Pinoy ka kung [dugtungan]…

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, BLOG ONG Jokes!, OFW by Blog Ong

Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.

PINOY KA KUNG…
1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Marami pang puwedeng ilagay na Pinoy ka kung… na eksena. Pero inilalaan ko na ito sa iyo. Kung meron akong hindi nabanggit pwede mo itong ilagay bilang iyong komento sa ibaba. Ipagmalaki ang lahing Pinoy!

Advertisements

NOON AT NGAYON: Kwentong OFW

Blog Ong, OFW by Blog Ong

Bata pa ako ng mangibang bansa ang mama ko sa Kuwait. Naalala ko pa noon, isang beses lang kami makatanggap ng sulat mula sa kanya sa loob ng isang buwan, minsan wala pa. Naiintindihan naman yun ng mga kapatid ko at ng papa ko kasi hindi pa ganun “ka-hayteks” ang komunikasyon noon. Bata pa kasi ako noon kaya wala pa akong pakialam.

Naisipan kong balikan ang mga araw na iyon, ngayong ang tatlong kapatid ko naman ang nasa bansa na dati ay ang ina namin ay doon naghahanapbuhay. Ang mga ito ay base na rin sa mga kuwento ng mga kapatid ko nung may isip na ako. Marahil ganito rin ang karanasan ng karamihan sa atin na ang mga kamag-anak ay nasa ibang bansa. Ito ay aplikable sa mga kamag-anak natin na OFW na matagal namamalagi sa ibang bansa upang maghanapbuhay.

1. Noon, isang beses lang sa isang buwan nakakatawag ang mga kamag-anak natin sa ibang bansa dito sa Pinas. Minsan hindi pa sapagkat mahal ang long distance o overseas call noon.

Ngayon, isang beses o mas maraming beses na sila nakakatawag sa atin. Minsan, araw-araw pa. Ito ay sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng internet, mobile phones, at iba pang makabagong teknolohiyang pangkomunikasyon.

2. Noon, isang beses lang tayo nakakatanggap ng sulat mula sa kanila sa loob ng isang buwan. Minsan, wala pa.

Ngayon, minu-minuto pwede na tayong makatanggap ng balita mula sa kanila sa pamamagitan ng text, email, chat, at pwede rin sa facebook, friendster, my space, at iba pa.

3. Noon, aabutin ng isa o dalawang taon o higit pa bago natin sila ulit makita. Kaya naman hindi natin alam kung may nagbago na ba sa itsura nila. Di natin alam kung tumaba o pumayat na sila, pumuti o mas lalong umitim ang balat, at gumanda o mas lalong pumangit.

Ngayon, sa pamamagitan ng webcam at video calls nakikita na natin sila araw-araw. Nakikita rin natin kung ano ang itsura ng loob at maging labas ng kanilang tirahan. Sa pamamagitan nito hindi na tayo madalas mag-alala kung may maayos ba silang bahay.

4. Noon, mga simpleng laruan at gamit lamang ang gustong matanggap ng mga bata na “padala” mula sa mga kamag-anak sa ibang bansa. Simpleng kotse-kotsehan, robot, sapatos na umiilaw, at digital na relo.

Ngayon, mga mamahaling laruan na ang gusto nilang matanggap, tulad ng PSP, Gameboy, Xbox, Wii, at mga all-in-one na cellphones.

5. Noon, pahirapan ang pagpapadala ng pera, sustento, allowance, at “padala” kung tawagin. Minsan, hindi pa ito cash na matatanggap kundi cheke pa ito. Kailangan mo pang hintayin na i-clear ng bangko.

Ngayon, sa loob ng 24-oras matatanggap mo na ang padala ng mga kamag-anak mula sa ibang bansa.

6. Noon, isang beses sa isang buwan o isang taon lamang tayo makatanggap ng mga pictures ng mga kamag-anak natin sa ibang bansa. Minsan, isa, dalawa, o tatlo lamang ang kaya nilang ipadala sa pamamagitan ng “snail-mail” dahil mahal ang pagpapadala. Naalala ko pa yung mga simpleng message na nakasulat sa likod ng bawat larawan.

Ngayon, sa pamamagitan ng friendster, facebook, my space at iba pa, pwede na natin makita ang pinaka-latest nilang mga pictures na in-upload at meron na rin description o caption sa bawat larawan. Pwede na rin magpadala ng mga pictures sa pamamagitan ng cellphone.

7. Noon, hindi natin alam kung nasa ibang bansa na rin ang iba pa nating kamag-anak o mga kaibigan. Saka na lamang natin malalaman kapag meron makapagsabi sa atin.

Ngayon, pwedeng-pwede na natin malaman kung nasaan bahagi ng mundo sila naroon sa pamamagitan ng Twitter, Facebook, at iba pang social network site sa internet. Nalalaman din natin kung ano ang latest sa kanila at maging ang kanilang mga hanapbuhay at ginagawa araw-araw.

8. Noon, hindi makapagpahayag ng kanilang isipan at damdamin ang mga kababayan nating OFW sa ibang bansa tungkol sa mga pangyayaring politikal, ekonomiya, sosyal at kultural sapagkat wala silang magamit na paraan.

Ngayon, sa pamamagitan ng blog at free websites, pwedeng-pwede na silang makapagpahayag ng sariling opinyon, makapagkwento ng sariling karanasan sa ibang bansa upang ibahagi sa buong mundo, at maibahagi ang kanilang mga magagandang ideya sa kapwa pinoy.

9. Noon, sa pamamagitan lamang ng “penpal” nakikipagkaibigan ang mga OFW upang makipagkaibigan sa kapwa Pinoy o sa mga dayuhan.

Ngayon, meron ng ibat-ibang paraan ng pakikipagkaibigan. Pwedeng email-pal, facebook-pal, twitter-pal, at text-pal o textmate. Pwede na ring realtime o online ang pakikpagkaibigan sa pamamagitan ng video call at webcams.

10. Noon, sabi nila, masaya ang mga nakakatanggap ng pera dito sa Pinas mula sa padala ng mga kamag-anak sa ibang bansa sapagkat mataas pa ang palitan ng dolyar at piso noon at mababa pa ang presyo ng mga bilihin.

Ngayon, hindi na sila ganun kasaya sapagkat bukod sa mababa na ang palitan ng pera, mataas na ang presyo ng mga bilihin at serbisy.

Marami pang NOON at NGAYON na eksena na pwedeng idagdag sa mga naisulat ko. Kung nais ninyong dagdagan ang mga ito, PWEDE NINYONG IBAHAGI, AT ILAGAY ITO BILANG INYONG KOMENTO sa ibaba.

Silip sa isang JAPAYUKI!

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, OFW by Blog Ong
Silip sa Japayuki
Pokpok… hostes… malalandi… bugaw…
Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag na JAPAYUKI.
Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?
Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na “Karayuki”. Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na “Karayuki” na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.
Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa clubentertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ay isang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga “hospitality girls” sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.
Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.
Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo o sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.
Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.
Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga “Bagong Bayani” sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapada sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.
Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ito ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.
Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayong Filipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ng Education, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga “Mombusho” (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.
Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging “Japayuki” na sa marami ay isang maruming trabaho.
Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.

geishaPokpok… hostes… malalandi… bugaw…

Ilan lamang ang mga ito sa madalas nating maisip na termino kapag naririnig natin ang bansag na JAPAYUKI.

Ngunit tama kaya ang mga ito? Sino nga ba ang isang Japayuki?

Ang bansag na Japayuki ay pinaniniwalaang nagmula sa isang salitang hapon na “Karayuki”. Ito ang tawag sa isang dalagang Haponesa na nangibang-bansa noon ngunit naging biktima ng prostitusyon noong 1870 hanggang 1940. Ang turing na Japayuki ay itinulad sa turing na “Karayuki” na nangangahulugang mga Pinay na pumunta sa Japan upang maghanapbuhay kagaya ng isang Karayuki.

Ang terminong Japayuki ay ang tawag sa mga babaeng entertainers sa Japan na madalas ay lahing Pinoy. Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sa kalaunan naging pangkalahatan ang tawag na Japayuki sa sinumang Pililipino na naghahanapbuhay sa Japan.  Sumikat ang bansag na ito noong 1980s sa mga club sa Japan na isa sa mga bansang mahilig sa club-entertainment. Gustong-gusto ng mga Hapon ang mga Pilipino sapagkat kilala nila tayo na masipag, maaasahan at madalang magreklamo kahit mabigat ang trabaho.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagiging entertainer sa Japan ay isang malinis at marangal na trabaho. Ito ay binabayaran ng mga Hapon ng malaking halaga. Ang alam ng marami, kapag isa kang Japayuki ang trabaho mo ay magbenta ng aliw, ligaya at laman o seks. Ngunit ang hindi natin alam, ang trabaho lamang ng Japayuki sa Japan ay kumanta, sumayaw, magpatawa (standup comedy), makipag-usap sa mga panauhin, at magsilbi ng pagkain. Maaari din itong tumukoy sa mga Pinay na naghahanapbuhay bilang mga “hospitality girls” sa mga among Hapon. At maaari ding tumukoy sa mga kababayan nating naghahanapbuhay at naninirahan na sa Japan.

Hindi katulad ng iniisip ng marami dito sa Pinas, ang pagiging Japayuki ay isang maayos na hanapbuhay. Ang mga Guest Relations Officers o GRO sa Japan ay iba sa mga GRO dito sa Pilipinas na totoong nagbebenta ng seks o laman. Maliban na lamang kung pumayag ang isang Japayuki na gawin ang ganitong bagay.

Ang isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ibang turing ang bansag na Japayuki ay ang tinatawag na White Slavery na laganap din sa Japan at sa ibat-ibang panig ng mundo. Gawa ito ng mga illegal recruiters dito sa Pilipinas at sa Japan na nagpapangako ng magandang trabaho ngunit lingid sa kaalaman ng mga biktima ay ibebenta sila sa mga sindikato at gagawing mga alipin sa seks. Ibubugaw sila at gagawing mga tagabenta ng aliw o seks sa mga Hapon. Yakuza ang tawag sa mga grupo na pangunahing dahilan ng karahasan at sindikato ng white slavery sa Japan. Dahil dito, nagkaroon ng ibang kahulugan ang pagiging entertainers ng mga Pilipino sa Japan at nagkaroon ng ibang istorya ang salitang Japayuki.

Kung suswertihin ang isang Japayuki ng trabaho sa Japan, mataas na kita o sahod ang kanyang natatanggap. Maliban na lamang kug nakatagpo sila ng mababang pasahod ng mga amo nila, ang isang Japayuki ay kumikita ng humigit kumulang na $3,000 sa isang buwan. Katumbas ito ng P135,000 (P45 = $1) kada buwang sahod at mas malayong mataas kaysa sa sahod ng isang propesyunal dito sa ating bansa. Kaya naman madalas tayong makakita ng mga balikbayan na Japayuki sa Pinas na nakakapagpatayo ng magara at malalaking bahay.

Kaya naman kahit mababa ang tingin sa kanila ng marami nating kababayan dahil sa tipo ng kanilang trabaho, itinuturing sila ng bansang Pilipinas na mga “Bagong Bayani” sapagkat isa sila sa mga pinagkukunan ng bansa at ng ating ekonomiya ng mga dolyares sa pamamagitan ng kanilang mga ipinapadala sa kanilang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.

Kung susuriin sa isang positibong pananaw ang pagiging Japayuki ay isang turing na dapat bigyan din natin ng respeto. Maalis na sana ang maling pag-aakala ng lahat na ang pagiging Japayuki ay pagiging maruming GRO sa Japan.

Lingid sa kaalaman ng lahat, marami na sa ating mga kababayan ang naghahanapbuhay sa Japan dahil sa kanilang taglay na talento, kakayahan, talino, at taglay na pagka-eksperto sa ibat-ibang propesyon sa isang legal na paraan. Kasama din dito ang katotohanang marami tayong Filipino Scholars ang ipinapadala sa Japan taon-taon upang mag-aral ng Education, Law, Destistry, Engineering, Agriculture at iba pang kurso. Ang mga “Mombusho” (Japanese Government) scholars ay pinapag-aral ng Japan ng libre sa matataas at tanyag na universidad.

