Bakit Hindi Natapos Ipinta si Mona Lisa?

Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!

Ang ‘Bakit Walang Kilay Si Mona Lisa’ ang isa sa pinakasikat na post ni Blog Ong. Aside from the also popular post na ‘Anti-Mendicancy Law: Alam mo ba ito?’.

Madami ang nagtatanong kay Blog Ong, bakit daw ba hindi natapos ipinta si Mona Lisa?

Dahil paralisado si Da Vinci nung panahong yun. Yan ang sagot. 

Paralisado ang kalahating katawan ni Da Vinci nung ipinipinta nya si Mona Lisa. Ang kaliwang kamay lamang nya ang nagagamit at hirap syang tumayo ng matagal. Bilang paralisado, limitado ang kanyang galaw nung mga panahong iyon. 

Isang Italalian academic, si Alessandro Vezzosi, ang nagsabi na ang pagkaparalisa ni Da Vinci ang magpapaliwanag kung bakit hindi natapos ipinta si Mona Lisa. 

Ang kondisyon ni Da Vinci ay tinatawag na Dupuytren’s disease, isang sakit kung saan ang palasingsingan at hinliliit na daliri ay naninigas.

Inumpisahan ni Da Vinci ipinta si Mona Lisa nung 1503 pero hindi nya ito natapos hanggang sa siya ay namatay noong May 2, 1519. 

Maraming teorya ang nagsasabi kung bakit itinago ni Da Vinci ang kanyang obra ng napakatagal; maaring dahil gandang ganda siya dito  at ayaw niyang makita ito ng ibang tao o dahil ayaw niya itong ipakita dahil hindi siya masyadong kuntento dito. 

Ayon kay Vezzosi, ang pagkaparalisa ni Da Vinci ang maaring dahilan kung bakit halos hindi na siya nagpipinta limang taon bago sya namatay. Ika niya, ito din ang dahilan kung bakit karamihan sa kanyang mga paintings ay naiwang hindi tapos.  

Advertisements

May Bumato sa Akin sa Boracay!

Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!

Ganito ang nangyari…

Bumibili kami ng bbq nung hapon na iyon. Mahal ang bbq sa Bora sa totoo lang. Ang isaw na limang piso lang sa kanto (sa tirahan namin sa Marikina noon) ay 15 pesos dito. Ang batikoleng na sampung piso lang ay 20. Ang betamax (dugo) ay kinse din. 😉😉😉 syempre di ako bumili nun. Bawal. 

So paano ako nabato?

Akala ko naumpog ako kung saan nun habang naglalakad ako ng biglang may tumama sa ulo ko. Akala ko nga tinamaan ako ng ligaw na bala galing Marawi eh ✌️✌️✌️. Ang sakit talaga. Hinihimas-himas ko yung ulo ko habang hinahanap kung saan ako naumpog o kung saan galing yung tumama sa ulo ko ng biglang may lumapit na Japanese sa akin. Babae. 🇯🇵 

“Arigato san! Himas-himaso ulo ulo san. Sakito sa ulo san.” 

Di ko maintindihan. Hehehehe. Tapos may inabot sya sa akin. Nakita nya siguro ako na hinahanap kung saan ako naumpog (di ko narealized na open space pala yun at hindi posible na maumpog ako). Yun daw tumama sa ulo ko. Bubot na bunga ng niyog. Binato ako mula sa langit. Pasalamat na lang ako at hindi malaking bunga ng niyog ang nahulog sa ulo ko. 

Pero masarap yung isaw. Kahit mahal. At kahit hindi ako nakatikim. 

STRIKE 3

Ako si BLOG ONG!, Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong, Kwentong Jeep!

