Pisces: Kinagat ng aso!

Blog Ong, Hoola-Huula

ARIES (March 21 – April 19)

Mabilis ang karma sa iyo. Makakapulot ka ng pera ngayon, kaso madudukot ang wallet mo.

TAURUS (April 20 – May 20)

Maaga kang makakauwi ngayon mula sa opisina. Masarap ang inyong ulam, kaso walang itinira para sa iyo.

GEMINI (May 21 – June 20)

Pagagalitan ka ng isang madurukot, sapagkat walang laman ang wallet na nakuha niya sa iyo.

CANCER (June 21 – July 22)

Hindi ka makakaligo ngayon sapagkat naubusan kayo ng tubig, pero mababasa ka naman ng ulan. Kaya ok lang.

LEO (July 23 – August 22)

Mag-ingat sa mga aso sa daan. Makakatapak ka ng kanilang tae ngayon.

VIRGO (August 23 – September 22)

Maaga kang makakasakay ng jeep ngayon, kaso makakaranas ka ng trapik at male-late ka sa trabaho.

LIBRA (September 23 – October 22)

Uulan ngayong araw na ito. Mapalad ka at nakapagdala ka ng payong at hindi ka mababasa ng ulan. Pero mababasa ka pa rin sapagkat matatalsikan ka ng tubig ng makakasalubong mong sasakyan.

SCORPIO (October 23 – November 21)

Magkakaruon kayo ng surprise quiz bukas. Ngunit huwag mag-alala sapagkat sasabihin ito ng instructor mo ngayon.

SAGITTARIUS (November 22 – December 21)

Makakatanggap ka ng libreng load ngayong araw na ito. Pero mai-snatch ang cellphone mo.

CAPRICORN (December 22 – January 19)

Magkaka-brownout sa inyong lugar mamayang gabi. Makakareceive ka ng text mula sa iyong guro na magkakaruon kayo ng quiz bukas. Hindi ka makakareview.

AQUARIUS (January 20 – February 18)

Makakagat ng inyong alagang aso ang nililigawan mong babae.

PISCES (February 19 – March 20)

Ikaw ang babaeng kinagat ng aso, sapagkat ikaw ang nililigawan ni Mr. Aquarius. Kung mamamatay ka, bakit hindi na lang ngayon.

Advertisements