Maliban sa mga estudyanteng ito na tinatawag pa ring Japayuki, ang ibang mga Japayuki sa Japan ay nagtatrabaho bilang mga religious workers, software engineers, hotel staff, restaurant operators at mga nurses. Ibig lamang sabihin nito na ang trabaho sa Japan ay hindi lamang pagiging “Japayuki” na sa marami ay isang maruming trabaho.

Dahil sa kaalamang ito, nawa ay magkaroon na tayo ng bagong pagtingin sa mga kababayan nating naghahanapbuhay sa Japan. Ispesipiko man o naging pangkalahatan ang turing na Japayuki, nararapat lamang na bigyan natin sila ng marapat na pagrespeto sa kanilang hanapbuhay at pagkatao. Maging ang mga biktima ng illegal recruitment at White Slavery ay huwag din sana natin bigyan ng mababang turing sapagkat sila ay mga biktima lamang. Kung gayon, hindi marapat na isipin ng sinuman na ang pagiging Japayuki ay marumi at walang dangal. Sapagkat, ang mga Japayuki ay marangal, malinis, at mga BAGONG BAYANI din ng ating bansa.

Bata, Bata, bakit ka iniwan ng iyong ina?

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, OFW by Blog Ong
Bata, Bata ba’t ka iniwan ng iyong Ina?
“Nag-aalaga ako ng batang hindi lumabas sa aking matres. Nag-aasikaso ako ng anak ng ibang tao, samantalang ang anak ko sa Pinas hindi ko alam kung kumakain sa tamang oras!”
“Nagpapaligo ako ng batang hindi akin, samantalang hindi ko alam kung nanlilimahid na sa dumi ang aking bunsong anak sa pinas!”
“Kumakain ako ng saganang pagkain dito, samantalang ang pamilya ko sa pinas hindi ko alam kung may nakakain pa. Natutulog ako sa maayos na kama samantalang ang mga anak ko nagsisiksikan sa isang masikip na higaan.”
“Nagpapakapagod ako dito umaga hanggang gabi upang matustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya, sa kalaunan mababalitaan ko na nambababae ang walang-hiya kong asawa. Nilulustay sa sugal, alak, bisyo at kalayawan ang perang dugo’t pawis ko ang puhunan!”
“Lintik na buhay to! Delayed na naman ang sahod! Mga anak ko sa Pinas hindi pa nakakabayad ng matrikula! Kung minamalas ka nga naman oo! Mare, lalabas ako maghahanap ng extra kung kinakailangan ibebenta ko ang aking sarili!”
“Kabayan, meron ka bang extra dyan? Pwedeng pahiram naman muna bayaran ko sa sahod. Kailangan ko lang magpadala ng pera sa pamilya ko sa Pinas, mapuputulan na daw sila ng kuryente at tubig, palalayasin na daw sila ng may-ari ng bahay na inuupahan ng pamilya ko, wala na daw sila makain.”
Ito ang madalas na saloobin at kalungkutan ng bawat isang ina, ama, ate, kuya at mga kababayan nating manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa upang maghanapbuhay. Iniwan ang kanilang mga anak, pamilya, at kamag-anak upang makipagsapalaran sa ibayong-dagat. Marami ang dahilan kung bakit napipilitan ang maramin nating kababayan na mangibang-bansa. Ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit iniiwan ng ating mga kababayan ang Pilipinas upang habulin ang kapalaran sa ibang bansa. Ang iba naman ay sadyang biktima lamang ng isang masaklap na katotohanan.
1. PAGTAKAS. Ito ang salitang aking naisip na angkop upang ilarawan ang dahilan kung bakit marami ang lumalabas sa ating bansa. Ang kahirapan, kaguluhan, at kurapsyon sa ating bansa ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumatakas ang ating mga kababayan sa ating teritoryo. Sino ba ang gustong manirahan sa isang bansang sagana sa kahirapan?
Marami sa ating mga kababayan (karamihan ay mga nakapagtapos ng kolehiyo) ang napipilitang tumanggap ng trabaho na hindi angkop sa kanilang edukasyon. Marami sa kanila ang napipilitang maging DH (Domestic Helper) para lamang magkaroon ng trabaho. Tama nga naman, mas nanaisin mo pang maging DH kaysa naman tumambay sa Pinas at maging palamunin ng mga magulang. Kung hindi naman, mas gugustuhin mo pang tumakas sa Pilipinas at maging TNT (Tago-ng-Tago) sa ibang bansa para lamang mabuhay ang iyong pamilya at mga anak.
2. WALANG SAPAT NA TRABAHO AT SAHOD SA PINAS. Ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay sa ating bansa ay isa rin sa mga nakahanay na dahilan kung bakit marami sa ating manggagawang Pilipino ang nagnanais na maghanapbuhay sa ibang bansa. Kung meron mang trabaho dito sa Pinas, sa malimit na pagkakataon hindi sapat ang suweldo upang tustusan ang malaking gastusin ng pamilya. Kaya, kapag may pagkakataon na maghanapbuhay (sa ibang bansa) sa mas malaking sahod, sinusunggaban ito ng bawat manggagawang Pilipino.
Ngunit kasabay ng pagtakas na ito ay ang pag-iwan sa mga anak (ang iba ay musmos pa) dito sa Pilipinas. Marami sa mga batang Pilipino ang naiiwan sa kanilang mga kamag-anak sapagkat nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang upang maghanapbuhay. Ang katumbas ng pagtakas na ito ay maaaring magandang kapalaran ng magulang na nasa ibang bansa at kaginhawaan o kahirapan naman sa mga anak na iniwan dito sa Pilipinas sa kamay ng mga kamag-anak.
Marami na tayong mga nabalitaan sa radyo, telebisyon at mga pahayagan ng kaso ng Domestic Violence, Child Abuse, at Juvenile Delinquency at malimit na mga biktima ay mga iniwang anak ng mga OFW o kung hindi naman ay nasa ibang bansa ang isang magulang (ina o ama). Sa halip na maging magaan sana ang buhay ng isang OFW, sa malimit na pagkakataon mas nagiging mabigat ito dahil sa ganitong mga pangyayari.
3. INUTIL NA ASAWA. Maraming babaeng manggagawang pinoy ang napipilitang mangibang bansa upang matustusan ang kakulangan ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang mga tamad at inutil na asawa. Mas gugustuhin pa ng mga babaeng Pilipino na mahiwalay sa kanilang mga anak upang lumayo lamang sa buhay na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga asawang wala din hanapbuhay.
Sila yung mga babaeng nakapag-asawa ng mga iresponsableng lalaki na walang ibang ginawa kundi tumambay sa kanilang bahay at maghintay ng maihahain na pagkain sa lamesa. Sila yung mga asawang wala na ngang makain, nagdadala pa ng mga barkadang lasenggo at sugarol sa kanilang bahay upang lumaklak ng alak. Mas gugustuhin pa ng isang babaeng Pilipino na maging DH (Domestic Helper) sa ibang bansa, sapilitang iwan ang kaniyang mga anak, upang maghanapbuhay sa ibang bansa para lamang matustusan ang kakulangan ng kanilang mga batugang asawa.
Tinitiis ng mga manggagawang Pinay ang mag-alaga ng mga anak na hindi sa kanila upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ginagawa rin nila ito upang makatakas sa hirap ng buhay dala ng kanilang tamad at inutil na asawa.
4. PAG-ABOT AT PAGTUPAD SA MGA PANGARAP. “Walang asenso dito sa Pinas.” Ito ang madalas na dahilan ng mga kababayan nating matayog ang pangarap sa buhay. Ika nga, nauubusan na ang Pilipinas ng mga matatalino at respetadong mga manggagawa sapagkat lumalabas sila ng bansa upang ibenta ang kanilang mga serbisyo at  kakayahan sa ibang bansa sa mas mataas na sahod.
Hindi lingid sa atin na marami tayong mga kababayang propesyunal na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Halimbawa na lamang dito ang executive chef ng White House na isang Pilipina na sana nagbibigay ng sariling serbisyo sa ating sariling Pangulo. Ngunit ang pangulo ng Estados Unidos ang nakakatikim ng kanyang masarap na hain ng pagkain.
Marami din tayong mga kababayan sa ibang bansa na humahawak ng matataas na posisyon tulad ng superbisor, manager, top executives, at stakeholders sa kani-kanilang mga kumpanya. Kabilang dito ang mga propesyong tulad ng doctor, lawyers, engineers, certified public accountants, auditors at iba pa. Nangangahulugan ito na bagamat ang tingin ng ibang bansa sa mga manggagawang Pilipino ay mga DH lamang, lingid sa kanilang kaalaman na ang bawat bansa sa buong mundo ay may Pilipinong manggagawa na bumubuhay sa kanilang mga kumpanya.
Ngunit katotohanan din na bagamat meron tayong ganitong mga propersyunal sa ibang bansa, hindi maikakaila na iniwan din nila sa kani-kanilang mga magulang ang kanilang mga anak. Ang ibang mga iniwang bata, musmos pa lamang ay iniiwan na dito sa Pinas ng kanilang mga magulang upang maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang iba naman maaaring iniwan sa kanilang mga kamag-anak na kung minsan nagiging kalunuslunos ang kanilang kalagayan sa kanilang mga kamay. Ngunit mapapalad ang ganitong mga bata kung tutuusin, sapagkat paglaki nila meron silang magagamit na panustus sa kanilang kinabukasan.
5. ANG PANGARAP KONG KANO. Ordinaryo ng makita ang mga kababayan nating nakapag-asawa ng mga dayuhan. Makikita mo sila sa bawat sulok ng Pilipinas. Isang katotohanan sa mga Pilipina na marami sa kanila ang may pangarap na makapag-asawa ng puti o kano. At isa ring katotohanan na ginagawa nila ito sapagkat umaasa sila na makukuha sila ng mga dayuhan pabalik sa kanilang mga bansa. Ang iba naman nakapagasawa na mismo sa abroad ng isang dayuhan at hindi na nakauwi dito sa Pilipinas sapagkat meron na silang pamilya sa piling ng isang dayuhan.
Ngunit hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang iniwan ng kanilang mga asawang dayuhan. Kaya naman, marami tayong nakikitang kababayan nating mga kabataan na mukhang dayuhan ang itsura. Ito yung mga kabataan na ang mga ama ay mga dayuhan. At ito rin yung mga kabataang iniwan ng kanilang amang dayuhan dito sa Pilipinas.
Isang masaklap na katotohanan na marami tayong mga kababayang Pilipina ang isinama ng kanilang mga kasintahan o asawang dayuhan sa ibang bansa na walang kaalam-alam na gagawin lang pala silang mga alipin at tauhan.
6. BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING AT WHITE SLAVERY. Marami ang manloloko sa Pilipinas, kapwa Pilipino man o dayuhan. Sila yung mga taong nagpapangako ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Ang madalas na biktima ng mga ito ay mga menor-de-edad na mga kabataan. Ito yung mga kabataang nangangarap makapagasawa ng mga dayuhan. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na sila ay ibebenta sa ibang bansa upang maging mga alipin ng mga dayuhan.
Ang iba naman ang inaakala nila ay papasok sila sa isang magandang kumpanya ngunit kapag sila ay nasa ibang bansa na, mauunawaan nila na sila ay gagawing katulong ng mga malulupit na dayuhan. Marami na tayong nabalitaan na namatay na mga kababayan natin sa kamay ng malulupit nilang mga amo. Ang epekto nito, hindi lamang ang nawalang buhay ng isa nating kaawa-awang kababayan kundi pati na rin ang kahirapan at hinagpis ng kanyang iniwang mga anak at pamilya sa Pilipinas.
7. ENTERTAINMENT FOR SALE. Sino ang hindi nakakaalam ng turing na Japayuki? Sila yung mga kababayan nating entertainers sa Japan. Japayuki ang tawag sa mga babaeng entertainers, Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sila ang mga manggagawa nating Pilipino sa Japan na ang hanapbuhay ay magbigay aliw sa pamamagitan ng talento sa pagkanta at pagsayaw sa mga club, beerhouse, studios, at hotels sa mga manunuod na Hapon.
Para sa iba, ang turing na Japayuki at Justo ay may masama at mabuting kunotasyon. Ang mga Japayuki kasi ay iniisip ng marami na mga tagaaliw ng mga Hapon. Kapag sinabi kasi sa Pilipinas na tagaaliw, binibigyan natin ito ng ibang kahulugan tulad ng turing na pokpok, hostes, at mga magdalena. Inaakala natin na isang maruming hanapbuhay ang pagiging Japayuki at Justo. Sa kalaunan, inuuyaw natin ang ating kapwa Pilipino na matapat na naghahanapbuhay sa ibang bansa.
Dito nagiging kawawa ang mga kabataan nating may mga magulang na Japayuki o Justo. Sapagkat inuuyaw (inaasar) sila ng kanilang mga kapwa kabataan na Japayuki daw ang kanilang mga magulang. Binibigyang kahulugan nila na marumi ang pagiging Japayuki o Justo. Ito naman ngayon ang maitatatak na isip ng kawawang bata at kakalakihan niya ang paniniwalang ang pagiging Japayuki o Justo ay marumi.
Ngunit ang totoo, hindi ganito ang mga Japayuki at mga Justo. Marami sa kanila ang malinis ang hanapbuhay sa Japan. Ang pagiging Japayuki at Justo ay isang klase ng trabaho sa Japan na binabayaran ng mga Hapon ng mataas na sahod. Lingid sa kaalaman nating lahat na hindi mga pokpok o hostess ang mga Japayuki at Justo. Hindi natin alam na may mga klase ng Japayuki at Justo na ang trabaho lamang nila ay kumanta, sumayaw at magtanghal sa harap ng mga Hapon. Hindi sila pwedeng ilabas sa club o beerhouse (tulad ng mga pokpok) ng mga Hapon para bayaran sa seks. Ipinagbabawal din sa mga Hapon na sila ay hawakan o bastusin. Kaya naman mataas ang tingin ng mga ito sa kanila.
Kaya naman madalas ang mga kababayan nating Japayuki ay nakakapaguwi ng mga “lapad” (pera ng Hapon) at nakakapagtayo ng magaganda at malalaking bahay kapag nagkaroon ng magandang kapalaran sa Japan.
Sa ibang dako naman, ang mga nabanggit sa ibaba ang ilan sa mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino.
8. ANG PANGARAP KONG STATE-SIDE NA EDUKASYON. Tanggapin na natin, kung ikukumpara ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, mas malayong mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa. Kaya naman, ang ilan sa ating mga kababayan na may kakayahang tustusan ang pag-aaral sa ibang bansa, mas nagnanais na mangibang bayan upang manaliksik ng mas mataas na kaalaman. Ang ilan sa ating mga propesyunal at mga respetadong opisyal sa gobyerno ay sa ibang bansa kumuha ng edukasyon tulad ni Senador Miriam Defensor na kilala nating talaga namang napakatalinong Pilipino.
9. AYOKO NG MAGING PILIPINO. Hindi mahirap ang bayang Pilipinas! Bakit? Sapagkat hindi natin maikakaila na bagamat may mga kababayan tayong lumalabas ng bansa upang maghanapbuhay, meron din naman tayong mga kababayan na nangingibang bayan sapagkat gusto nilang subukan ang mabuhay sa ibang bansa.
Green Card, ito ang pangarap na makuha ng sinumang Pilipino na nangangarap maging mamamayan ng Estados Unidos. Marami na tayong mga kababayang Pilipino ang naging ganap ng Amerikano sa pamamagitan ng batas ng Estados Unidos. Kapag meron kang Green Card ibig sabihin nito isa ka ng mamamayan ng U.S.
Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, katotohanan din na bagamat may mga kababayan tayo na ganap ng mga Amerikano, hindi nila maikakaila na hindi lahat ng miyembro ng kanilang pamilya (ang iba ay mga anak at asawa nila) ay mga ganap na ring mga Amerikano. Ang totoo, marami pa sa kanilang mga kamag-anak ang nandito pa sa Pilipinas na naghihirap at naghihintay na makuha sila ng kanilang mga magulang o kamag-anak sa ibang bansa.
10. TAWAG NG TUNGKULIN. Ang huling bahagi ng mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga kababayan nating mga Pilipino ay ang tinatawag nating “tawag ng tungkulin”. Meron itong ibat-ibang kahulugan sapagkat ang “tungkulin” ay isang malawak na termino.
Meron kasi tayong mga kababayang propersyunal na gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang mangibang bansa dahil sa uri ng kanilang kakayahan o propesyon. Tulad na lamang ng mga pastor, pari, at mga ebanghelista na kailangang madestino sa kanilang mga kongregasyon na nasa ibayong dagat na sakop ng kanilang tungkulin. Ang mga iba naman ay mga direktor, artista, at espesyalista. Ang iba naman ay mga ipinadala ng mga pampubliko at pribadong tanggapan tulad ng mga embahador at mga tagapag-ugnay sa ating pamahalaan. Ang mga nasa pribadong sektor naman, ipinapadala ang ilan sa kanilang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa upang pangasiwaan ang kanilang negosyo sa ibayong dagat. At katulad ng iba, ang mga manggagawang ito ay kailangang iwan dito sa Pilipinas ang kanilang mga anak, pamilya at kamag-anak sa pag-asang magkakaroon sila ng magandang kapalaran sa ibang bansa.
Tunay, nagkalat ang mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Ang bawat Pilipinong ito ay may ibat-ibang dahilan kung bakit sila naroon. Napadpad sila sa ibayong dagat sa ibat-ibang uri ng kanilang kapalaran at mga pangarap. Mahirap man o mahirap, matagumpay o nasawi, at masaya man o malungkot ang kanilang mga buhay iisa lang ang mananatiling katotohanan….nasaan man silang sulok ng mundo, mananatili sa kanilang ugat ang dugo ng isang Pilipin

