1st Law of Power: Never Outshine the Master

Blog Ong

Always make those above you feel comfortably superior. In your desire to please and impress them, do not go too far in displaying your talents or you might accomplish the opposite – inspire fear and insecurity. Make your master appear more brilliant than they are and you will attain the heights of power. 

The reason for this law is simple: All masters want to appear more brilliant than other people. They do not care anything more than their name and glory. Instead of insecurity, you must give them glory. Do not challenge their intellectual authority, instead make them feel superior. Do not outshine them, make them outshine all others. 

Key to this power:
Everyone has insecurities. When you show yourself in the world and display your talents, you naturally stir up all kinds of resentment, envy, and other manifestations of insecurity. This is to be expected. You cannot spend your life worrying about the petty feelings of others. With those above you, however, you must take a different approach: When it comes to power, outshining the master is perhaps the worst mistake of all. 

Masters want to feel secure in their positions, and superior to those around them in intelligence, wit, and charm. It is a deadly but common misperception to believe that by displaying and vaunting your gifts and talents, you are winning the master’s affection. He may feign appreciation, but at his first opportunity he will replace you with someone less intelligent, less attractive, and less threatening. The master will not admit the truth, but will find an excuse to rid himself of your presence. 

There are masters who are more insecure than others, monstrously insecure. Should you inadvertently outshine them by your charm and grace, or just by being simply yourself, this lesson should be put in mind: If you cannot help being charming and superior, you must learn how to avoid such monsters of vanity. Find a way to mute your good qualities when in the company of these kind of masters. 

Also, never imagine that because the master loves you, you can do anything you want. Entire books could be written about favorites who fell out of favor by taking their status for granted, for daring to outshine. Do not be somebody who had no sense of limits. Presuming that you are in the same rights and position as those of the highest nobility, do not forget that your position depend on your master. Do not come to believe that you earned your position on your own. Remember the following: Never take your position for granted and never let any favors you receive go to your head. 

Applying this power:
If you are more intelligent than your master, make him appear more intelligent than you. Act naive. Make it seem that you need his expertise. Commit harmless mistakes that will not hurt you in the long run but will give you the chance to ask for his help. Masters adore requests. A master who cannot bestow on you the gifts of his experience may direct rancor and ill will at you instead. 

It is not weakness to disguise your strengths if in the end they lead to power. By letting others outshine you, you remain in control, instead of being a victim of their insecurity. If you can make your master shine even more in the eyes of others, then you are a godsend and you will be instantly promoted. 

This power is a lesson that the stars in the sky teach us – they may be related to the sun, and just as brilliant, but they never appear in her company. 

If today your master is still firm in his position, yet you know yourself to be the more capable, bide your time and be patient. It is the natural course of things that power eventually fades and weakens. Your master will fall someday, and if you play it right, you will outlive and someday outshine him. 

Excerpts from: The 48 Laws of Power by Robert Greene (2000). 

Advertisements

Hindi kasalanan ng Gobyerno o ng Pangulo kung bakit mahirap ka

Blog Ong

Nanggaling kami sa hirap. Nasubukan namin mag-ulam ng asin, minsan toyo, minsan kanin lang. Pero di ko maalala na sinisi namin ang gobyerno, never ang sinumang Pangulo ng Pilipinas sa kahirapan namin. Nagsikap lang ang ina namin, nagtulong-tulong kami na magkakapatid para makapagtapos ng pag-aaral. Ngayon nakaraos na kami ng walang paninisi sa gobyerno o sa pangulo. 
Hindi ang gobyerno, hindi ang Pangulo ang sagot sa kahirapan mo, kundi ang sariling pagsisikap mo.

Maging responsable ka din. Buhay mo yan. 

STRIKE 3

Ako si BLOG ONG!, Ang Kuwaderno ni BLOG ONG!, Blog Ong, Kwentong Jeep!