STRIKE 1

Maganda ang gising ko kahit kulang ako sa tulog noong isang araw. Katulad ng dati, kailangan ko gumising ng maaga upang pumasok sa trabaho. Inat-inat, luto ng almusal, kain, ligo, bihis at ready na ako pumasok. (Fast-forward)

Nakasakay na ako ng jeep sa pilahan. Di pa man nakakaalis ang jeep na sinasakyan ko, ang init na agad ng ulo ni Mamang Driver. Pilit kasing ginagawang siyaman ang walohang jeep. Nagkataon pang may sumakay na 1 ½ ang sukat ng katawan, ayon uminit ang ulo ng driver kasi bumaba ang dalawang pasahero dahil ayaw nila masikip na masasakyan. Wala ng gustong pumasok, napilitang umalis ang jeep na kulang ang sakay. Walang nagawa ang sumisigaw ng Mamang Driver kundi umalis na kulang ang sakay, lahat ng sakay ay nagmamadali.

Umandar na ang jeep. Makalipas ang pitong minuto at limampung segundo na pagtakbo, pumara ang isang binatilyo. Maporma at mukhang maraming pera. Mukhang may date dahil nagmamadaling bumaba. Maya-maya pa ay sumigaw ang hot-tempered na Mamang Driver, “Hoy! Di ka pa nagbabayad!” Nagkamali pala ako ng akala sa porma ng binatilyo. Hindi umandar ang jeep hanggat hindi lumalapit yung binatilyo na noon ay nasa kabilang kalsada na. Nagtalo na ang dalawa sa gitna ng kalsada habang ang mga kasunod naming jeep ay naghuhumiyaw na sa lakas ng busina. Biglang umeksena ang isang pasahero sa likod at sinabing, “Nagbayad na yan kanina! Ano ba, late na kami!”

Hindi ko alam kung nagbayad ba talaga ang mapormang binatilyo o hindi sapagkat hindi ko nakita. Ang sabi ko na lang, “Strike 1!”

STRIKE 2

Umalis kami sa eksenang yun na mas lalong mainit ang ulo ng Mamang Driver. Panay ang salita ng kung anu-anong di masikmurang mga salita. Kung pwede lang niyang balikan yung binatilyo upang basagin ang mukha pero wala na siyang magawa kundi magmura.

Maya-maya pa ay biglang pumara ang tatlong mama na mukhang mga construction workers dahil sa itsura, damit, at amoy nila. Malayo-layo na rin pala ang tinatakbo namin mula sa mapormang binatilyo na inakusahang di nagbayad.

Nakababa na ang tatlong mama ng, “Mga gago kayo! Makita ko lang kayo sa pila sa susunod, pagbabasagin ko mga pagmumukha ninyo!” Teka, teka ano naman ang nangyayari? (sabi ko sa isip ko.) Ano? Di na naman nagbayad yung tatlo? Hehe, mukhang minamalas ang Mamang Driver, nakapagsakay ng mga pasaherong suspek sa di pagbabayad ng pamasahe. As usual, walang nagawa ang Mamang Driver kundi ang patakbuhin ang jeep na sinasakyan namin sapagkat naka-GO na ang traffic light.

Nanggigigil na ang Mamang Driver dahil sa magkasunod na insidente ng di pagbabayad ng mga pasahero niya. (Ako din, di pa nagbabayad nung mga oras na yun.) Nararamdaman ko ang galit at pagkainis ng Mamang Driver, bumibilis na ang takbo ng jeep na sinasakyan namin. Wala na siyang sinasanto, pakiramdam ko nakasakay na ako sa isang Fast and the Furious na sasakyan. Dahil ito sa tatlong bugoy na di nagbayad ng pamasahe…strike 2!

STRIKE 3

Inilabas ko na ang wallet ko upang kumuha ng pamasahe. Galit na galit na ang driver, mukhang papatayin na niya lahat ng mga di pa nakakabayad. Gusto na niyang manigurado na lahat ng naiiwan na pasahero niya ay magbabayad. Nagsisipagabutan na ng bayad ang mga kasama kong pasahero. Natatakot na din siguro na mapatay ng Mamang Driver. Nanlilisik na ang mga mata nito at bawat kilos ng kanyang mga pasahero ay kitang kita niya sa salamin ng jeep. Lahat ng aakmang bababa ay nililingon niya upang makasiguro na nakabayad na ito bago bumaba.