ameriasian“Nag-aalaga ako ng batang hindi lumabas sa aking matres. Nag-aasikaso ako ng anak ng ibang tao, samantalang ang anak ko sa Pinas hindi ko alam kung kumakain sa tamang oras!”

“Nagpapaligo ako ng batang hindi akin, samantalang hindi ko alam kung nanlilimahid na sa dumi ang aking bunsong anak sa pinas!”

“Kumakain ako ng saganang pagkain dito, samantalang ang pamilya ko sa pinas hindi ko alam kung may nakakain pa. Natutulog ako sa maayos na kama samantalang ang mga anak ko nagsisiksikan sa isang masikip na higaan.”

“Nagpapakapagod ako dito umaga hanggang gabi upang matustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya, sa kalaunan mababalitaan ko na nambababae ang walang-hiya kong asawa. Nilulustay sa sugal, alak, bisyo at kalayawan ang perang dugo’t pawis ko ang puhunan!”

“Lintik na buhay to! Delayed na naman ang sahod! Mga anak ko sa Pinas hindi pa nakakabayad ng matrikula! Kung minamalas ka nga naman oo! Mare, lalabas ako maghahanap ng extra kung kinakailangan ibebenta ko ang aking sarili!”

“Kabayan, meron ka bang extra dyan? Pwedeng pahiram naman muna bayaran ko sa sahod. Kailangan ko lang magpadala ng pera sa pamilya ko sa Pinas, mapuputulan na daw sila ng kuryente at tubig, palalayasin na daw sila ng may-ari ng bahay na inuupahan ng pamilya ko, wala na daw sila makain.”

Ito ang madalas na saloobin at kalungkutan ng bawat isang ina, ama, ate, kuya at mga kababayan nating manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa upang maghanapbuhay. Iniwan ang kanilang mga anak, pamilya, at kamag-anak upang makipagsapalaran sa ibayong-dagat. Marami ang dahilan kung bakit napipilitan ang marami nating kababayan na mangibang-bansa. Ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit iniiwan ng ating mga kababayan ang Pilipinas upang habulin ang kapalaran sa ibang bansa. Ang iba naman ay sadyang biktima lamang ng isang masaklap na katotohanan.

1. PAGTAKAS. Ito ang salitang aking naisip na angkop upang ilarawan ang dahilan kung bakit marami ang lumalabas sa ating bansa. Ang kahirapan, kaguluhan, at kurapsyon sa ating bansa ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumatakas ang ating mga kababayan sa ating teritoryo. Sino ba ang gustong manirahan sa isang bansang sagana sa kahirapan?

Marami sa ating mga kababayan (karamihan ay mga nakapagtapos ng kolehiyo) ang napipilitang tumanggap ng trabaho na hindi angkop sa kanilang edukasyon. Marami sa kanila ang napipilitang maging DH (Domestic Helper) para lamang magkaroon ng trabaho. Tama nga naman, mas nanaisin mo pang maging DH kaysa naman tumambay sa Pinas at maging palamunin ng mga magulang. Kung hindi naman, mas gugustuhin mo pang tumakas sa Pilipinas at maging TNT (Tago-ng-Tago) sa ibang bansa para lamang mabuhay ang iyong pamilya at mga anak.

2. WALANG SAPAT NA TRABAHO AT SAHOD SA PINAS. Ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay sa ating bansa ay isa rin sa mga nakahanay na dahilan kung bakit marami sa ating manggagawang Pilipino ang nagnanais na maghanapbuhay sa ibang bansa. Kung meron mang trabaho dito sa Pinas, sa malimit na pagkakataon hindi sapat ang suweldo upang tustusan ang malaking gastusin ng pamilya. Kaya, kapag may pagkakataon na maghanapbuhay (sa ibang bansa) sa mas malaking sahod, sinusunggaban ito ng bawat manggagawang Pilipino.

Ngunit kasabay ng pagtakas na ito ay ang pag-iwan sa mga anak (ang iba ay musmos pa) dito sa Pilipinas. Marami sa mga batang Pilipino ang naiiwan sa kanilang mga kamag-anak sapagkat nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang upang maghanapbuhay. Ang katumbas ng pagtakas na ito ay maaaring magandang kapalaran ng magulang na nasa ibang bansa at kaginhawaan o kahirapan naman sa mga anak na iniwan dito sa Pilipinas sa kamay ng mga kamag-anak.

Marami na tayong mga nabalitaan sa radyo, telebisyon at mga pahayagan ng kaso ng Domestic Violence, Child Abuse, at Juvenile Delinquency at malimit na mga biktima ay mga iniwang anak ng mga OFW o kung hindi naman ay nasa ibang bansa ang isang magulang (ina o ama). Sa halip na maging magaan sana ang buhay ng isang OFW, sa malimit na pagkakataon mas nagiging mabigat ito dahil sa ganitong mga pangyayari.

3. INUTIL NA ASAWA. Maraming babaeng manggagawang pinoy ang napipilitang mangibang bansa upang matustusan ang kakulangan ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang mga tamad at inutil na asawa. Mas gugustuhin pa ng mga babaeng Pilipino na mahiwalay sa kanilang mga anak upang lumayo lamang sa buhay na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga asawang wala din hanapbuhay.

Sila yung mga babaeng nakapag-asawa ng mga iresponsableng lalaki na walang ibang ginawa kundi tumambay sa kanilang bahay at maghintay ng maihahain na pagkain sa lamesa. Sila yung mga asawang wala na ngang makain, nagdadala pa ng mga barkadang lasenggo at sugarol sa kanilang bahay upang lumaklak ng alak. Mas gugustuhin pa ng isang babaeng Pilipino na maging DH (Domestic Helper) sa ibang bansa, sapilitang iwan ang kaniyang mga anak, upang maghanapbuhay sa ibang bansa para lamang matustusan ang kakulangan ng kanilang mga batugang asawa.