STRIKE 1

Maganda ang gising ko kahit kulang ako sa tulog noong isang araw. Katulad ng dati, kailangan ko gumising ng maaga upang pumasok sa trabaho. Inat-inat, luto ng almusal, kain, ligo, bihis at ready na ako pumasok. (Fast-forward)

Nakasakay na ako ng jeep sa pilahan. Di pa man nakakaalis ang jeep na sinasakyan ko, ang init na agad ng ulo ni Mamang Driver. Pilit kasing ginagawang siyaman ang walohang jeep. Nagkataon pang may sumakay na 1 ½ ang sukat ng katawan, ayon uminit ang ulo ng driver kasi bumaba ang dalawang pasahero dahil ayaw nila masikip na masasakyan. Wala ng gustong pumasok, napilitang umalis ang jeep na kulang ang sakay. Walang nagawa ang sumisigaw ng Mamang Driver kundi umalis na kulang ang sakay, lahat ng sakay ay nagmamadali.

Umandar na ang jeep. Makalipas ang pitong minuto at limampung segundo na pagtakbo, pumara ang isang binatilyo. Maporma at mukhang maraming pera. Mukhang may date dahil nagmamadaling bumaba. Maya-maya pa ay sumigaw ang hot-tempered na Mamang Driver, “Hoy! Di ka pa nagbabayad!” Nagkamali pala ako ng akala sa porma ng binatilyo. Hindi umandar ang jeep hanggat hindi lumalapit yung binatilyo na noon ay nasa kabilang kalsada na. Nagtalo na ang dalawa sa gitna ng kalsada habang ang mga kasunod naming jeep ay naghuhumiyaw na sa lakas ng busina. Biglang umeksena ang isang pasahero sa likod at sinabing, “Nagbayad na yan kanina! Ano ba, late na kami!”

Hindi ko alam kung nagbayad ba talaga ang mapormang binatilyo o hindi sapagkat hindi ko nakita. Ang sabi ko na lang, “Strike 1!”

STRIKE 2

Umalis kami sa eksenang yun na mas lalong mainit ang ulo ng Mamang Driver. Panay ang salita ng kung anu-anong di masikmurang mga salita. Kung pwede lang niyang balikan yung binatilyo upang basagin ang mukha pero wala na siyang magawa kundi magmura.

Maya-maya pa ay biglang pumara ang tatlong mama na mukhang mga construction workers dahil sa itsura, damit, at amoy nila. Malayo-layo na rin pala ang tinatakbo namin mula sa mapormang binatilyo na inakusahang di nagbayad.

Nakababa na ang tatlong mama ng, “Mga gago kayo! Makita ko lang kayo sa pila sa susunod, pagbabasagin ko mga pagmumukha ninyo!” Teka, teka ano naman ang nangyayari? (sabi ko sa isip ko.) Ano? Di na naman nagbayad yung tatlo? Hehe, mukhang minamalas ang Mamang Driver, nakapagsakay ng mga pasaherong suspek sa di pagbabayad ng pamasahe. As usual, walang nagawa ang Mamang Driver kundi ang patakbuhin ang jeep na sinasakyan namin sapagkat naka-GO na ang traffic light.

Nanggigigil na ang Mamang Driver dahil sa magkasunod na insidente ng di pagbabayad ng mga pasahero niya. (Ako din, di pa nagbabayad nung mga oras na yun.) Nararamdaman ko ang galit at pagkainis ng Mamang Driver, bumibilis na ang takbo ng jeep na sinasakyan namin. Wala na siyang sinasanto, pakiramdam ko nakasakay na ako sa isang Fast and the Furious na sasakyan. Dahil ito sa tatlong bugoy na di nagbayad ng pamasahe…strike 2!

STRIKE 3

Inilabas ko na ang wallet ko upang kumuha ng pamasahe. Galit na galit na ang driver, mukhang papatayin na niya lahat ng mga di pa nakakabayad. Gusto na niyang manigurado na lahat ng naiiwan na pasahero niya ay magbabayad. Nagsisipagabutan na ng bayad ang mga kasama kong pasahero. Natatakot na din siguro na mapatay ng Mamang Driver. Nanlilisik na ang mga mata nito at bawat kilos ng kanyang mga pasahero ay kitang kita niya sa salamin ng jeep. Lahat ng aakmang bababa ay nililingon niya upang makasiguro na nakabayad na ito bago bumaba.