Akmang iaabot ko na ang bayad ko ng ginitgit ng Mamang Driver ang isang jeep na nasa unahan namin. Isang centimetro na lang ang layo para masagi niya ang sasakyan. Natural ang jeep na nagitgit ay mag-iinit ang ulo. Ginitgit din ang jeep na sinasakyan namin. Yun nga lang natamaan niya ang side mirror ng Mamang Driver na umaapoy na sa galit. Naggitgitan ang dalawang jeep na parang TOKYO DRIFT. Kabado na ako sa susunod na mangyayari.

Hindi na nakapagpigil pa ang Mamang Driver at bumaba na ito at hinabol ang jeep na gumitgit sa kanya. Mabilis tumakbo ang Mamang Driver. Daig pa niya si Superman sa bilis. Gusto na niyang bumasag ng mukha at ilabas ang galit sa mga hindi nagbayad sa kanya ng pamasahe sa driver na ginigit niya na gumanti rin sa kanya. Nakakapit ito sa likod ng jeep na hinahabol niya. Natulala kaming lahat sa nakikita namin. Ng mahimasmasan ako, hindi ko pa rin pala naibababa ang aking kamay na nag-aabot ng pamasahe ko.

Nakakakaba ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lang naming nakita na tumilapon sa jeep ang Mamang Driver. Sa di maipaliwanag na pangyayari, hindi namin alam kung paanong tumilapon siya sa bintana ng jeep. Maaaring pinagtulungan siyang ihulog ng mga pasahero ng jeep na hinabol niya o di kaya tumilapon siya habang gumigewang ang jeep na hinahabol niya. Mabuti na lang at walang sumusunod na jeep noon at tiyak napisak ang Mamang Driver sa gitna ng kalsada.

Bigla akong napatingin sa aking relo at nakita kong atrasado na ako sa aking biyahe. Kailangan ko ng gumalaw kung hindi ay male-late ako sa aking trabaho. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla akong nagdesisyon na bumaba ng jeep at sumakay agad sa paparating na jeep.

Walang magandang idudulot ang pagiging mainitin ang ulo. Ika nga e hindi tayo nakakapagisip ng  maayos kapag galit tayo. Kaya naman maganda kung mapag-aralan natin ang pagiging kalmado sa lahat ng oras. Katulad ni Mamang Driver, maaaring nadigrasya sana siya sa pagkakataong yun pag nagkataon. Ng dahil lang sa siyete pesos na nawala sa kanya, na hindi rin naman niya sigurado kung nagbayad o hindi yung mga inakusahan niya, muntikan na siyang bawian ng buhay.

Sinasadya ko man o hindi, napaisip ako na tama lang na hindi ko naiabot ang pamasahe ko sa Mamang Driver, para maisip niya na habang umiinit ang ulo niya, mas lalong wala siyang makukuhang mabuti at mapapahamak lang siya.

Nadaanan namin ang Mamang Driver na pipilay-pilay pabalik sa jeep niya. Kung ano man ang mga sumunnod na nangyari pagkatapos nun, wala na akong pakialam. Bigla ko na lang nasambit sa aking isip habang papalayo na ang jeep na sinasakyan ko sa Mamang Driver na pabalik sa kanyang sasakyan… “STRIKE 3!.”

Sayt Si-ing*

Ako si BLOG ONG!, Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong

2910939797_a471893e26Isa…dalawa…isa nalang. Whew! Narating ko na rin ulit. Limang taon ko din itong ginagawa. Bukas, baka hindi ko na ito maranasan. Sapagkat bukas, graduation ko na.

Katulad ng dati, diretso ako sa paborito kong tambayan….sa CR. Sa CR (sa ika-sampu na palapag) ng pinakamatayug na bahagi ng Unibesidad ni San Louis….ang tanyag na Charles Vath Library.  Nakatayo ito sa gitna ng unibersidad at ito ang pinakamataas sa lahat ng gusali sa campus. Paborito ko dito sapagkat dito, “Ako ang Hari!” Hawak ko ang buong kaharian ng unibersidad. Tanaw ko ang bawat kawal sa ibaba ng pinakamatayug kong kaharian. Nakikita ko ang kilos ng bawat kawal sa ibaba ng aking templo.