Tinitiis ng mga manggagawang Pinay ang mag-alaga ng mga anak na hindi sa kanila upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ginagawa rin nila ito upang makatakas sa hirap ng buhay dala ng kanilang tamad at inutil na asawa.

4. PAG-ABOT AT PAGTUPAD SA MGA PANGARAP. “Walang asenso dito sa Pinas.” Ito ang madalas na dahilan ng mga kababayan nating matayog ang pangarap sa buhay. Ika nga, nauubusan na ang Pilipinas ng mga matatalino at respetadong mga manggagawa sapagkat lumalabas sila ng bansa upang ibenta ang kanilang mga serbisyo at  kakayahan sa ibang bansa sa mas mataas na sahod.

Hindi lingid sa atin na marami tayong mga kababayang propesyunal na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Halimbawa na lamang dito ang executive chef ng White House na isang Pilipina na sana nagbibigay ng sariling serbisyo sa ating sariling Pangulo. Ngunit ang pangulo ng Estados Unidos ang nakakatikim ng kanyang masarap na hain ng pagkain.

Marami din tayong mga kababayan sa ibang bansa na humahawak ng matataas na posisyon tulad ng superbisor, manager, top executives, at stakeholders sa kani-kanilang mga kumpanya. Kabilang dito ang mga propesyong tulad ng doctor, lawyers, engineers, certified public accountants, auditors at iba pa. Nangangahulugan ito na bagamat ang tingin ng ibang bansa sa mga manggagawang Pilipino ay mga DH lamang, lingid sa kanilang kaalaman na ang bawat bansa sa buong mundo ay may Pilipinong manggagawa na bumubuhay sa kanilang mga kumpanya.

Ngunit katotohanan din na bagamat meron tayong ganitong mga propersyunal sa ibang bansa, hindi maikakaila na iniwan din nila sa kani-kanilang mga magulang ang kanilang mga anak. Ang ibang mga iniwang bata, musmos pa lamang ay iniiwan na dito sa Pinas ng kanilang mga magulang upang maghanapbuhay sa ibang bansa. Ang iba naman maaaring iniwan sa kanilang mga kamag-anak na kung minsan nagiging kalunuslunos ang kanilang kalagayan sa kanilang mga kamay. Ngunit mapapalad ang ganitong mga bata kung tutuusin, sapagkat paglaki nila meron silang magagamit na panustus sa kanilang kinabukasan.

5. ANG PANGARAP KONG KANO. Ordinaryo ng makita ang mga kababayan nating nakapag-asawa ng mga dayuhan. Makikita mo sila sa bawat sulok ng Pilipinas. Isang katotohanan sa mga Pilipina na marami sa kanila ang may pangarap na makapag-asawa ng puti o kano. At isa ring katotohanan na ginagawa nila ito sapagkat umaasa sila na makukuha sila ng mga dayuhan pabalik sa kanilang mga bansa. Ang iba naman nakapagasawa na mismo sa abroad ng isang dayuhan at hindi na nakauwi dito sa Pilipinas sapagkat meron na silang pamilya sa piling ng isang dayuhan.

Ngunit hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang iniwan ng kanilang mga asawang dayuhan. Kaya naman, marami tayong nakikitang kababayan nating mga kabataan na mukhang dayuhan ang itsura. Ito yung mga kabataan na ang mga ama ay mga dayuhan. At ito rin yung mga kabataang iniwan ng kanilang amang dayuhan dito sa Pilipinas. Sila yung mga tinatawag na Amerisians.

Isang masaklap na katotohanan na marami tayong mga kababayang Pilipina ang isinama ng kanilang mga kasintahan o asawang dayuhan sa ibang bansa na walang kaalam-alam na gagawin lang pala silang mga alipin at tauhan.

6. BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING AT WHITE SLAVERY. Marami ang manloloko sa Pilipinas, kapwa Pilipino man o dayuhan. Sila yung mga taong nagpapangako ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa. Ang madalas na biktima ng mga ito ay mga menor-de-edad na mga kabataan. Ito yung mga kabataang nangangarap makapagasawa ng mga dayuhan. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na sila ay ibebenta sa ibang bansa upang maging mga alipin ng mga dayuhan.

Ang iba naman ang inaakala nila ay papasok sila sa isang magandang kumpanya ngunit kapag sila ay nasa ibang bansa na, mauunawaan nila na sila ay gagawing katulong ng mga malulupit na dayuhan. Marami na tayong nabalitaan na namatay na mga kababayan natin sa kamay ng malulupit nilang mga amo. Ang epekto nito, hindi lamang ang nawalang buhay ng isa nating kaawa-awang kababayan kundi pati na rin ang kahirapan at hinagpis ng kanyang iniwang mga anak at pamilya sa Pilipinas.

7. ENTERTAINMENT FOR SALE. Sino ang hindi nakakaalam ng turing na Japayuki? Sila yung mga kababayan nating entertainers sa Japan. Japayuki ang tawag sa mga babaeng entertainers, Justo naman ang tawag sa mga lalaki. Sila ang mga manggagawa nating Pilipino sa Japan na ang hanapbuhay ay magbigay aliw sa pamamagitan ng talento sa pagkanta at pagsayaw sa mga club, beerhouse, studios, at hotels sa mga manunuod na Hapon.

Para sa iba, ang turing na Japayuki at Justo ay may masama at mabuting kunotasyon. Ang mga Japayuki kasi ay iniisip ng marami na mga tagaaliw ng mga Hapon. Kapag sinabi kasi sa Pilipinas na tagaaliw, binibigyan natin ito ng ibang kahulugan tulad ng turing na pokpok, hostes, at mga magdalena. Inaakala natin na isang maruming hanapbuhay ang pagiging Japayuki at Justo. Sa kalaunan, inuuyaw natin ang ating kapwa Pilipino na matapat na naghahanapbuhay sa ibang bansa.

Dito nagiging kawawa ang mga kabataan nating may mga magulang na Japayuki o Justo. Sapagkat inuuyaw (inaasar) sila ng kanilang mga kapwa kabataan na Japayuki daw ang kanilang mga magulang. Binibigyang kahulugan nila na marumi ang pagiging Japayuki o Justo. Ito naman ngayon ang maitatatak na isip ng kawawang bata at kakalakihan niya ang paniniwalang ang pagiging Japayuki o Justo ay marumi.

Ngunit ang totoo, hindi ganito ang mga Japayuki at mga Justo. Marami sa kanila ang malinis ang hanapbuhay sa Japan. Ang pagiging Japayuki at Justo ay isang klase ng trabaho sa Japan na binabayaran ng mga Hapon ng mataas na sahod. Lingid sa kaalaman nating lahat na hindi mga pokpok o hostess ang mga Japayuki at Justo. Hindi natin alam na may mga klase ng Japayuki at Justo na ang trabaho lamang nila ay kumanta, sumayaw at magtanghal sa harap ng mga Hapon. Hindi sila pwedeng ilabas sa club o beerhouse (tulad ng mga pokpok) ng mga Hapon para bayaran sa seks. Ipinagbabawal din sa mga Hapon na sila ay hawakan o bastusin. Kaya naman mataas ang tingin ng mga ito sa kanila.

Kaya naman madalas ang mga kababayan nating Japayuki ay nakakapaguwi ng mga “lapad” (pera ng Hapon) at nakakapagtayo ng magaganda at malalaking bahay kapag nagkaroon ng magandang kapalaran sa Japan.

Sa ibang dako naman, ang mga nabanggit sa ibaba ang ilan sa mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino.

8. ANG PANGARAP KONG STATE-SIDE NA EDUKASYON. Tanggapin na natin, kung ikukumpara ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, mas malayong mas maganda ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa. Kaya naman, ang ilan sa ating mga kababayan na may kakayahang tustusan ang pag-aaral sa ibang bansa, mas nagnanais na mangibang bayan upang manaliksik ng mas mataas na kaalaman. Ang ilan sa ating mga propesyunal at mga respetadong opisyal sa gobyerno ay sa ibang bansa kumuha ng edukasyon tulad ni Senador Miriam Defensor na kilala nating talaga namang napakatalinong Pilipino.

9. AYOKO NG MAGING PILIPINO. Hindi mahirap ang bayang Pilipinas! Bakit? Sapagkat hindi natin maikakaila na bagamat may mga kababayan tayong lumalabas ng bansa upang maghanapbuhay, meron din naman tayong mga kababayan na nangingibang bayan sapagkat gusto nilang subukan ang mabuhay sa ibang bansa.

Green Card, ito ang pangarap na makuha ng sinumang Pilipino na nangangarap maging mamamayan ng Estados Unidos. Marami na tayong mga kababayang Pilipino ang naging ganap ng Amerikano sa pamamagitan ng batas ng Estados Unidos. Kapag meron kang Green Card ibig sabihin nito isa ka ng mamamayan ng U.S.

Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, katotohanan din na bagamat may mga kababayan tayo na ganap ng mga Amerikano, hindi nila maikakaila na hindi lahat ng miyembro ng kanilang pamilya (ang iba ay mga anak at asawa nila) ay mga ganap na ring mga Amerikano. Ang totoo, marami pa sa kanilang mga kamag-anak ang nandito pa sa Pilipinas na naghihirap at naghihintay na makuha sila ng kanilang mga magulang o kamag-anak sa ibang bansa.

10. TAWAG NG TUNGKULIN. Ang huling bahagi ng mga dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga kababayan nating mga Pilipino ay ang tinatawag nating “tawag ng tungkulin”. Meron itong ibat-ibang kahulugan sapagkat ang “tungkulin” ay isang malawak na termino.

Meron kasi tayong mga kababayang propersyunal na gustuhin man nila o hindi, kailangan nilang mangibang bansa dahil sa uri ng kanilang kakayahan o propesyon. Tulad na lamang ng mga pastor, pari, at mga ebanghelista na kailangang madestino sa kanilang mga kongregasyon na nasa ibayong dagat na sakop ng kanilang tungkulin. Ang mga iba naman ay mga direktor, artista, at espesyalista. Ang iba naman ay mga ipinadala ng mga pampubliko at pribadong tanggapan tulad ng mga embahador at mga tagapag-ugnay sa ating pamahalaan. Ang mga nasa pribadong sektor naman, ipinapadala ang ilan sa kanilang mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa upang pangasiwaan ang kanilang negosyo sa ibayong dagat. At katulad ng iba, ang mga manggagawang ito ay kailangang iwan dito sa Pilipinas ang kanilang mga anak, pamilya at kamag-anak sa pag-asang magkakaroon sila ng magandang kapalaran sa ibang bansa.

Tunay, nagkalat ang mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Ang bawat Pilipinong ito ay may ibat-ibang dahilan kung bakit sila naroon. Napadpad sila sa ibayong dagat sa ibat-ibang uri ng kanilang kapalaran at mga pangarap. Mahirap man o mahirap, matagumpay o nasawi, at masaya man o malungkot ang kanilang mga buhay iisa lang ang mananatiling katotohanan….saan mang sulok ng mundo naruroon ang mga kababayan natin, mananatili sa kanilang mga ugat ang dugo ng isang Pilipino.

Yoohooo Balikbayan Box!!!

