa-alala sa taong bayan ang kahalagan at kabutihan nito.
    nakakalimot at higit sa lahat walang alam ang karamihan hingil sa dito.

    mga pulis nga mismo. nilalampasan lang tong mga namamalimos. kapag aakyat ka o baba sa lrt, halos matapakan mo na ang naghigaang mag-ina na namamalimos. nasaan ang kontribusyon natin bilang mamamayan? neglected child? madami nyan sa atin. may ginagawa ba tayo? wala.

    para sa akin, maganda talaga tong batas na ito. pagtuunan sana ng ating kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ng ating Presidente Noynoy Aquino. simulan ang pagbabago.

    Like

  8. markus ay nagsasabing:

    Ganun naman pala, bakit walang nahuhuli. Talamak kaya at nagkalat ang mga nanlilimos sa mga lansangan, lrt, sa paligid ng mga fastfoods, sa hospital, sa eskwelahan, sa tulay, sa jeep, sa iskwater areas at sa maraming lugar sa kamaynilaan.

    gamitin sana ang media tulad ng “tv at radyo” para sa lalong pag papairal ng batas na ito, layuning maipa-alala sa taong bayan ang kahalagan at kabutihan nito. nakakalimot at higit sa lahat walang alam ang karamihan hingil dito.

    mga pulis nga mismo. nilalampasan lang tong mga namamalimos. kapag aakyat ka o baba sa lrt, halos matapakan mo na ang naghigaang mag-ina na namamalimos. nasaan ang kontribusyon natin bilang mamamayan? neglected child? madami nyan sa atin. may ginagawa ba tayo? wala.

    para sa akin, maganda talaga tong batas na ito. pagtuunan sana ng ating kasalukuyang administrasyon sa pangunguna ng ating Presidente Noynoy Aquino. simulan ang pagbabago.

    Like

  9. yang ay nagsasabing:

    Nagsearch ako tungkol sa batas ng ito dahil tulad ng nakakarami di rin ako pamilyar sa batas na ito, my nbasa lng ako noon sa my lrt2.

    Kahapon kasi yung mga kapwa estyudanteng ksabay nmin sa pila sa jeep, nilimusan ng 2 bata malaki na yung isang bata mga edad 14 at ung isa mga edad 10. wala nang nagawa ung mga estyudante kasi hinawakan na nung bata ung pagkain nila sabay sabing akin nlng to ate. Sa may cubao ito malapit sa farmers.

    Sobrang dami nila doon sa overpass, kalsada, etc. Nakakabahala lng dahil nkakasanayan na ito ng mga mendicants at ngging ugat nrin sila ng krimen (many to mention), at nakakalungkot dahil kung titignan ntin may batas nga ukol dito, ngunit di naman napapairal.

    Like

  10. Yukari Madiguid ay nagsasabing:

    There’s this little boy who quickly approached me and arrogantly poked my arm saying ” Ate! Ate! Pahinging piso.” “Pahinging piso.” I just ignored him and thought to myself why the hell on earth am I going to give him money?! 😤 but then He is still eagerly following to my direction. He even tried to do the same thing to my older sister. Then suddenly a man saw what the kid was doing and said loudly “oi! Bawal mamalimos!” with an angry look. And the kid hurriedly ran away. This middle age Man was their sitting along the gasoline station and beside him was a dirty white sack. Looking like a beggar Himself uttering the words “.. Bawal mamalimos!”. At first i thought he was with this kid but when i heard him uttered those words I considered him one of the good strangers within this Country that is full of lazy people . He is a man with a genius critical thinking . 😊
    The little boy was even wearing a nice clothes , but just a little bit dirty and from his tone of speaking and he’s manner shows that he isn’t from Baguio City. It’s very saddening that many Filipino children are growing up trained by their very own parents to just beg for money and food -.- and it is more seriously alarming because they are still increasing in numbers . 😦
    Oh, well by the way i was lucky to be blessed with a 25 centavo before i meet the kid. I happily found it along Burnham park’s fountain area hahaha ^.~ I was just thinking am i suppose to give the 25 centavo to that street kid hahaha., o.O weeeh ? 😝

    ******
    Very informative po ! ^.^
    I’ll be sharing your link on my fb wall . Please ^.^ I hope it would not do any harm sharing your blog address (>‿◠)✌THANK YOU ! ^.^

    Like

  11. randell ay nagsasabing:

    pano kung naaksidente nadala sa private hospital walang trabaho at mahirap lamang lahat kamag anak babayaran ba ng gobyerno or na terminate sa trabaho kailangan na ilabas wala pera

    Like

  12. Hi

    I was researching on the Anti-Mendicancy Law and was looking for a summary/explanation of it and happen to come across two posts with the EXACT SAME CONTENT
    I just want to know if you run this blog as well or if you own that blog and run this: https://ksuperioridad.wordpress.com/2011/01/23/alam-mo-na-ba-ang-anti-mendicancy-law/

    If that blog isn’t yours, the guy is violating copyright laws and should be sued because it was a copy-paste post without giving credit to the original author.
    .. unless you’re the one who copy-pasted shit and didn’t credit the guy, then YOU should be sued.

    Anyway, thanks for the post, though.

    Like

  13. rezure ay nagsasabing:

    panu nmn ung matatanda na uugud ugud na?kasama parin ba un?kasama parin ba un sa law na yan?

    Like

  14. Primo ay nagsasabing:

    Hi! I would like to ask if pera lang ba ang bawal sa mendicancy law? Pwede ba magbigay ng pagkain at damit sa mga namamalimos? Thank you very much.

    Like

  15. joshsanz ay nagsasabing:

    Gusto ko lang ipaalam sa author nito na may nagplagiarised ng blog mo. Heto po ang link. http://pinoywap.org/viewtopic-494-1 Sana mapatawanan ng ng kaukulang parusa yung komopya ng article mo ng walang pahintulot.

    Like

    • BLOG ONG ay nagsasabing:

      Hi joshsanz, sorry ngayon lang ako naka-reply sa comment mo. Been a while since I last visited my blog. Been busy with some things.

      I really appreciate your comment about someone who plagiarized my blog. Pinuntahan ko yung link na ibinigay mo and really, kinopya yung post ko. What he said about why he was not able to cite the author is because wala daw yung name ko sa article. Anyway, ill find time to talk to the person and give him a chance to at least put my name or my blog name in his post. Sometimes people do commit mistakes di ba and it is sometimes best to forgive. Salamat joshanz for your concern.

      Like

  16. tina ay nagsasabing:

    great article..nakasalin sa tagalog..

    Like

  17. tina ay nagsasabing:

    sir..can we use this for our anti mendicancy ad for the local community?this will be very helpful as info to the public.cannot write it any better than you have done so.thank you

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s