At katulad ng dati, nag-aambisyon na naman ako. Nangangarap. Nag-iilusyon. Nag-iisip. Kaya nga ako naging Louisian eh, sapagkat natural sa akin ang pagiging ambisyoso!

Ito ang paborito kong gawin kapag nasa CR ako ni kuya Charles Vath…ang mag-site seeing sa kaharian ng Unibersidad ni San Louis. Sapagkat dito natatanaw ko ang lahat ng kilos ng bawat tao na nasa ibaba, lahat ng matatayog na kolehiyo sa paligid, at ang mga Enriquez Bros. (mga sekyu) na nanghuhuli ng mga estudyanteng di nakasuot ang I.D.

Dito natatanaw ko din ang mga estudyante na ginagawang concert ground at studio  ang buong paligid ng unibersidad upang magpraktis ng kung anu-ano. May nagsasayaw, may uma-akting, may kumakanta, may nag-aala-Mike Enriquez, at may tumatambling. Dito sila kumukuha ng Masterals in Dancing, Singing, Acting, Reporting, at lahat na ng pasakit para lang maipasa ang kanilang mga minor subjects. Alam ko kasi naging Freshman din naman ako.

“Tang…tang…the angel of the lord…” biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo pati na ang mga tao sa ibaba. Ang gumalaw, walang galang sa 12 o’clock habit ng SLU…ang Angelus. Ang gumalaw huhulihin ng mga sekyu. Pag nagkataong lumindol sa oras na ito, siguradong tigok ka sapagkat wala kang kalayaang kumilos hanggat di natatapos ang dasal. Ganito rin ang eksena kapag alas-sais ng gabi. Kahit late ka na sa klase mo kailangan mo magbigay galang sa ilang minutong katahimikan.

Amen…natapos din. Tuloy ang ikot ng mundo.

Natatanaw ko mula dito ang kontrobersyal na Giant Steps. Ito lang ang lugar sa unibersidad na hindi lihim pero maraming nangyayaring kababalaghan. Ito ang exchange market ng unibersidad. Mula exchange ng tsismis, assignments, leakage sa exam hanggang sa tanyag na Prosti-tuition.

May katotohanan man o wala ang tungkol sa Prosti-Tuition ito ay isang maingay na usapin sa unibersidad. May mga estudyante na nagbebenta ng seks kapalit ng pambayad sa tuition fee nila. Madalas mga babae ang biktima, minsan naman mga lalaki at mga bakla ang nambibiktima. Kung wala itong katotohanan, marahil hindi ito pinag-uusapan.

Inilipat ko ang aking tanaw sa mga gates ng unibersidad. Nakikita ko mula dito ang mga nagmamadali, naguunahan, nagsisiksikan at mga male-late ng mga estudyante. Tanaw ko ang mga nakaiwan ng ID na hindi nakaligtas sa matalas na mata ng mga Enriquez. Namumudmod sila ng ticket. Mabuti sana kung libreng movie ticket. Hindi! Ticket papuntang SAO (Students Affairs Office). Dito kailangan mong pumila upang makakuha ng I.D Pass kasama ang mga katulad mong ulyanin pagdating sa ID. Malas mo lang kung umabot hanggang loob ng Chapel (na kaharap ng SAO) ang pila…sigurado male-late ka.