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, OFW by Blog Ong
Ito ang pinakasikat na kahon sa Pilipinas.
Ito ang pinaka-aasam na kahon ng mga pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa.
Ito ang kahon na naglalaman ng buong mundo pabalik sa ating bansa.
Ito ang kahon na sumisimbolo sa mga OFW.
Tama, ito ang tanyag na BALIKBAYAN BOX.
Naisip ko lang isa-isahin ang sampu (10) sa mga karaniwang nilalaman ng isang Balikbayan Box. Masayang namnamin
paminsan-minsan ang mga bagay na kung tawagin natin ay “state-side”. Masarap balikan ang mga aral na nakatanggap tayo
ng mga pangarap nating pasalubong mula sa ibang bansa. Halika at isa-isahin nating buklatin ang laman ng PINOY
BALIKBAYAN BOX.
1. SANDAMAKMAK NA TSOKOLATE. Ito ang unang-una mong makikita sa loob ng isang balikbayan box. Matitikman mo ang
ibat-ibang klase ng tsokolate na mula sa ibang bansa. Sino bang hindi nakatikim ng Sneakers, Butterfinger, Lindt Chocolates,
Hersheys, Kisses, Mars, Hudhgens, at maraming marami pang ibang klase ng tsokolate. At sino bang hindi makakalimot
bumili ng tanyag na Toblerone? Idagdag mo na rin dito ang ibat-ibang klase ng cookies at tinapay, crackers, waffers, at
candies. Ito ang madalas na nasa ibabaw ng balikbayan box sapagkat madali itong matunaw.
2. MGA PLASTIC NA DE-PANGALAN. Oo, tama ang iniisip niyo. Mawawala ba naman ang mga nakaplastic-plastik na
pasalubong sa loob ng isang balikbayan box? Malalaman mo kung kanino mapupunta ang naturang plastik na iyon sapagkat
meron itong pangalan. Ibig sabihin nito, bago pa man ilipad ng eroplano o dalhin ng barko ang balikbayan box, meron ng
nagmamay-ari nito. At walang pwedeng magbukas nito kundi ang nakapangalan.
Maaaring brand new original rubber shoes (Nike, Adidas, Reebok, etc), original na Rado watches o relo (pwede ring Seiko,
Casio, o Aquamarine), original na celfon, original na PSP, original na shades, at iba pang mga ipinagpauna ng ipinabibili ng
mga kamag-anak sa pinas. Nangyayari ito lalo na kapag may birthday, graduation, debut, binyag o ano pa mang okasyong
hindi ka nabigyan noon ng regalo. Kaya bumawi ka at nagrequest ng gusto mong ipadala sa iyo sa balikbayan box.
3. MGA BAGS, DAMIT, SAPATOS AT MGA PANG-GARUTAY. Habang hinahalukay mo ang kaloob-looban ng balikbayan box
mo, maaamoy mo na ang ibat-ibang klase ng mababangong amoy. Pero hindi mo agad ito makikita sapagkat sila ay
nakasiksik sa mga bulsa ng mga bag na ipinadala sa iyo. Ito yung mga pabango at panggarutay (make-ups and accessories)
na “state-side” na binili ng mga kamag-anak mo sa ukay-ukay sa ibang bansa.
Yung iba naman inipon ng mga kamag-anak mong OFW mula sa mga eroplanong kanilang nasakyan. Hindi nila ito ginagamit
sapagkat gusto nila itong ipadala sa iyo. At mapapansin mo din, ang ibang pabango sa sobrang kabanguhan ayaw mo itong
gamitin sapagkat baka magka-sinusitis ka. Ang masaklap kapag nasubrahan mong gumamit nito, mangangamoy bombay ka.
Madalas nakadisplay na lang ang mga pabangong ito sa harap ng tokador (mirror) sapagkat magaganda ang mga bote nito.
Madalas ka rin makahanap sa loob ng kahon ng mga balat at matitibay na sapatos galing sa ibang bansa. Kasama ng mga ito
ang mga bag na may tatak orihinal tulad ng Channel, Dolce and Gabbana, Louis Vitton, at Versace. At madalas hindi
nakakalimutang buksan agad ang mga bulsa nito sapagkat maaari itong may lamang alahas, dollar, relo, o pabango.
4. MGA DE LATA, STATE-SIDE COFFEE, GATAS, AT MGA KESO. Ito ang mga dahilan kung bakit mabigat ang isang
balikbayan box. Sino bang hindi pa nakakatikim ng tanyag na Spam Corned Beef, Campbells Soup, Imperial Luncheon Meat,
Imperial Corned Beef at sausages.
Madalas pinag-aagawan din ng mga matatanda ang mga state-side na kape tulad ng Davidoff, Nescafe (na meron din naman
dito sa Pinas), Hills Bros. Coffee, at marami pang iba.Madalas may kasama din gatas at creamer. Kung minsan meron din
asukal na bloke-bloke ang disenyo.
Ang pinakapaborito naman ng mga bata (bukod sa mga tsokolate at candies) ay ang mga keso. Meron itong ibat-ibang
disenyo, may bilog, parisukat, parihaba at iba pang hugis. Nakakatuwa din ang mga lalagyan ng mga ito at madalas hindi natin
ito itinatapon kapag wala na itong laman. Itinatago natin ang mga ito sa ating mga kabinet. Kung hindi man, madalas ginagamit
din natin ang mga ito na lalagyan ng kape, asukal, gatas, suka, asin, at kung ano-anu pa.
5. MGA STATE-SIDE NA SABON, TOILETRIES, AT GAMIT SA KUSINA. Sino ba namang makakalimot magpadala ng mga
sabon na galing sa ibang bansa. Ang mga ito kasi ay mura doon. Hindi katulad dito sa Pinas na ang mga ito ay napakamahal.
Hindi mawawala ang malalaking bote ng Jonhson and Jonhson soaps and shampoes, Dove Soaps, Nivea Soaps, Jergens
Soaps, at ang mabangong sabon na Check. Hindi rin mawawala ang malalaking toothpaste na Closeup, Colgate, Pepsodyne,
at Sensodyne na mahahalata mong binili talaga sa ibang bansa. Nandyan din ang malalaking bote ng shampoo and
conditioners.
6. MGA PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA. Pinakaaabangan din ng mga nangangarap pumuti, kuminis, gumanda at gumwapo
ang mga state-side na lotion, facial wash, moisturizers, toning creams, hand sanitizers, at beauty vitamins. Sikat na
ipinapadala ang Dove lotions, Nivea, Jergens, Victoria’s Secret, St. Ives, at Ponds. Kung dito mo bibilhin sa Pilipinas ang mga
ito, sa halip na gumanda ka, papangit ka sa stress sa sobrang mahal ang presyo.
Madalas ang mga ito ay mga nakasiksik sa gilid-gilid ng balikbayan box sapagkat hindi pwedeng mapisa ang mga ito. Ito rin
ang sanhin ng mabangong halimuyak kapag binuksan ang isang balikbayan box.
7. MGA ALAHAS AT ACCESSORIES. Ang mga ito naman ang pinakahihintay na mahalukay ng mga nanay. Hindi mo agad ito
makikita sapagkat bukod sa madalas maliit lamang ang sisidlan ng mga ito, madalas ito ay isinisiksik kung saan sa loob ng
balikbayan box. Maaaring nasa bulsa ng isang bag, nasa bulsa ng isang pantalon o damit, nasa loob ng isang box na malaki
na meron pang isang-daang box sa loob, o nakaipit sa isang sobre. Maliliit ang mga ito ngunit ito ang pinaka-aabangan ng mga
nanay at tatay…ang pasalubong na alahas para sa kanila.
8. MGA KURTINA AT BEDSHEETS. Bukod sa alahas at mga makikinang na bagay, ang mga kurtina at bedsheets naman ang
isa sa tunay na nakakapagpasabik sa mga nanay habang hinahalukay ang balikbayan box. Mahahalata mo kasi sa isang
bahay kung meron silang kasambahay na nasa ibang bansa. Madalas may magaganda, makakapal, makikinang, at malalapad
na kurtina ang mga bintana at pintuan ng mga bahay na ganito. Kung papalarin kang pumasok sa kanilang silid-tulugan,
mapapansin mo ang magara at malapad na king-size bedsheets ng mga ito.
9. MGA ORIHINAL NA LARUAN! Remote controlled car na yata ang pinakasikat na pasalubong sa mga batang lalaki na may
mga magulang o kapatid sa ibang bansa. Barbie dolls at Brat dolls naman para sa mga babae. Kung hindi man mga malalaki
at supercute stuff toys tulad nila Hello Kitty, Tweety Bird, Garfield, Elmo at Olive. Mawawala ba naman ang mga maliliit Marvel
Heroes at mga tau-tauhang laruan?
Sa panahon ngayon, medyo demanding na mga bata. Madalas ayaw na nila ang pangkaraniwang laruan tulad ng maliliit na
kotse, manika at mga toy accessories. Ang gusto na ng mga bata ngayon ay ang mga mamahaling laruan tulad ng PSP, Wii,
Nintendo, PS5, MP4 with Games at iba pang modernong laruan. Ang mga nagbibinata naman, gusto nila ng bagong cellphone,
mp3/mp4, iPod, relo, at laptops. Kaya hindi nakapagtataka kung meron ka ding mahalukay na mga ganito sa loob ng
balikbayan box.
10. MGA APPLIANCES. Kung pwede lang ipadala ng mga OFW ang lahat ng klase ng appliances na meron sila sa ibang
bansa, ipapadala nila ito sa Pilipinas. Ang mga madalas na ipadala ay TV, LCD, laptops, Mini-Component, Microwave Oven,
Heaters, Grillers at marami pang appliances na kasya sa loob ng balikbayan box. Kung pwede lang maglagay ng ref, washing
machine, aircon, at gas and electric range gagawin din nila.
Mapapansin mo ang mga appliances na galing sa ibang bansa. Una, sa itsura ng saksakan ng mga ito. Ang mga ito ay
madalas may tatlong panusok sa kuryente o saksakan. Pangalawa, sa boltahe ng kuryente. Kapag ang appliances ay galing
sa Amerika, ang mga ito ay may 110 na boltahe. Pangatlo, sa brand, pangalan, o tatak ng appliances. Kung made in kuwait, o
USA, o Singapore ang mga ito, tiyak orihinal itong binili sa ibang bansa. Pero kung Made in China ito, malamang binili yun sa
ukay-ukay sa ibang bansa.

balikbayan-boxIto ang pinakasikat na kahon sa Pilipinas.
Ito ang pinaka-aasam na kahon ng mga pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa.
Ito ang kahon na naglalaman ng buong mundo pabalik sa ating bansa.
Ito ang kahon na sumisimbolo sa mga OFW.
Tama, ito ang tanyag na BALIKBAYAN BOX.

Naisip ko lang isa-isahin ang sampu (10) sa mga karaniwang nilalaman ng isang Balikbayan Box. Masayang namnamin paminsan-minsan ang mga bagay na kung tawagin natin ay “state-side”. Masarap balikan ang mga araw na nakatanggap tayo ng mga pangarap nating pasalubong mula sa ibang bansa. Halika at isa-isahin nating buklatin ang laman ng PINOY BALIKBAYAN BOX.


1. SANDAMAKMAK NA TSOKOLATE. Ito ang unang-una mong makikita sa loob ng isang balikbayan box. Matitikman mo ang ibat-ibang klase ng tsokolate na mula sa ibang bansa. Sino bang hindi nakatikim ng mamaning Sneakers, sobrang tamis na Butterfinger, mamahaling Lindt Chocolates, tanyag na Hersheys, Kisses, Mars, Hudhgens, at maraming marami pang ibang klase ng tsokolate. At sino bang hindi makakalimot bumili ng tanyag na Toblerone? Idagdag mo na rin dito ang ibat-ibang klase ng cookies at tinapay, crackers, waffers, at candies. Ito ang madalas na nasa ibabaw ng balikbayan box sapagkat madali itong matunaw.

2. MGA PLASTIC NA DE-PANGALAN. Oo, tama ang iniisip niyo. Mawawala ba naman ang mga nakaplastic-plastik na pasalubong sa loob ng isang balikbayan box? Malalaman mo kung kanino mapupunta ang naturang plastik na iyon sapagkat meron itong pangalan. Ibig sabihin nito, bago pa man ilipad ng eroplano o dalhin ng barko ang balikbayan box, meron ng nagmamay-ari nito dito sa Pilipinas. At walang pwedeng magbukas nito kundi ang nakapangalan.