Akmang iaabot ko na ang bayad ko ng ginitgit ng Mamang Driver ang isang jeep na nasa unahan namin. Isang centimetro na lang ang layo para masagi niya ang sasakyan. Natural ang jeep na nagitgit ay mag-iinit ang ulo. Ginitgit din ang jeep na sinasakyan namin. Yun nga lang natamaan niya ang side mirror ng Mamang Driver na umaapoy na sa galit. Naggitgitan ang dalawang jeep na parang TOKYO DRIFT. Kabado na ako sa susunod na mangyayari.

Hindi na nakapagpigil pa ang Mamang Driver at bumaba na ito at hinabol ang jeep na gumitgit sa kanya. Mabilis tumakbo ang Mamang Driver. Daig pa niya si Superman sa bilis. Gusto na niyang bumasag ng mukha at ilabas ang galit sa mga hindi nagbayad sa kanya ng pamasahe sa driver na ginigit niya na gumanti rin sa kanya. Nakakapit ito sa likod ng jeep na hinahabol niya. Natulala kaming lahat sa nakikita namin. Ng mahimasmasan ako, hindi ko pa rin pala naibababa ang aking kamay na nag-aabot ng pamasahe ko.

Nakakakaba ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lang naming nakita na tumilapon sa jeep ang Mamang Driver. Sa di maipaliwanag na pangyayari, hindi namin alam kung paanong tumilapon siya sa bintana ng jeep. Maaaring pinagtulungan siyang ihulog ng mga pasahero ng jeep na hinabol niya o di kaya tumilapon siya habang gumigewang ang jeep na hinahabol niya. Mabuti na lang at walang sumusunod na jeep noon at tiyak napisak ang Mamang Driver sa gitna ng kalsada.

Bigla akong napatingin sa aking relo at nakita kong atrasado na ako sa aking biyahe. Kailangan ko ng gumalaw kung hindi ay male-late ako sa aking trabaho. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla akong nagdesisyon na bumaba ng jeep at sumakay agad sa paparating na jeep.

Walang magandang idudulot ang pagiging mainitin ang ulo. Ika nga e hindi tayo nakakapagisip ng  maayos kapag galit tayo. Kaya naman maganda kung mapag-aralan natin ang pagiging kalmado sa lahat ng oras. Katulad ni Mamang Driver, maaaring nadigrasya sana siya sa pagkakataong yun pag nagkataon. Ng dahil lang sa siyete pesos na nawala sa kanya, na hindi rin naman niya sigurado kung nagbayad o hindi yung mga inakusahan niya, muntikan na siyang bawian ng buhay.

Sinasadya ko man o hindi, napaisip ako na tama lang na hindi ko naiabot ang pamasahe ko sa Mamang Driver, para maisip niya na habang umiinit ang ulo niya, mas lalong wala siyang makukuhang mabuti at mapapahamak lang siya.

Nadaanan namin ang Mamang Driver na pipilay-pilay pabalik sa jeep niya. Kung ano man ang mga sumunnod na nangyari pagkatapos nun, wala na akong pakialam. Bigla ko na lang nasambit sa aking isip habang papalayo na ang jeep na sinasakyan ko sa Mamang Driver na pabalik sa kanyang sasakyan… “STRIKE 3!.”

BABALA: Mag-ingat sa LAGLAG BARYA GANG!

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong

Txt…txt…txt. Wala akong pakialam sa mundo at sa mga taong sumasakay sa jeep na sinasakyan ko nung isang araw. Hindi ko inaasahan na may magaganap na drama at krimen sa araw na yun…sa loob ng jeep.

Binabaybay ng jeep ang kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo ng biglang may sumakay na limang lalaki. Ang tanging kapansin-pansin sa kanila bukod sa malalaki ang katawan, pare-parehas silang may dalang backpack bag. Wala ng maupuan pero nakipagsiksikan pa rin sila sa loob. Ang tatlo ay nakahanap naman ng masisiksikan, yung isang lalaki sumabit at ang isa pa ay pumwesto sa gitna. Tuloy ang buhay.  Wala pa rin akong pakialam.