Ang laki na ng ipinagbago ng SLU sa loob ng limang taon. Naging makulay ang paligid at mga gusali. Konektado na ang bawat kolehiyo. Hindi na magmumukhang basang sisiw ang mga estudyante kapag bumabagyo kahit mangingibang kolehiyo sila.  Ngunit nakakalungkot din sapagkat ang nakikita ko lamang ay ang panlabas na kaanyuan ng aking paaralan. Sapagkat laganap pa rin ang permanenteng dumi sa dingding. Ito ay hindi dahil sa kapabayaan ng unibersidad kundi dahil na rin sa kawalang disiplina ng ilang estudyante. Hindi nagkulang ang unibersidad sa pagpapanatili ng kaayusan ng kanyang mga ari-arian ngunit sadyang may mga nilalang lang talaga na ginagawang intermediate pad ang dingding, mga upuan, lamesa, at blackboard. Nakita ko ulit ang pinakapaborito kong basahin na dumi kapag umiihi ako…“I Hate Vandalism”.

Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito. Magiging bahagi na ito ng aking buhay. Sapagkat dito sa lugar na ito, naging hari ako. Ako ang emperor sa loob ng limang taon (humaba dahil sa lintik na Advanced Accounting, hehe). Dito ako nagsanay ng aking utak. Dito ko hinasa ang aking mga sandata sa nalalapit kong pakikipagsapalaran sa panibagong kaharian. Ngunit salamat kay Charles Vath at kay San Louis kasi iminulat nila sa akin ang katotohanang, kung gusto kong maging hari, kailangan kong magkaroon ng mataas na pangarap ngunit dapat manatili ang aking paningin sa ibaba…kung saan ako nanggaling.

__________________
*This is one of my official entry to Saint Louis University’s 100 Stories Book for 2011 in its celebration for its 100th year of existence. Some lines have been added to this post to make the story clearer.

You can now also read this in Wattpad. Just click this link

Bayag na Inutil

Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong

FreedomHUMUPA NA ANG usok ng digmaan at ang bayan mo ay lumaya. Natamo mo ang lahat ng karapatan, kahalalan, at kalayaan maging Pilipino.

Isinalin sa iyo ng iyong mga ninuno ang tungkuling yakapin at ipagtanggol ang iyong lahi. Nabigyan ka ng pagkakataon sa gilid ng bughaw mong karagatan, at sa ibabaw nito, sa tugatog ng mayaman mong mga pulo at sa kasaganaan ng iyong kapatagan upang magsanay. Upang linangin ang katapangan at kasipagang dumadaloy sa iyong mga ugat. Upang buhayin ang mayaman mong pag-iisip at paghusayan ang kakayahang ipinamana sa iyo. Upang mapangalagaan ang busilak na balon ng kapayapaan na ipinagkatiwala sa iyo ng dakila mong bayan.

At upang patapangin ang pulang dugong dumadaloy sa bawat mong pangarap. Itinurok tanda upang ipagmalaki ka ng iyong lahi… sa iyong muling pagbangon…KABATAANG PINOY.

Jose RizalNi buhok ni Gat Jose Rizal, o ni Luna, o ni Mabini ay di na kailanman masasamyo ang katapangan, ngunit ipinaalam sa iyo kung ano ang halimuyak nito. Ibinalabal sa iyo ang lakas ng isang kabataan.

Sa iyong mga butong kasing-tigas ng mga marmol sa Romblon ay pumipitik ang dugo ng isang Malaya, laman ng isang maginoo, balat ng isang bayani, at isip ng isang matalinong Pilipino.

Sa bawat patak ng pawis mo ay ginintuang butil sa palayan na bumubuhay sa iyong naghihikahos na bayan. Tinagurian kang henyo ng bagong henerasyon sapagkat ang buhay sa iyo ay nasasalamin. Hawak mo sa iyong mga kamay ang kinabukasan ng iyong lahi. “At ang buhay ng bayan mo ay sa iyo nakasalalay. Sapagkat isa kang mabuting bahagi ng lupang tugatog ng karangalan.”

Ngunit habang tinatahak mo ito ay sumisidhi ang galit na naguumapaw sa bagabag mong diwa.

Scream“Sapagkat ang mga ito ay HINDI TOTOO. Sapagkat ito ay HINDI IKAW.”

Sapagkat hanggang ngayon ay wala ka pa ring nagagawang makasaysayan para sa iyong bayan. Sapagkat hanggang ngayon itinatakwil ka ng iyong lahi… at ng iyong bayang tinubuan.