Maaaring brand new original rubber shoes (Nike, Adidas, Reebok, etc), original na Rado watches o relo (pwede ring Seiko, Casio, o Aquamarine), original na celfon, original na PSP, original na shades, at iba pang mga ipinagpauna ng ipinabibili ng mga kamag-anak sa pinas. Nangyayari ito lalo na kapag may birthday, graduation, debut, binyag o ano pa mang okasyong hindi ka nabigyan noon ng regalo. Kaya bumawi ka at nagrequest ng gusto mong ipadala sa iyo sa balikbayan box.

3. MGA BAGS, DAMIT, SAPATOS AT MGA PANG-GARUTAY. Habang hinahalukay mo ang kaloob-looban ng balikbayan box mo, maaamoy mo na ang ibat-ibang klase ng mababangong amoy. Pero hindi mo agad ito makikita sapagkat sila ay nakasiksik sa mga bulsa ng mga bag na ipinadala sa iyo. Ito yung mga pabango at panggarutay (make-ups and accessories) na “state-side” na binili ng mga kamag-anak mo sa ukay-ukay sa ibang bansa.

Yung iba naman inipon ng mga kamag-anak mong OFW mula sa mga eroplanong kanilang nasakyan. Hindi nila ito ginagamit sapagkat gusto nila itong ipadala sa iyo. At mapapansin mo din, ang ibang pabango sa sobrang kabanguhan ayaw mo itong gamitin sapagkat baka magka-sinusitis ka. Ang masaklap kapag nasubrahan mong gumamit nito, mangangamoy bombay ka.

Madalas nakadisplay na lang ang mga pabangong ito sa harap ng tokador (mirror) sapagkat magaganda ang mga bote nito. Madalas ka rin makahanap sa loob ng kahon ng mga balat at matitibay na sapatos galing sa ibang bansa. Kasama ng mga ito ang mga bag na may tatak orihinal tulad ng Channel, Dolce and Gabbana, Louis Vitton, at Versace. At madalas hindi nakakalimutang buksan agad ang mga bulsa nito sapagkat maaari itong may lamang alahas, dollar, relo, o pabango.

4. MGA DE LATA, STATE-SIDE COFFEE, GATAS, AT MGA KESO. Ito ang mga dahilan kung bakit mabigat ang isang balikbayan box. Sino bang hindi pa nakakatikim ng tanyag na Spam Corned Beef, Campbells Soup, Imperial Luncheon Meat, Imperial Corned Beef at sausages.

Madalas pinag-aagawan din ng mga matatanda ang mga state-side na kape tulad ng Davidoff, Nescafe (na meron din naman dito sa Pinas), Hills Bros. Coffee, at marami pang iba.Madalas may kasama din gatas at creamer. Kung minsan meron din asukal na bloke-bloke ang disenyo.

Ang pinakapaborito naman ng mga bata (bukod sa mga tsokolate at candies) ay ang mga keso na may ibat-ibang lasa. Meron itong ibat-ibang disenyo, may bilog, parisukat, parihaba at iba pang hugis. Nakakatuwa din ang mga lalagyan ng mga ito at madalas hindi natin ito itinatapon kapag wala na itong laman. Itinatago natin ang mga ito sa ating mga kabinet. Kung hindi man, madalas ginagamit din natin ang mga ito na lalagyan ng kape, asukal, gatas, suka, asin, at kung ano-anu pa.

5. MGA STATE-SIDE NA SABON, TOILETRIES, AT GAMIT SA KUSINA. Sino ba namang makakalimot magpadala ng mga sabon na galing sa ibang bansa. Ang mga ito kasi ay mura doon. Hindi katulad dito sa Pinas na ang mga ito ay napakamahal. Hindi mawawala ang malalaking bote ng Jonhson and Jonhson soaps and shampoes, Dove Soaps, Nivea Soaps, Jergens Soaps, at ang mabangong sabon na Check. Hindi rin mawawala ang malalaking toothpaste na Closeup, Colgate, Pepsodyne, at Sensodyne na mahahalata mong binili talaga sa ibang bansa. Nandyan din ang malalaking bote ng shampoo and conditioners.

6. MGA PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA NI ATE. Pinakaaabangan din ng mga nangangarap pumuti, kuminis, gumanda at gumwapo ang mga state-side na lotion, facial wash, moisturizers, toning creams, hand sanitizers, at beauty vitamins. Sikat na ipinapadala ang Dove lotions, Nivea, Jergens, Victoria’s Secret, St. Ives, at Ponds. Kung dito mo bibilhin sa Pilipinas ang mga ito, sa halip na gumanda ka, papangit ka sa stress sa sobrang mahal ang presyo.

Madalas ang mga ito ay mga nakasiksik sa gilid-gilid ng balikbayan box sapagkat hindi pwedeng mapisa ang mga ito. Ito rin ang sanhi ng mabangong halimuyak kapag binuksan ang isang balikbayan box.

7. MGA PANGARAP NA ALAHAS AT ACCESSORIES INAY. Ang mga ito naman ang pinakahihintay na mahalukay ng mga nanay. Hindi mo agad ito makikita sapagkat bukod sa madalas maliit lamang ang sisidlan ng mga ito, madalas ito ay isinisiksik kung saan sa loob ng balikbayan box. Maaaring nasa bulsa ng isang bag, nasa bulsa ng isang pantalon o damit, nasa loob ng isang box na malaki na meron pang isang-daang box sa loob, o nakaipit sa isang sobre. Maliliit ang mga ito ngunit ito ang pinaka-aabangan ng mga nanay at tatay…ang pasalubong na alahas para sa kanila.

8. MGA KURTINA AT BEDSHEETS NI INAY. Bukod sa alahas at mga makikinang na bagay, ang mga kurtina at bedsheets naman ang isa sa tunay na nakakapagpasabik sa mga nanay habang hinahalukay ang balikbayan box na ipinadala ng kanilang mga anak na nasa ibang bansa. Mahahalata mo kasi sa isang bahay kung meron silang kasambahay na nasa ibang bansa. Madalas may magaganda, makakapal, makikinang, at malalapad na kurtina ang mga bintana at pintuan ng mga bahay na ganito. Kung papalarin kang pumasok sa kanilang silid-tulugan,mapapansin mo ang magara at malapad na king-size bedsheets sa kanilang mga higaan.

9. MGA ORIHINAL NA LARUAN NI JUNIOR! Ang remote controlled cars at mga “talking and walking robots” na yata ang pinakasikat na pasalubong sa mga batang lalaki na may mga magulang o kapatid sa ibang bansa. Barbie dolls at Brat dolls naman para sa mga batang  babae. Kung hindi man, mga malalaki at supercute stuff toys tulad nila Hello Kitty, Tweety Bird, Garfield, Elmo at Olive. Mawawala ba naman ang mga maliliit na Marvel Heroes at mga tau-tauhang laruan?

Sa panahon ngayon, medyo demanding na mga bata. Madalas ayaw na nila ang pangkaraniwang laruan tulad ng maliliit na kotse, manika at mga toys accessories. Ang gusto na ng mga bata ngayon ay ang mga mamahaling laruan tulad ng PSP, Wii, Nintendo, PS5, MP4 with Games at iba pang modernong laruan. Ang mga nagbibinata naman, gusto nila ng bagong cellphone, mp3/mp4, iPod, relo, at laptops. Kaya hindi nakapagtataka kung meron ka ding mahalukay na mga ganito sa loob ng balikbayan box.

10. MGA APPLIANCES NA PINAGKASYA SA KAHON. Kung pwede lang ipadala ng mga OFW ang lahat ng klase ng appliances na meron sila sa ibang bansa, ipapadala nila ito sa Pilipinas. Ang mga madalas na ipadala ay TV, LCD, laptops, Mini-Component, Microwave Oven, Heaters, Grillers at marami pang appliances na pinagkasya sa loob ng balikbayan box. Kung pwede lang maglagay ng ref, washing machine, aircon, at gas and electric range gagawin din nila.

Mapapansin mo ang mga appliances na galing sa ibang bansa. Una, sa itsura ng saksakan ng mga ito. Ang mga ito ay madalas may tatlong panusok sa kuryente o saksakan. Pangalawa, sa boltahe ng kuryente. Kapag ang appliances ay galing sa Amerika, ang mga ito ay may 110 na boltahe. Madalas ang mga ito ay pumuputok kapag ginamit na dito sa Pinas na may 220v na saksakan. Pangatlo, sa brand, pangalan, o tatak ng appliances. Kung Made in Kuwait, o USA, o Singapore, o Finland ang mga ito, tiyak orihinal itong binili sa ibang bansa. Pero kung Made in China ito, malamang binili yun sa ukay-ukay o di kaya sa mga tiangge sa ibang bansa .

Ang balikbayan box na nga siguro ang simbolo ng isang manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Ito ay naglalarawan ng ibat-ibang pangarap na umunlad at guminhawa ang pamumuhay.  Ito rin ay sumasagisag sa ugali ng bawat Pinoy na mahilig pa rin sa state-side na mga kagamitan. Makikita mo rin sa loob ng isang balikbayan box ang bawat pagsasakit at pagsisikap ng bawat manggagawang Pilipino. Ito ang nagkukubli sa kanilang mga kalungkutan at ligaya, sa kanilang hirap at ginhawa, sa kanilang hapis at mga pag-asa.

Tunay, ang balikbayan box madalas nagkukubli at nagtatago ng tunay na kalagayan at buhay ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa.