Txt pa rin ako ng txt… ng biglang may nahulog kuno sa ilalim ng upuan yung isang lalaki na wala ng maupuan. Dito na nagumpisa ang drama. May hinahanap kuno yung lalaking nakatayo sa gitna ng jeep sa ilalim ng upuan sa may bandang harap kung saan nakaupo ang magiging biktima ng krimen. Hindi ko alam kung ano yung inilaglag pero may kunwaring hinahanap sa ilalim ng upuan. Mahirap gumalaw sapagkat siksikan sa loob ng jeep. Dahil sa sadyang matulungin ang ilang kapwa nating mga pinoy, hindi nakakapagtaka na may tumulong sa lalaki upang hanapin sa ilalim ng upuan yaong nalaglag na bagay (kung meron man talaga). Epektibo ang drama ng lalaking may hinahanap na kung ano. Nakabingwit siya ng isang biktima. Tinulungan siya ng isang ale na nasa bandang harapan. Ngunit sabi nga minsan, kung sino pa yung tumulong siya pa ang dehado at napagsasamantalahan.

Nakikiramdam na ako sa mga nangyayari sapagkat nakaramdam ako ng kakaiba sa dramang nagaganap sa loob ng jeep. Patuloy pa rin ang  paghahanap sa nahulog na bagay. Pinapakiramdaman ko na ang dalawang katabi ko sapagkat naging malikot ang nasa kanan ko. Maya-maya pa biglang pumara ang lalaking nasa gitna. Maaaring nahanap na niya ang nahulog na bagay sa ilalim ng upuan o baka sasakay na lang siya sa ibang jeep na mas maluwag. Ngunit nakakapagtaka, hindi sumunod ang apat pa niyang mga kasamang lalaki. Maaari bang hindi talaga niya ito mga kasama o may ibang dahilan kung bakit nagpaiwan ang mga ito?

Akala ko tapos na ang drama pero umpisa pa lang pala yun. Biglang sumigaw yung babae na tumulong dun sa lalaki bago pa man ito nakababa ng jeep. “SANDALI! NAWAWALA CELLPHONE KO!”, malakas na sigaw ng babaeng tumulong. Nagkagulo na sa loob ng jeep. Naalerto ang lahat ng pasahero sa sinabi ng babae. Ako din mahigpit ko ng hinawakan ang aking dalang cellphone tsaka wallet at nakiramdam sa mga susunod na mangyayari. Sumagot ang pababa ng lalaki, “BAKIT KO KUKUNIN ANG CELLPHONE MO? MAY SARILI AKONG CELLPHONE (sabay hugot sa cellphone na nasa bulsa niya). Bumaba na ng jeep yung lalaki na galit na galit pagkatapos niya itong sabihin . Umiiyak na ang ale na nawalan ng cellphone. Lahat din ng pasahero nagulat sa sinabi ng babae. Pero ako kahit wala akong pakialam kanina, alam kong may kakaibang nangyayari.

Maya-maya nagsalita ang ibang mga aktor sa dramang nagaganap. Kunwari ay nagagalit naman yung isang kasama nung lalaki na bumaba kanina at sinabing, “HABULIN MO NA! NAKAKAABALA KA SA BYAHE. PARE-PAREHO TAYONG NAGMAMADALI.” Sinegundahan naman ito ng isa pang lalaki na kasama nila kanina. Ganito rin ang sinabi nung lalaki na nakasabit, “HABULIN MO NA, AYUN PA SIYA (sabay turo sa lalaking nag-aabang na ng sasakyan)”. Nagtataka na ako, bakit ang mga lalaking yun lamang ang nag-uudyok sa babae kung ano ang dapat gawin.

Bumaba yung babae. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sa pagitan nila nung lalaking hinabol niya. Malayo na ang jeep na sinasakyan  namin sa dalawa.

