Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.

PINOY KA KUNG…
1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Marami pang puwedeng ilagay na Pinoy ka kung… na eksena. Pero inilalaan ko na ito sa iyo. Kung meron akong hindi nabanggit pwede mo itong ilagay bilang iyong komento sa ibaba. Ipagmalaki ang lahing Pinoy!

Advertisements

26 responses »

  1. rllqph ay nagsasabing:

    50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

    – aw.. i object!

    Like

  2. papa Lar ay nagsasabing:

    > ahehehe genyan nga ang pinoy nung kapanahunan ng lola ko ^_~ meron pa rin naman atang genyan ngeun

    Like

  3. gudang ay nagsasabing:

    I’M CERTIFIED TOP PINOY! πŸ™‚ ahahaha. πŸ˜€

    Like

  4. aubu22 ay nagsasabing:

    I second the motion!hehe

    Like

  5. kayedee ay nagsasabing:

    nkangiti aq habang binabasa q ito haha.
    wla n cguro aq ma-iaad nsbi u n lht! heheh..

    Like

  6. sarang ay nagsasabing:

    nagtatago ka habang may kinakain dahil baka agawan ka ng iyong mga kapatid.
    ”nangungupit ka ng pera sa tindihan o kaya’y sa wallet ng nanay mo.
    ”mahilig ka humithit ng sigarilyo sa iba,kagaya nalang ng friends mo o kahit sinong kakilala mo dahil walang kang pambili.
    ”nangangatwiran ka kahit alam mong tama sila..
    ”mahilig kang manukso at mambansag ng tao kahit may kapansanan ito..
    ”tumutungga ka ng alak sa umaga.
    ”nakikipaglamay ka sa hindi mo kamag-anak o kakilala dahil habol mo lang ay libreng kape,biscuit at pati narin mg-tongits..ang tawg d2 sa iba ay coffee party.

    hehe marami pa akong naiisip..

    Like

  7. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    guilty ako sa no. 12. hahaha kahit partida may el niΓ±o. wahahaha

    oo mayroon kaming last supper at malaing tinidor sa kusina.

    pero ikinakatuwa ko ay marami ang namimili ng mamahaling muwebles, plato at kubyertos pero ibinuburo lang. ilalabas lang yun pag may bisita.

    at maraming ginagamit na pambayhay ang butas-butas na damit. wahaha

    mabuhay!

    Like

  8. neil ay nagsasabing:

    Haha! nakakatuwa. very nice list! πŸ˜€

    Like

  9. geylii ay nagsasabing:

    haha pinoy ako πŸ™‚

    Like

  10. Eva elizalde ay nagsasabing:

    La me masbi lahat ng nbngit sapol tau dhl pinoy tau..

    Like

  11. krissa ay nagsasabing:

    nakaka-inis ang #46 – ang kalat talaga kaya mukhang basura ang loob ng bus

    add sa list:

    takot ka sa init kaya kahit notebook or pamaypay ay inilalagay mo sa ulo mo para hindi ka mainitan ng kahit katiting lang.

    Like

  12. jeffrey ay nagsasabing:

    pinoy ka kung may bumbay na humahabol sayo hahaha! find jeffrey vallarta on facebook.com

    Like

  13. jeffrey ay nagsasabing:

    pinoy ka kung suot mo na ang damit ng kapatid mo bago mo pa hiramin ito

    Like

  14. pinoy ka kung inuulam mo ang saging or asukal o di kaya toyo at mantika sa kanin. yan ang larawan ng tunay na pinoy.

    Like

  15. andrea ay nagsasabing:

    Pinoy ka kung … mahilig ka makipag away .. haha …

    Like

  16. allen ay nagsasabing:

    pinoy ka kung naniniwala ka sa kapre..

    Like

  17. Lex Eugene ay nagsasabing:

    Pinoy ka kung mahilig ka sa pamahiin, Nice Blog Site!

    Like

  18. Demit Dexter DexLyn ay nagsasabing:

    para sa mga lalaki pinoy ka kung lagi kang nag kakambyo hinihila pataas para hindi lumaylay ang junior mo . . . . . .

    peace ?

    Like

  19. Demit Dexter DexLyn ay nagsasabing:

    mahilig mang hugot nang panti mo at breaf mo sa likud kung bumababa na ito ?

    Like

  20. Demit Dexter DexLyn ay nagsasabing:

    mahilig kang mag bulsa nang candy sa patay ?

    mahilig kang domaan sa ptay pag madalig aray ?

    Like

  21. Demit Dexter DexLyn ay nagsasabing:

    mahilig kang pumunta sa ukasyun kahit hindi ka embitado ???

    pinoy ka kung may gagamba @ butiki sa bahay niyo,..diba”>?

    pinoy nuh
    kabat yoy boy andres alyas “tiga”

    ..tiga hugas,tiga laba,atbp. kabat u la??? a?

    Like

  22. Mark ay nagsasabing:

    51.kung sasabihn mu sa kasama mu anu yun(luming0n)tapus sabay lagay ng daliri sa may pisnge ng kasama pag ling0n ulit sapol sa il0ng!

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s