10 Sulat na AYAW matanggap ng mga OFW

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, OFW by Blog Ong
Ayoko sanang isulat ang mga ito sapagkat ayokong malungkot at masaktan sa anumang paraan ang mga kababayan nating
mga OFW sa ibang bansa. Ngunit dahil sa ang mga ito naman ay totoong nangyayari, minarapat kong isulat pa rin sapagkat
alam kong makaka-relate ang ating mga kababayan dito kahit ang mga ito ay medyo may kunting kurot sa puso.
Ang mga balitang ito ay maaaring matanggap ng ating mga kababayang OFW mula sa mga kamag-anak nila dito sa Pinas sa
ibat-ibang paraan tulad ng sulat, text message, tawag sa celfon, email at iba pang paraang pang-komunikasyon.
1. Dear anak,
Anak, ayoko na sanang sabihin sa iyo to dahil ayokong mag-alala ka. Pero ninenerbyos na rin ako sa kalagayan ng anak mo.
Hindi bumababa ang lagnat niya. Kahapon lang, ang sigla-sigla naman nilang naglalaro ng mga kaibigan niyang bata. Pero
ngayon ang taas na ng lagnat niya. Gusto ko sana siyang itakbo ngayon sa hospital kaso gabing-gabi na at wala ng mahingan
ng tulong. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Pero wag kang mag-alala babantayan ko siya buong gabi at pansamantalang
lulunasan ang lagnat niya. Bukas na bukas itatakbo ko siya sa doctor. Mag-ingat ka diyan anak ha?
2. Dear ma,
Alam niyo na siguro ang nangyari dito sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw. Sa kasamaang palad ma, nadamay ang ating
bahay sa baha na dala ni Ondoy. Nagiba ang ating bahay ma. Mabuti na lang at ligtas kami nila papa. Si bunso muntikang
malunod sa baha at maanod ng tubig. Buti na lang at nailigtas siya ni papa.
Wala kaming nailigtas sa mga gamit natin ma. Ang mga binili ninyong mga appliances at mga gamit nasira lahat. Pati mga
damit namin naanod sa malakas na anod ng tubig. Pasalamat na lamang kami at buhay kaming lahat ng mga kapatid ko pati
na si papa. Nandito kami ngayon sa evacuation area ma. Sana makapagpadala kayo agad na magagamit namin.
3. Dear ma,
Ma, sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon diyan. Kami ng mga kapatid ko ok naman kami dito. Ma, ayoko sanang
sabihin sa inyo ito kasi alam ko masasaktan kayo at sobrang mag-aalala sa amin. Pero hindi ko na kayang itago ang lahat
ma. SI PAPA, NAGUUWI PO NG BABAE DITO SA BAHAY. Magkatabi po sila sa pagtulog. Sabi niya sa amin, huwag daw
kaming magsusumbong sa inyo kundi sasaktan daw niya kaming lahat na magkakapatid.
Minsan hindi rin po siya umuuwi ng bahay at minsan hindi kami nakakakain kasi hindi siya nag-iiwan ng perang pambili ng
pagkain namin. Madalas po namin siya nakikita pumupunta sa beerhouse sa may kanto at doon may mga kasama siyang
babae. Doon niya inuubos ang perang pinapadala niyo sa kanya. Nagsisinungaling siya pag sinasabi niya sa inyo na
nakakapasok pa sa school si bunso tsaka si nene. Pinatigil na niya sila kasi wala daw pera. Ako na lang ang pumapasok ma,
hindi ko sinasabi sa inyo na nagwoworking student na ako. Ipinangsusugal din ni papa yung mga pinapadala niyo.
Ma, wag niyo sasabihin kay papa na sinabi ko sa inyo ito ha? Papaluin niya kami pag nalaman niya. Ingat kayo lagi diyan ma.
Miss na miss na namin kayo.
4. Dear Pa,
Kamusta ka na diyan? Ok ka lang ba? Kami hindi kami ok dito. Lagi na lang nag-aaway mga bata. Hindi ko na alam kong
paano sila didisiplinahin. Hindi sila nakikinig sa akin. Yung panganay mo, madalas ng hindi umuuwi ng bahay. Laging
nakikitulog sa mga kabarkada niyang lasenggo. Madalas umuwi na amoy alak. Si Nene naman, lagi din late kung umuwi ng
bahay. Puros barkada inaatupag nila. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa mga anak natin.
5. Dear Ma,
Ma, meron sana akong ipagtatapat sa inyo. Pero ma, huwag sana kayong magagalit ha? Ma, BUNTIS AKO. Dalawang buwan
na akong walang dalaw. Ayokong sabihin kay papa kasi baka bugbugin niya ako eh. Ma, anong gagawin ko?
6. Dear ate,
Te, nahihiya ako sa iyo. Alam kong ilang beses na itong nangyari at lagi mo akong binibigyan ng chance. Pero hindi ako
nag-iimprove. TE BAGSAK NA NAMAN AKO! Kailangan ko na namang ulitin yung subject. Ang laki na ng gastos mo sa akin.
Te, hindi na daw ako pwede sa course ko sabi ng guidance center, hindi na ako pasado sa cut-off, ibig sabihin kailangan ko na
daw kumuha ng ibang kurso na kaya ko. Pasensya ka na te! Sorry talaga!
7. Dear ma,
Hindi ko na kaya ang ginagawa sa amin ni papa. Lagi na lang niya kaming binubugbog at sinasaktan! Kunting pagkakamali
lang namin suntok at palo na agad ang ibinibigay sa amin. Si bunso halos patayin ni papa sa bugbog dahil babakla-bakla daw.
Ma, ang masakit pa hindi lang bugbog ang inaabot namin kay papa. Ma ayoko sanang sabihin ito pero hindi ko na talaga
kayang pagtakpan si papa. Sinasabi namin sa inyo na maayos kami dito pero ang totoo impiyerno ang nararanasan namin dito
araw-araw. Ma, si papa mimolestya niya ako. Halos gabi-gabi niya akong pinagsasamantalahan. Wala akong magawa kasi
alam ko bubugbugin niya ako pag di ako pumayag. Ang ikinatatakot ko ma, dalawang buwan na akong hindi nagkakamens.
Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.
8. Dear anak,
Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na nitong mga nagdaang buwan, hindi naging maganda ang takbo ng ating negosyo. Naging
matumal ang benta natin. Sinasabayan pa ng mataas na bayad sa mga bilihin. Mas mataas ang gastusin ng negosyo kaysa
sa kinikita natin. Dala ito marahil ng krisis sa buong bansa. Ano kaya anak kung isara na natin ang negosyo?
Malapit na ring hilain ng bangko ang ating negosyo kasi hindi na tayo nakakabayad ng ating utang sa kanila ng ilang buwan.
Alam kong sa iyo lang nanggagaling ang puhunan ng ating negosyo kaya sa iyo lang talaga ako umaasa. Kung may
magagawa lang ako para tulungan ka, pero wala akong kayang maibigay kasi sayo lang din naman nanggagaling ang mga
ginagamit namin dito.
9. Mga kababayang kong OFW,
Alam kong hindi nararapat na humingi sa inyo ng tulong pinansyal sapagkat alam kong mahirap din ang kalagayan ninyo.
Ngunit ang ating pamahalaan ay ginagawa lahat ng paraan upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating
nasalanta ng bagyong ONDOY at PEPENG. Halos ang buong Luzon ay nangangailangan ngayon ng tulong mula sa mga
kababayan nating mapalad na hindi nasalanta ng kalamidad.
Kaugnay nito, nais naming lumapit sa inyo upang manawagan ng anumang tulong na pwede ninyon ibigay sa ating mga
nagugutom at naghihirap na mga kababayan. Maaaring ang iba sa kanila ay mga kamag-anak din ninyo o maaaring mga
pamilya pa ninyo mismo. Ang anumang tulong na pwede ninyong ibigay ay ihatid lamang sa ating mga embahada.
Maraming salamat sa inyong pagtulong.
10. Dear anak,
Hindi pa ba kayo sumasahod? Kailan ka ba magpapadala? Anak, ubos na rin yung huli mong ipinadala. Hindi pa tayo
nakakabayad ng kuryente at tubig. Sa lunes, magpuputol na sila kung hindi pa tayo makakabayad sa linggo. Wala na rin
kaming makain, nahihiya na akong umutang sa may tindahan kasi may utang pa tayo dun na hindi nababayaran. Yung bayad
pa pala sa renta ng bahay. Ano ba yan, patung-patong na ang problema natin. Ang tataas pa ng presyo ng bilihin dito sa Pinas!

sulatAyoko sanang isulat ang mga ito sapagkat ayokong malungkot at masaktan sa anumang paraan ang mga kababayan nating mga OFW sa ibang bansa. Ngunit dahil sa ang mga ito naman ay totoong nangyayari, minarapat kong isulat pa rin sapagkat alam kong makaka-relate ang ating mga kababayan dito kahit ang mga ito ay medyo may kunting kurot sa puso.

Ang mga balitang ito ay maaaring matanggap ng ating mga kababayang OFW mula sa mga kamag-anak nila dito sa Pinas sa ibat-ibang paraan tulad ng sulat, text message, tawag sa celfon, email at iba pang paraang pang-komunikasyon.

1. Dear anak,
Anak, ayoko na sanang sabihin sa iyo to dahil ayokong mag-alala ka. Pero ninenerbyos na rin ako sa kalagayan ng anak mo. Hindi bumababa ang lagnat niya. Kahapon lang, ang sigla-sigla naman nilang naglalaro ng mga kaibigan niyang bata. Pero ngayon ang taas na ng lagnat niya. Gusto ko sana siyang itakbo ngayon sa hospital kaso gabing-gabi na at wala ng mahingan ng tulong. Ang lakas pa ng ulan sa labas. Pero wag kang mag-alala babantayan ko siya buong gabi at pansamantalang lulunasan ang lagnat niya. Bukas na bukas itatakbo ko siya sa doctor. Mag-ingat ka diyan anak ha?

2. Dear ma,
Alam niyo na siguro ang nangyari dito sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw. Sa kasamaang palad ma, nadamay ang ating bahay sa baha na dala ni Ondoy. Nagiba ang ating bahay ma. Mabuti na lang at ligtas kami nila papa. Si bunso muntikang malunod sa baha at maanod ng tubig. Buti na lang at nailigtas siya ni papa.

Wala kaming nailigtas sa mga gamit natin ma. Ang mga binili ninyong mga appliances at mga gamit nasira lahat. Pati mga damit namin naanod sa malakas na anod ng tubig. Pasalamat na lamang kami at buhay kaming lahat ng mga kapatid ko pati na si papa. Nandito kami ngayon sa evacuation area ma. Sana makapagpadala kayo agad ng magagamit namin.

3. Dear ma,
Ma, sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon diyan.  Ma, ayoko sanang sabihin sa inyo ito kasi alam ko masasaktan kayo at sobrang mag-aalala sa amin. Pero hindi ko na kayang itago ang lahat ma. SI PAPA, NAGUUWI PO NG BABAE DITO SA BAHAY. Magkatabi po sila sa pagtulog. Sabi niya sa amin, huwag daw kaming magsusumbong sa inyo kundi sasaktan daw niya kaming lahat na magkakapatid.

Minsan hindi rin po siya umuuwi ng bahay at minsan hindi kami nakakakain kasi hindi siya nag-iiwan ng perang pambili ng pagkain namin. Madalas po namin siya nakikita pumupunta sa beerhouse sa may kanto at doon may mga kasama siyang babae. Doon niya inuubos ang perang pinapadala niyo sa kanya.

Nagsisinungaling siya pag sinasabi niya sa inyo na nakakapasok pa sa school si bunso tsaka si nene. Pinatigil na niya sila kasi wala daw pera. Ako na lang ang pumapasok ma, hindi ko sinasabi sa inyo na nagwoworking student na ako. Ipinangsusugal din ni papa yung mga pinapadala niyo.

Ma, wag niyo sasabihin kay papa na sinabi ko sa inyo ito ha? Papaluin niya kami pag nalaman niya. Ingat kayo lagi diyan ma.

Miss na miss na namin kayo.

4. Dear Pa,
Kamusta ka na diyan? Ok ka lang ba? Kami hindi kami ok dito. Lagi na lang nag-aaway ang mga bata. Hindi ko na alam kong paano sila didisiplinahin. Hindi sila nakikinig sa akin. Yung panganay mo, madalas hindi umuuwi ng bahay. Laging nakikitulog sa mga kabarkada niyang lasenggo. Madalas umuwi na amoy alak. Si Nene naman, lagi din late kung umuwi ng bahay. Puros barkada inaatupag nila. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa mga anak natin. Minsan gusto na kitang pauwiin dito.


5. Dear Ma,
Ma, meron sana akong ipagtatapat sa inyo. Pero ma, huwag sana kayong magagalit ha? Ma, BUNTIS AKO. Dalawang buwan na akong walang dalaw. Ayokong sabihin kay papa kasi baka bugbugin niya ako eh. Ma, anong gagawin ko?


6. Dear ate,
Te, nahihiya ako sa iyo. Alam kong ilang beses na itong nangyari at lagi mo akong binibigyan ng chance. Pero hindi ako nag-iimprove. TE BAGSAK NA NAMAN AKO! Kailangan ko na namang ulitin yung subject. Ang laki na ng gastos mo sa akin. Te, hindi na daw ako pwede sa course ko sabi ng guidance center, hindi na ako pasado sa cut-off, ibig sabihin kailangan ko na daw kumuha ng ibang kurso na kaya ko. Pasensya ka na te! Sorry talaga!


7. Dear ma,
Hindi ko na kaya ang ginagawa sa amin ni papa. Lagi na lang niya kaming binubugbog at sinasaktan! Kunting pagkakamali lang namin suntok at palo na agad ang ibinibigay sa amin. Si bunso halos patayin ni papa sa bugbog dahil babakla-bakla daw.

Ma, ang masakit pa hindi lang bugbog ang inaabot namin kay papa. Ma, ayoko sanang sabihin ito pero hindi ko na talaga kayang pagtakpan si papa. Sinasabi namin sa inyo na maayos kami dito pero ang totoo impiyerno ang nararanasan namin dito araw-araw. Ma, si papa minomolestya niya ako. Halos gabi-gabi niya akong pinagsasamantalahan. Wala akong magawa kasi alam ko bubugbugin niya ako pag di ako pumayag. Ang ikinatatakot ko ma, dalawang buwan na akong hindi nagkakamens. Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.