At kung meron mang dapat bitayin ay hindi lamang si Echegaray, kundi pati IKAW! Taksil!!!

Kung buhay pa si Dr. Jose Rizal ngayon ay isusumpa ka at magnanais na mamatay ng paulit-ulit upang mabuhay ka lamang at matauhan. At si Bonifacio na bagamat di kasing mangmang mo ay magnanais na hasahin ang kanyang dahas upang tigpasin ang ulo mong pinuno ng tubig.At si Mabini ay magnanais na habang-buhay na malumpo upang pilitin kang magpasan at magpagal sa kabayanihan ng iyong bayan.

Mariwasa mong nagagawa nagagawa ang bawat naisin.

“Sapagkat ang sabi mo ay malaya ka.”

smokerNagpapakalunod ka sa usok na dulot ng iyong bawat layaw. Maporma ka at yan lang ang alam mong gawin.
Ang magbihis at maligo sa pabango mong amoy katol.

Sa katawan mo bumabalot ang maburarang telang tanda ng maaksaya mong pamumuhay at pamosong katampalasanan. Ngayon nagdurusa ka sa kabag na dulot ng maluwag mong kalayawan.

Dapat kang supilin! Kasuklaman nawa ang lahi mo!

Wari’y isa kang galis na nagpapahina sa sistema ng iyong bayan. Pinuno ng likidong kasuklam-suklam ang dulot na amoy na pinatindi ng iyong katamaran. Nagnanaknak itong kasing kapal ng iyonG mukhang hinubaran ng prinsipyo. Namamaga itong wari’y wala ng lunas dahil sa iyong kamangmangan. Hindi malaman kung paano malalabanan ang kating dulot ng iyong pagpapabaya…at karumihan.

Ipokrito! Mapagkunwari ka!

Nagpapanggap kang isang banal na aso at santong kabayo sa paningin ng iyong kapwa. Ngunit isa ka namang uod! Nagpapahirap sa uugod-ugod mo ng mga magulang. Sapagkat ginagamit mo pa rin ang kamay ng iyong ina sa pagsubo ng iyong pagkain. Sabi mo mag-aasawa ka na ngunit hanggang ngayon ina mo pa rin ang naghuhugas ng ari mo. Nakakapit ka pa rin sa bayag ng iyong ama. Kahit ngayon ay maitim na rin ang bayag mo.

Duwag!

rugby boyMalapit ka ng mabulag sa kapal ng mutang bumabalot sa liko mong paningin. Sapagkat pilit kang nagmumukmok sa kuwadrong pinamumugaran ng mga inalagaan mong ipis at salinlahi ng daga. Ang tunog ng mga bangaw sa likod-bahay ay waring musikang sa iyo ay nagpapatulog.

Batugan!

Kabataan, ni abakada’y hindi mo alam na wari bang ito’y isang bagong bagay. At nagpapanggap ka sa mundong marami kang nalalaman? Ni bumilang ng surot sa ilalim ng iyong kama’y hindi mo kayang gawin. At pinapaniwala mo ang daigdig na isa kang dakila?

“Ngunit ang bayag mo’y lihim na umuusli sa tuwing kaharap mo na ang tunay na mundo.”

At madalas mong maranasan na nilalapa ka ng kahihiyan at tinutunaw ka ng kakarampot mong nalalaman. Sapagkat ang laman ng utak mo’y puro taba. Sapagkat masiba ka sa pagkaing hindi ikaw ang bumayo.

Poor-ChildrenNilalangaw na ang bunso mong kapatid sa nagngangalit na lansangan. Ngunit nariyan ka pa ring humuhuthot ng pagtataksil. Lumalapa ng kapwa mo nilalang. At pumupulutan sa alaga mong pusa. Humahalay sa sarili mong ina at kapatid. Tumataga sa balikat ng sarili mong ama na bumubuhat ng daigdig…Na sana ikaw ang pumapasan.

Inutil!!!