Samantala, ang mga naiwang aktor ay patuloy ang dialogo sa loob ng jeep at batid sa kanila ang lihim na nasa likod ng natapos na drama. Pinagmamasdan ko sila isa-isa lalo na yung lalaki na katabi nung babae kanina. Malikot ang mga mata at palinga-linga. Yung ibang lalaki nakangisi na parang may nililihim. Maya-maya nakarating na kami sa may bandang Ligaya ng pumara ang natitirang apat na lalaki. Noon ko napatunayan na tunay silang magkakasama…maaaring magkakasabwat din sa katatapos lang na krimen.

Tumakbo na ang jeep at iniisip ko ang mga nangyari…

Naaawa ako dun sa ale sapagkat naisip ko lang na mali ang lalaking hinabol niya. Hindi yung lalaking bumaba ang tunay na dumukot sa cellphone niya, kundi ang lalaking katabi niya. Posibleng sinamantala ng lalaking katabi nung babaeng nadukutan ang pagkakataong dukutin sa bag ng ale ang cellphone habang tinutulungan niya kanina yung lalaki na hanapin yung nahulog na bagay sa ilalim ng upuan. Sa pagkakataong yun, hindi alerto ang babae sa anumang posibilidad ng pandurukot. Mahaba ang pagkakataon nung lalaki na dumukot sa bag habang abala yung babae kanina na nakikipaghanapan sa nahulog na bagay sa ilalim ng upuan. Naging malikot naman ang ibang mga kasama nila sa kani-kanilang mga upuan upang hindi mapansin ng ibang mga pasahero ang nagaganap na pandurukot. Ginawa nila ito upang hindi matuon ang pansin nila sa nagaganap na krimen.

Samantala, posible rin na hindi sa pagkakataong ito naganap ang pandurukot. May posibilidad ding nadukutan na yung biktima bago pa man ito nakaupo kanina.  Magkakasunod kasi silang sumakay. Kumbaga, PLAN B na lang ng limang lalaki ang dramang naganap sa loob ng jeep kanina.  Sinamantala naman ng ibang aktor na pababain yung babae habang ito ay nasa estado pa ng pagkabigla sa pagkawala ng cellphone niya. Ngunit kung iisipin sa estilo ng kanilang ginawang pandurukot, mas mangingibabaw na modus operandi nila yung drama kanina.

Ito ang estilo ng mga LAGLAG BARYA GANG. Isang estilo ng pandurukot na gamit ang drama at pagsindak sa mga biktima. Ayun sa mga eksperto, ang bawat nilalang ay may posibilidad na nakatuon lang ang pansin sa isang bagay at hindi na ito alerto sa ibang bagay na nangyayari sa paligid. Kapag nabigla ang isang tao, aabot ng pito hanggang sampung segundo o mas matagal pa bago ito maging alerto ulit. Ito ang sinasamantala ng mga LAGLAG BARYA GANG na kahinaan ng mga tao na kanilang mga nabibiktima. At ang kaawa-awang babaeng nadukutan sa pagkakataong iyon ang perpektong halimbawa nito.

Ingat na lang.

Bakit Nga Ba ang Ika-apat na Daliri ang Palasingsingan?

Blog Ong, Oo nga noh!

Alam mo ba kung bakit nilalagay sa ika-apat na daliri ang wedding ring kapag ikinakasal ang magiging mag-asawa?

Marami ang nagsasabi ng ibat-ibang mga dahilan kung bakit dapat nakalagay sa palasingsingan ang wedding ring. May mga nagsasabi na kasi daw ito ang daliri na may ugat na konektado sa puso natin. Ngunit alam niyo ba na may malinaw na paliwanag ang mga Tsino kung bakit nga ba natin dapat isuot sa ika-apat na daliri ang singsing ng pag-iisang dibdib.

Disclaimer: All rights over the video shown belong to the copyright holder.

Pinoy ka kung [dugtungan]…

Ako si BLOG ONG!, Blog Ong, BLOG ONG Jokes!, OFW by Blog Ong

Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.

PINOY KA KUNG…
1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Marami pang puwedeng ilagay na Pinoy ka kung… na eksena. Pero inilalaan ko na ito sa iyo. Kung meron akong hindi nabanggit pwede mo itong ilagay bilang iyong komento sa ibaba. Ipagmalaki ang lahing Pinoy!