8. Dear anak,
Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na nitong mga nagdaang buwan, hindi naging maganda ang takbo ng ating negosyo. Naging matumal ang benta natin. Sinasabayan pa ng mataas na bayad sa mga bilihin. Mas mataas ang gastusin ng negosyo kaysa sa kinikita natin. Dala ito marahil ng krisis sa buong bansa. Ano kaya anak kung isara na natin ang negosyo?

Malapit na ring hilain ng bangko ang ating negosyo kasi hindi na tayo nakakabayad ng ating mga utang sa kanila ng ilang buwan. Alam kong sa iyo lang nanggagaling ang puhunan ng ating negosyo kaya sa iyo lang talaga ako umaasa. Kung may magagawa lang ako para tulungan ka, pero wala akong kayang maibigay kasi sayo lang din naman nanggagaling ang mga ginagamit namin dito.

9. Mga kababayang kong OFW,
Alam kong hindi nararapat na humingi sa inyo ng tulong pinansyal sapagkat alam kong mahirap din ang kalagayan ninyo. Ngunit ang ating pamahalaan ay ginagawa lahat ng paraan upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong ONDOY at PEPENG. Halos ang buong Luzon ay nangangailangan ngayon ng tulong mula sa mga kababayan nating mapalad na hindi nasalanta ng kalamidad.

Kaugnay nito, nais naming lumapit sa inyo upang manawagan ng anumang tulong na pwede ninyong ibigay sa ating mga nagugutom at naghihirap na mga kababayan. Maaaring ang iba sa kanila ay mga kamag-anak din ninyo o maaaring mga pamilya pa ninyo mismo. Ang anumang tulong na pwede ninyong ibigay ay ihatid lamang sa ating mga embahada.

Maraming salamat sa inyong pagtulong.

10. Dear anak,
Hindi pa ba kayo sumasahod? Kailan ka ba magpapadala? Anak, ubos na rin yung huli mong ipinadala. Hindi pa tayo nakakabayad ng kuryente at tubig. Sa lunes, magpuputol na sila kung hindi pa tayo makakabayad sa linggo. Wala na rin kaming makain, nahihiya na akong umutang sa may tindahan kasi may utang pa tayo dun na hindi nababayaran. Yung bayad pa pala sa renta ng bahay. Ubos na rin pala gatas ng anak mo. Wala na rin siyang diaper. May kunting sinat pa siya ngayon. Ano ba yan, patung-patong na ang problema natin. Ang tataas pa ng presyo ng bilihin dito sa Pinas!

10 Sulat na GUSTONG matanggap ng mga OFW!

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, OFW by Blog Ong

Sulat 11. Dear anak,
Awa ng Diyos anak, maayos naman kami dito sa Pinas. Nga pala anak malapit na matapos itong bahay na ipinapagawa mo. Pag-uwi mo dito sa Pinas, meron kang makikitang napuntahan ng pinaghirapan mo diyan sa Saudi. Unti-unti ay napagawa na rin natin itong dream house mo. Ipinundar ko talaga dito lahat ng ipinapadala mo sapagkat alam ko kung gaano kahirap ang trabaho mo diyan.

Kapag natapos na yung kontrata mo diyan sa Saudi, meron kang bahay na matutuluyan at mauuwian. Ipinundar ko mabuti ang mga ipinapada mo kasi alam ko na hindi pamalagian ang trabaho sa ibang bansa. Ayoko na masayang ang mga pinagpaguran mo. Nga pala, yung sobra sa ipinadala mo, idineposito ko muna sa bangko para maipon at pagbalik mo dito meron kang magagamit pangnegosyo. Salamat din pala sa ibinigay mong puhunan sa akin para sa aking maliit na tindahan. Maganda ang benta mula ng binuksan itong tindahan natin.

Ingat ka lagi diyan anak ha? Miss ka na namin.

2. Dear ate,
Yehey ate pasado ako sa mga exams ko! Matataas mga nakuha kong scores sa final exam ko te! Sa wakas, makakagraduate na rin ako this october! Ate, hindi nasayang yung pinagpaguran mo. Te, makakauwi ka ba sa graduation ko? Gusto ko sana ikaw ang magsabit ng medalya ko kasi Cum Laude ako te! Sana makauwi ka, pasalubong ha? Lub yu te!

3. Dear mama,
Kamusta na kayo diyan sa Saudi? Kami nila papa ok naman kami dito. Si papa ang nagaasikaso sa aming magkakapatid. Ang bait-bait ni papa ma. Maaga siya gumigising sa umaga upang ipaghanda kami ng baon sa school. Paggising namin sa umaga, nakahain na yung pagkain naming magkakapatid. Nakahanda na rin yung pampaligo ni bunso.

Tinutulungan din namin si papa paguwi namin mula sa school. Si nene ang namamalantsa ng mga damit namin pampasok. Si bunso naman, siya tagahugas ng plato. Tinuturuan na rin ni papa na magluto para matuto siya.

Nga pala ma, first honor ako ngayon sa school. Si bunso pala, Best in math tsaka science. Si nene naman Best in Filipino and History. Ang gagaling ng mga anak niyo ma, manang-mana kami sa inyo ni papa. Ingat kayo lagi diyan ma ha? Miss na miss na namin kayo.

4. Dear pa,
Kamusta ka na diyan sa Amerika? Taglamig na diyan ngayon ah. Meron ka bang nagagamit na jacket na makapal? Alagaan mo sarili mo ha? Bili ka ng makakapal na pangginaw para di ka magkasakit. Meron ka bang mga vitamins diyan? Huwag mo kakalimutang uminom ha para malakas ka. Ok naman kami ng mga bata dito sa Pinas. Eto tulog na sila habang ginagawa ko itong sulat ko sa iyo. Maayos naman silang magkakapatid. Hindi sila nag-aaway, lagi lang sila nagkukulitan kaya ang ingay lagi dito sa loob ng bahay. Pero ok lang kasi masaya sila lagi. Matataas nga mga grado nila sa school eh.

Pa, miss na miss na kita. Lagi kitang naaalala tuwing gabi. Sana ikaw ang aking kayakap ngayon. Sana ikaw din, ako ang kayakap mo diyan. Nasasabik na ako sa paguwi mo. I love you pa.

5.Dear sir,
We would like to inform you that we have achieved our goal for the first quarter of the year. Our sales increased by 15% for the month of January compared to last year’s sales for this period which was only 7.5%. We would also want to tell you that our expansion project in Davao is 90% complete and we settled to open our new branch on the first week of June. We look forward for your presence in our opening ceremony. Godbless and More power Mr. President.

6. Dear Ate,
Congrats! Wow ang galing-galing talaga ng ate ko. Parang kailan lang nung ordinaryong cashier ka lang sa kompanya niyo. After one year lang naging supervisor ka na agad. Hindi nagtagal naging assistant branch manager ka naman. At ngayon, Branch Manager ka na! Wow! We are so proud of you ate! Ang galing-galing mo talaga. Lagi ka namin isinasama sa aming panalangin te. Ingat ka lagi diyan ha. CONGRATS ULIT TE! Miss na miss ka na namin.

7. Dear anak,
Ipapadala ko ngayon mga litrato ng anak mo. Mabilis ang kanyang paglaki. Parang kailan lang nung sanggol pa siya ng iwan mo siya sa akin. Ngayon ang laki na niya at napakagandang bata. Marami akong ipinadalang picture ng anak mo. Kasama na rin diyan yung mga pictures niya nung 1st nag-birthday siya. Andaming pumuntang bata at tuwang tuwa ang anak mo. Sana matuwa ka. Alam namin ng anak mo na miss na miss mo na kami.

Nga pala, isinabay ko na rin sa padala yung paborito mong balot at adobong baboy. Alam ko walang ganito diyan sa Saudi. Kung meron man, mahal naman. Meron din akong ipinadalang kornik tska mani. Buti na lang mabait tong katrabaho mo na pabalik diyan sa Saudi. Magpapadala din sana ako ng bagoong kaso nakakahiya na sa katrabaho mo. Masyado ng maraming ipinadala. Itext mo ako pag nakarating sa iyo ang mga padala ha?

Ingat ka lagi dyan anak. Huwag mo kaming alalahanin ng anak mo, ok lang kami dito. Huwag mo pababayaan sarili mo. Bigyan mo din mga kababayan natin diyan nung balot. Medyo marami yan. Ingat anak.

8. Mga minamahal kong kababayang OFW,
Sana nasa maayos kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang personal na liham na ito mula sa tanggapan ng inyong Pangulo.

Bilang inyong pangulo dito sa Pilipinas, nais kong ipabatid sa inyo na nakatatag na sa buong mundo sa bawat bansa ang embahada ng Pilipinas. Ito ay upang pangalagaan ang ating mga manggagawang kababayang naghahanapbuhay sa ibang bansa. Itinatag ang mga ito upang mayroon kayong malalapitan kung nangangailangan kayo ng anumang uri ng tulong.

Gusto namin ipabatid sa inyo na ang bawat embahada ay mayroong programang libreng tulong pinansyal sa bawat manggagawang Pilipino sa buong mundo. Ito ay upang tulungan ang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong pinansyal sa panahon ng kagipitan.

Meron din libreng mga gamot at tulong medikal sa bawat tanggapan upang tulungan ang mga kababayan nating walang pambili ng gamot sa panahon ng pagkakasakit. Kung nangangailangan kayo ng tulong, tumawag lamang kayo sa ating embahada upang kayo ay mapuntahan ng ating mga doktor sa inyong mga tahanan o kompanyang pinapasukan. Ito po ay libre.

Nais ng tanggapan ng inyong Pangulo na ang bawat manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay naaalagaan ang karapatan at kaligtasan sapagkat itinuturing kayo ng buong Pilipinas na mga BAYANI NG BAGONG HENERASYON. Sapagkat kung wala kayo, hindi magiging maunlad ang Pilipinas sa pandaigdigang usapang pampinansyal.

Mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

9. Dear mga anak,
Narito kami ngayon sa Disney Land ng mga apo ko. Salamat sa libreng vacation package na iniregalo niyo sa aking birthday. Tuwang tuwa mga apo ko ngayon. Sayang lang at hindi namin kayo kasama ng mga anak niyo sapagkat alam naman namin kung gaano kayo ka-busy sa inyong mga trabaho diyan sa ibang bansa. Pero masaya na rin kami sapagkat alam namin masaya kayo sa pagbibigay niyo sa amin ng mga ganito.

Dadaan kami diyan sa Amerika pagkatapos naming mamasyal dito. Ayaw pa bumiyahe ng mga bata. Gusto pa raw nila mag-enjoy dito sa Disney Land. See you there! Salamat ulit mga anak. Mahal na mahal ko kayo.

10. Mahal kong asawa,
Kamusta ka na diyan? Ok naman kami ni baby junior dito. Ito malusog ang baby natin. Ang guwapo-guwapo. Kamukhang-kamukha ng papa niya. Napakatakaw sa gatas! Mayat-maya humihingi at dumedede. Nakakatuwa kasi malakas siyang bata. Bumili na ako kanina ng mga vitamins, gatas at iba pang gamit niya mula dun sa ipinadala mo sa aming mag-ina. Di magtatagal pa, uuwi ka na at magkikita na rin kayo ng baby natin.

Sasabihin ko sa anak natin araw-araw na napakasipag na ama niya at sobrang bait. Sasabihin ko sa kanya na isa kang ulirang ama at ikaw ang inspirasyon namin dito sa Pinas. Huwag kang mag-alala pa, hindi ko pababayaan itong baby natin. Palalakihin ko siya na mabait, masunurin at matalinong bata kagaya mo noon. Para pag-uwi mo, masasabi mo na hindi nasayang ang lahat ng pinaghirapan mo para sa amin ng anak mo. Lalaki ang baby natin na maipagmamalaki mo.

Mag-iingat ka lagi diyan ha? Mahal na mahal ka namin ni baby.