“At ngayon sisisihin mo ang bayan sa pagkawala ng iyong bayag?” Ngayong wala ka ng makain? At ngayong nagdurusa ka sa masangsang na selda?

Marahil yan ang tunay ang nararapat sa iyo. Sapagkat inilalayo mo ang iyong sarili at ipinagkakait ang kakayahang sa iyo ay inaasahan ng lipunan. Marapat ka lamang limutin ng bayan mo sapagkat nilimot mo rin ang siyang nag-alaga sa iyo. Ikinahihiya mong maging Pilipino sapagkat ginawa mong kahiya-hiya ang iyong sarili. Makapal na ang balat ng iyong bayag ngunit hindi kasing nipis ng paninindigan mo.Madalas mong ipagmalaki na ikaw ang lumalang sa iyong sarili ngunit madalas kang mapipi sa bawat katanungang ano na ang nagawa mong mabuti at karapat-dapat?

Mayabang ka at madali mong nalimot ang kulturang kalaro mo sa putik noong isa ka pa lamang musmos. Bagkus ipinagkanulo mo ito gamit ang baluktot mong pangangatwiran at pagsasanaysay. Lumaki kang grasa ang iyong kaulayaw. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin nauunawaang bahagi ka ng isang malaking layunin…ang maging buhay at itanyag ang iyong lahi…

Naghuhusga akong may paninindigan na walang anomang bahid ng talinghaga. Sapagkat nalalaman kong ito ay totoo at pawang katotohanan.

Regret“Dinggin mo ang palahaw na umaalingawngaw dulot nitong sanaysay at hayaan mong usigin ka ng iyong sarili.” At hayaan mong yakapin ka ng lupa sa panghihinang dulot nito. Magbalik ka sa pinaggalingan mo at ilibing ang iyong sarili. Ngunit manatili kang buhay. Sapagkat ayaw kong makitang muling kumulubot ang bayag mo at bumuo ng isa na namang pagkakamali.

Hindi malinaw at payapa ang tubig sa lawa kapag patuloy mong hahayaang pumatak ang iyong luhang puno ng pagkukunwari.Ngayon ang pagkakataon upang tumigil ka sandali at haplusin ang itim mong bayag at pag-isipang mabuti ang iyong sarili. Gusto kong makitang masigla ka at ipinagmamalaki ng iyong bayan.

“Ako ang iyong anino at salita. Ang salita’y ako at ako’y ikaw. Ako ang siyang umaalingawngaw sa diwa mo. Akong siyang bumuhay sa iyo. Ako na iyong bayan.”

Kabataan, ang dungis mo…MAGBIHIS KA!

PBA09p8r2863

Confession of a Broken Soul

Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong
Your soul devours my spirit. The stares of your eyes terrorize my memory. The touches of your hands are nightmare creeping in my flesh. You have made my shadows shaking all through the night. In that dark cold room created by your holy mask.

It seems every night and day are hopeless in the wrath of your hands. The sound and peril of that quiet and dark room still remain within my reach. Frozen, chilling me.

Your face is a rope in my neck. Your weights brutalized my whole life. My soul is shouting at your parental prowess!

The lights in your eyes fear my soul. Speechless were those begs of mine. Nobody hears my call. Because your power zippers my escape. Tears were only the way to cascade my death in the fires of your hell.

In the tomb of truth…that you are my father… spilling blood on my bed!

Talking Wall

Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong
If only these walls could talk there will be no silence. Silence, solitude in my bed. There are smiles on them, flickering bits of memories. But they don’t move, not living even.

In the pitch of loneliness, tormenting my soul of every eve. If only they could respond to what I tell them every night when the stars don’t appear. And the moon is alone in the dark.

If only they could caress my thirst in the shedding tears of patience. Of every sighs concealed….in the name of my….I mean your dignity, even to the underneath.

I tried to compel them but they just echoed back at me. Drifting all the energy in my soul. Yes, in my heart, here in my heart! Leaving me weak… and hopeless. Here, where I could see, bleak lights gleaming through.

If only these walls could talk, maybe, you’ll know.